Chapter 3: My Sweet Wild Tigress

5.8K 167 95
                                    


Chapter 3: My Sweet Wild Tigress

a/n: Unedited

Matthew 11:28 Come to me all who labor and are, heavy laden, and I will give your rest

"Tulala, malayo ang tingin, malalim ang iniisip. Hoy Gregoria na pano ka bes!? Tuleg lang ang peg! Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito no reaction at all ka dyan, haller nice talking in the air".

Lumipas ang tatlong linggo ng mabilis na hindi na bumalik o bumisita sa amin ang demonyong Neville na iyon at nagpapasalamat ako dahil doon nagulat na lang kami isang araw na may tatlo tatlong malalaking truck ang dumating sa aming lugar may mga dalang pagkain damit at kung ano ano pang higtech na appliance katulad ng rice cooker, thermos, tv, ref, electric fan meron na din kaming solar power na pinag kukunan para may ilaw kami sa gabi. At lahat iyon galing kay Hamilton oo ang demonyong iyon akala ko doon lang iyon magtatapos pero katulad ngayon nagulat na naman ako ng may mga mga enginner at mga architect na pumunta dito bibigyan daw kami ng mga pabahay maging mga binhi at buto ay may regalo din sila sa amin. Na offer din sila ng mga pataba at maging ang water system o yun bang pinag kukunan ng tubig para sa aming mga pananim oo masaya ako para sa mga kasama ko dahil hindi na kami mahihirapan subalit natatakot ako para sa pansarili ko. bumabalik pa rin sa isipan ko anh gabing iyon ang gabing ipinamalas niya sa akin kung gaano siya kawalang puso.

TUWING MAY naririnig akong uggong ng sasakyan hindi mawala ang kaba ko sa dibdib para bang automatic iyon na naka on sa akin mabilis akong dudungaw at titingnan kung siya na ba iyon at mawawala lang ang kaba sa dibdib kapag napagtanto ko nan a hindi siya iyon. Para tuloy akong criminal na anong oras pwedeng hulihin at dakipin na sa ganoon pag iisip ako ng biglang-----

"Gia!!!!!!!!" isang matinis na boses ang tumatawag sa akin paglingon ko naman si Chinchin pala ang tumatawag...

"oy! Chin ikaw pala yan, bakit?"

Namaypay pa ito halatang hinihingal takbuhin ba naman ang malawak na palayan eh.

"busy ka ba mamaya?"

Hmmmmm.... "hindi naman bakit?"

"magpapatutor sana si Chunjee sayo eh" tuko'y nito sa nakababatang kapatid na nasa elementarya

"ganon oo naman sige kelan ba?"

"mamaya sana tska bukas G sa lunes kasi periodical exam na nila eh"

"oo sige pupunta na lang ako sa bahay niyo"

"sige Gee aasahan ko yan ah , mauna na ako tutulungan ko pa kasi si Nanay sa pwesto naming"

"o sige salamat ah"

"anu k aba okay lang yun tska mas matalino ka sa sa akin kaya naman aprub ako sayo Gi, sige una na ako" aniya at umalis na rin sa harap ko

Pinagpatuloy ko naman ang naiwang gingagawa kailangan kong matapos ito dahil may gagawin ako mamaya nagsasideline ako biglang tutor sa mga bata dito sa amin binabayaran naman nila ako ng singkwenta pesos kada oras, hindi naman sa pagmamayabang eh valedictorian ako ng elementary at kasalukuyang nasa senior high ako ngayon graduating na bale(o katumbas sana ng 2nd year college kung wala lang k-12) at magkaklase kami ni Chinchin. Matapos ang ginagawa bumalik ako sa bahay para maghanda sa pag alis ko mamaya. Nakita ko naman si Nanay at tatay na abala sa pagpipintura sa bahay naming yari na sa bato.

"o Gia anak nandyan ka na pala" si Tatay

"Oo Tay mabilis ko pong natapos dahil magtututor pa po ako sa kapatid ni Chinchin na si Chunjee"

"ay ganoon ba anak o sige maghahain na ako ng tanghalian natin" ani naman ni Nanay

Masaya kaming nagsalo-salo sa tanghalian maligayang maligaya ang mga magulang ko sa mga regalo ni De Mercedez. Kung alam lang nila.

The HOT BARRISTER (LION HEART SERIES #2)Where stories live. Discover now