Don't leave Me

227 7 0
                                    

Author: OK itutuloy ko na 'to

Mattia: Sige ba

Remi: Nagsipag ka ulit mag type😂😂

____________________________________

Ilang buwan ang makalipas, biglang dumating ang Ex ko. Lagi syang dumadalaw sa bahay ganun na rin si Remi. Parang naglalaban😅😅.

Pero, ilang linggo ang makalipas, si Remi, di na ako pinapansin. Wala syang ibinibigay na sulat sakin na nilalagay nya sa locker ko.

Hinintay ko si Remi sa gate. Nung dumating sya inaya ko syang sumakay sa motor ko. Pero tumanggi hanggang sa dumating si Ex. Hinila ni Remi si Ex at nilapit sakin.

"Ikaw ang hinihintay nya"sabi ni Remi at umalis agad sya ng walang paalam

Medyo naiinis na ako sa pang iiwas nya sa akin. Wala naman akong choice hinatid ko si Ex sa kanila.

Ilang buwan ang makalipas, si Remi hindi ko na nakikita sa school. Halos di pumapasok. Nag alala ako ng sobra. Nung uwian na, pumunta ako sa bahay nila Remi at sumigaw ako.

"Remi!!!!! Lumabas ka dyan!!!"
Hanggang may lumabas na tao sa tabi ng bahay nila.

"Iho, wala sila dyan nasa probinsya sila. Sa isang linggo pa sila dadating"

"Ganun po ba? Sige po salamat po" sagot ko

Makalipas ng isang linggo, pumunta agad ako sa bahay nila Remi at nagsisigaw ulit.

"Kumag!!!!!!! Please lumabas ka!!!!!!!"

At ang lumabas ay si G. Vitalis

"Umalis ka na di ka nya kailangan"

"P-pero---"

"Umalis ka na"

Umalis akong nakayuko at malungkot. Ilang oras ang makalipas, nag text sa akin si Remi at ang sabi nya.....

"Kung gusto mo ako makita, magkita tayo sa parke 8pm"

Nagmadali ako magbihis hanggang ang oras ay naging 8pm na.

Dali dali akong pumunta sa parke. Nung dumating ako wala sya. Pero di ko namalayan na sya pala ang babae na mukhang kita na ang bungo. Niyakap ako ng mahigpit ni Remi at umiyak.

"Pasensya na Mattia, hindi ako nakapagpaalam. Pasensya na kung pinag alala kita"

"Remi, bakit ka ganyan? Ano ang nangyari sayo?" Sinabi ko sa kanya habang umiiyak. Hindi nya sinagot ang tanong ko.

"Ipapaliwanag ko sayo sa amin"

At sumunod ako kay Remi na pumunta sa kanila

"Iho, si Remi ay matagal ng may lung cancer kaya pumunta ako sa probinsya para ipagamot sya pero wala kaming sapat na pera" sabi ni G. Vitalis

Nagulat ako sa sinabi nya. Napaiyak ako napayakap kay Remi.

Palagi kong inaalagaan si Remi. Lagi ko syang dinadalhan ng paborito nyang leche flan. Kahit may sakit sya, ngumingiti parin sya.

"Maraming salamat Mattia. Napakabuti mo talaga😊😊"

Napayakap ako ulit kay Remi at umiyak

"Bakit ka umiiyak? Cancer lang toh malalampasan ko rin toh.😊😊" sabi ni Remi

Pinunas nya ang luha at binigyan ko sya ng matamis na ngiti at halik sa pisngi

2 weeks later

Tumawag sa akin si G. Vitalis

"Mattia hindi na makahinga si Remi!!" Pabigla nyang sinabi

Nagmadali akong lumabas sa classroom kahit may klase. Nagmadali rin akong pumunta sa kanila. At nakita ko si G. Vitalis na umiiyak at si Remi nagbubugtong-hininga. Niyakap ko ulit si Remi at umiyak ulit. Hirap na hirap na si Remi huminga at pinipilit paring mabuhay. Nilapit ko ang bibig sa tenga nya at pabulong kong sinabi ang.....

"Magpahinga ka na MAHAL KO. Mahal na mahal kita"

Nag inhale sya ng malalim at exhale hanggang sa pumanaw na sya. Labis ang iyak at sakit ang naranasan ko. Ulila na si G. Vitalis kaya pinatira namin sya sa bahay namin.

Dumating ang graduation namin at umakyat ako sa stage at nagbigay ako ng mensahe.....

"Remi, kamusta ka na dyan sa langit? Sana OK ka lang. Tignan mo oh graduate na ako. At Remi maraming salamat sa lahat ng ginawa mo sa aking kabutihan. Remi hindi kita makakalimutan mahal na mahal kita" paiyak kong sinabi

70 years later

Author's POV.

Tumanda na si Mattia halos di na makalakad at makatayo. Isang linggo ang makalipas, lumabas si Mattia sa bahay nila at nakita si Remi na niyayaya syang sumama sa kanya. Napangiti si Mattia. Pumanaw na si Mattia nung time na iyon at sumama kay Remi. Ang kaluluwa ni Mattia ay bumalik sa pagkabinata. Nung magkasama na sila ni Remi. Hinawakan ni Mattia si Remi sa pisngi at niyakap nya si Remi at hinalikan nya ng sobrang tamis. Then magkasama na sila sa langit

The End

____________________________________

Ricardo: akala ko ba sad story yan pero bakit ganun?

Author: Ang unfair naman sa mga readers dyan. Sad na may kahalong love kasi ayoko na mawalay si Remi kay Mattia.

Remi: Ganun ba?? Hahaha OK lang yan fair na sa amin yan

Mattia: Oo nga bukas gawa ka ulit

Author: magrereview ako dahil may test kami

Mattia: Edi sa time na wala kang ginagawa

Author: Sige bye na see you soon

Sad Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now