Cancer Curse Your Love (Part 2)

119 2 1
                                    

Author: yan matatapos ko na rin toh

Mattia: Hayy salamat

Remi: Saglit lang

Author: Bakit??

Remi: Ano nga pala pinamaskohan nyo??

Author: Meron akong Bag then stuffed toy. Binigyan pa ako ng ganun di na ako bata

Remi: Tinanggap mo ba??

Author: Oo naman. Wala na akong choice eh.

Remi: Buti naman

Author: Ikaw ba Mattia:

Mattia: Wala basta ang mahalaga kasama ko kayong lahat lalo na si Remi😊😊

Remi: Ganun din ako Mattia

Author: Yieeeeeeee

Mattia: Ikaw ba Peter.

Peter: Katulad ng sayo Mattia

Sarah: Tama

Author: Ok tuloy na natin ang story

_______________________________________

Ilang linggo ang makalipas, si Peter niyaya si Sarah sa Amusement Park.

Napagdesisyonan nila na sumakay sila sa Ferris wheel. Tahimik sila sa loob. Ilang segundo ang makalipas sinira ni Peter ang katahimikan.

"Sarah nandito na tayo sa pinakamataas. Humiling ka na dito hanggat may oras pa"

"Sige. Lord sana makasama ko itong lalaking kasama ko ngayon!!!!!!!"

Nabigla si Peter. Pagkatapos, si Peter naman ang humiling

"Lord sana magkatuluyan kaming dalawa ngayon!!!!!!"

Nagulat din si Sarah sa sinabi ni Peter. Ilang minuto ang makalipas nagkahulugan na ang dalawa. Hanggang na nagkalapitan na ang kanilang mga mukha at dinikit nila ang mga labi nila sa isa't isa. Naitigil nila agad it dahil malapit na sila sa baba.

Then pumunta sila sa beach. Nakatingin silang pareho sa langit.

Ilang oras ang makalipas nagdugo ang ilong ni Sarah at nawalan ng malay. Hinatid agad ni Peter si Sarah sa Ospital.

"Doc kamusta ang kasintahan ko?"

"Lalo pang lumala ang cancer nya"

"Ano?!!" Paiyak na sinabi ni Peter

Dumating ang mga magulang ni Sarah. Pare-pareho silang nagiiyakan. Ilang oras ang makalipas, tumigil sila sa pag-iyak. Hanggang sa magising si Sarah.

"Nak, kamusta ka??"

"Maayos lang po. May sasabihin po ako sa inyo"

"Ano yun?"

"Kasintahan ko na po si Peter"

"Magiging masaya ka ba sa kanya??"

"Oo naman po"

"Congrats sa inyo"

"Salamat po tita" sabi ni Peter

2 weeks later

May dumating na kahon sa loob ng kuwarto ni Sarah.

"Ano kaya ito"

"Buksan mo nalang yan"

"Sige po anti"

Binuksan nga ni Sarah ang kahon. Nung pagbukas nya, bigla syang nagulat. Isang puting bistida. May mga design pa na mga crystal. Sa madaling salita ang bistida ay isang wedding dress.

Biglang dumating ang mga magulang ni Sarah.

"Nak, isuot mo na yan"

"P-pero, di po ako pwede ikasal ngayon at tignan mo ito, kalbo na ako Papa."

"Per kailangan mo talaga suotin yan"

"Sige po"

Pagkatapos nyang suotin ng bistidang pangkasal, lumabas sila sa kuwarto pagkababa ng hagdan nakita nya si Peter na nakasuot din ng pangkasal. Tapos may mga bisitang naghihintay sa kanya.

At ikanasal silang dalawa. Napakasaya ni Sarah sa araw na iyon.

Pero bumalik ang kalungkutan, nahimatay na naman si Sarah. Hinatid na naman ito sa loob ng kuwarto nya. Malala na talaga ang cancer nya.

Kinausap ni Sarah si Peter

"Peter pwede mo ba akong samahan sa beach ngayong gabi?"

"P-pero~"

"Sige na"

At pumunta nga sila sa beach. May sinabi si Sarah kay Peter.

"Peter kapag nawala na ako sa mundong ito, wag mo akong kalimutan ah. Tignan mo ang mga bituin. Balang araw makakasama na ako sa kanila kapag nawalay na ako."

At biglang nawalan na talaga ng hininga si Sarah

"S-sarah? Sarah!!!!!!!!!" Paiyak na sinabi ni Peter.

4 years later

"Kamusta pag aaral nyo" sabi ni Peter

"Ayos naman po Papa"

"Ngayon pupunta tayo sa beach ah"

"Sige po"

"Yan ang pabuya namin sayo nak" sabi ng asawa ni Peter

"Salamat po"

At pumunta nga sila sa beach. Nung gumabi na may sinabi si Peter sa sarili nya

"Sarah, kamusta ka na dyan. Sana ayos ka lang diyan sa langit ah. Pakikamusta nalang ako kay Lord~". At nagsimula na syang lumuha. "Sarah, mag-iingat ka ah. Ikaw ang nakikita ko sa kalangitan ngayon hinding hindi kita makakalimutan."

Makalipas ng isang oras papauwi na sila. Bago sila umuwi tumingin ulit si Peter sa langit at may sinabi ulit sya na nagluluha ang kanyang mga mata

"Mahal kong Sarah, magpakasaya ka dyan ah. Pangako hindi kita makakalimutan. Paalam na mahal ko."

The End

_______________________________________

Author: Yan tapos na😢

Remi: Grabe ung kwento mo ngayon mas naiyak ako sa story na ito

Mattia: Nakakaiyak nga

Sarah: Hayysss

Peter: Ayos ka rin gumawa ng malungkot na kwento

Sarah: Gawa ka ulit ah

Author: Oo naman sige ba

Remi: Ayos sige paalam na. Tayo na Mattia baka hinahanap na tayo ni Ina

Mattia: Tama ka Sige.

Author: Yiee, kayo ba Peter, Sarah?

Sarah: Dito muna kami ipaghahanda ka namin para sa bagong taon

Peter: Oo nga

Author: Salamat sa inyo. Ghe readers next time naman ah Bye!!👋👋

Sad Stories (Tagalog)Where stories live. Discover now