If you leave, I will die (Part 2)

63 2 0
                                    

Author: Sorry ang tagal kong nawala

Remi: Ayos lang

Author: Di bale itutuloy ko na toh

_______________________________________

Sarah's POV.

Salamat naman ay wala na ang cancer ko.

"Ma! Nasaan po si Peter??"

"Nasa probinsya sya anak" sagot ng mama ko.

"Naninikip yung dibdib ko. Ma pahingi po ng tubig"

"Ma! Si Peter po ba sumama din po dito sa France" tanong ko

Pero di sya makasagot. Di ko alam kung bakit.

"Mamaya ko sasabihin kapag nakauwi na tayo"

3 months later

Nakita ko yung bahay dati ni Peter. Puro damo na. Di ko alam kung bakit. Tapos nakauwi na kami.

Umupo ako dun sa may hardin namin, tapos may nakita akong box na kulay pink. Ta's binuksan ko yun at nakita ko ang dalawang singsing na may markang 'Prince & Princess'.

Namula ang mga mata ko at nanlabo sa dami ng tubig na nakapaligid sa mata ko.

May nakita akong sulat sa box at binasa ko iyun habang nagbabasa ako napapaluha ako

In a letter...

Mahal kong Sarah,

Sarah, Mahal na mahal kita.
Babe, bakit mo ako iniwan ang sakit, sakit ng
ginawa mo diba nangako tayo na walang
iwanan at diba sabi mo di kana pupunta ng
america pag di ako kasama. Babe malaki na
ipon ko para ipagamot ka sa France bakit di
mo ako sinama. Sana naman na isip mo na
ikaw yong buhay ko, Ikaw ang puso ko, Ikaw ang
mundo ko, Ikaw ang hininga ko na pag wala ka
mamatay ako, Babe salamat sa lahat nakilala
kita walang kapantay na kaligayahan yon at
babe masaya ako na napagsilbihan kita kahit sa kunting panahon. Alam kung marami ang
kulang sa akin pero babe pinilit kung maging
perpekto para lang sa iyo.. Mag iingat ka palagi
mahal na mahal kita, mas mahalaga ang buhay
ko kaysa sayo kasi sino nalang mag aalaga sa iyo
kung wala na akong buhay, sinong mag
tatanggol sa princess ko kung wala na akong
buhay.
Mahal kita higit pa sa buhay ko

Tinanong ko ang mama ko.
"Ma! Nasaan po si Peter. Pupuntahan ko po sya sa probinsya." Hindi nanaman makasagot si Mama. Dahil doon lalo akong umiyak.

May ibinigay si Mama na papel mula sa Ospital nung binasa ko yun, humagulgol ang aking pag iyak. Ang sulat na iyon ay nagpapatunay na nagpa donate sya ng puso. Doon ko din nalaman na ako pala ang nakatanggap ng puso nya.

Hindi ko mapigilan na umiyak dahil sa nangyari sa kanya. Tumakbo ako agad sa kwarto ko. Nakita ko ang cellphone ko sa ilalim ng kama ko. Ayaw mag on kaya chinarge ko yun. Habang nakacharge ung cellphone ko binuksan ko ito at pagbukas ko, nagulat ako na ang daming missed calls tapos binasa ko ung mga text nya

Sad Stories (Tagalog)Место, где живут истории. Откройте их для себя