Chapter 11: De Mercedez Clan

4.7K 128 114
                                    

a/n:unedited happy reading!

Why wish on the star when you can pray to the one who created them-ctto. Glory be to God.

Chapter 11: De Mercedez Clan

NANG mga sumunod na mga araw tila palagay na ako sa presensya niya at okay  lang para sa akin ang madalas na pagkikita namin pero hindi pa rin mawala sa dibdib ko yung pakiramdam na pag nasa paligid siya nakakatense na hindi ko maintindihan ang pakiramdam parang may makukulit na paro-paro ang tyan ko. He merrily make fun of me teased me most of the time and do actions na ikinabibigla ko na lang katulad ng paghawak niya ng madalas sa kamay o bewang ko maging ang marahan niyang paghalik kaya naman na papaisip ako hindi talaga kami pwedeng magsama na kami lang dahil alam ko sa sariling kong pagdating sa kaniya ang Dimagiba na si ako rumurupok.

Isang Hapon nagboluntaryo ako kay nanay na ako na ang maghahatid ng meryenda nila. Panatag naman ako na wala siyang gagawin sa akin dahil maraming tao doon at lalo pa't nadoon din si Tatay. Palapit na ako doon at tanaw ko na ang kumpulan nila habang nagpapahinga sa ilalim ng punong acacia. Dinalian ko naman ang paglakad dahil baka gutom na sila.

"tay!" pagtawag ko kay tatay

"ay Gia anak! Andyan ka na pala ano yang dala mo? Sabay baling nilang lahat sa akin pati siya.

Sa lahat ng tumingin yung sa kaniya lang mata ang hindi ko matingnan ng diretso.

"b-babanacue tska kamotecue tay Yung juice isusunod nan i bebang tinitimpla pa kasi niya" sabi.

"ay naku! Ang ganda ganda talaga ng anak! Bagay na bagay sa titulo niyang Reyna, hindi ba Hamilton hijo?" biglang puri sa akin ni tatay.at yung damuhong lalaki pa talaga ang tinanong mo tay huh!?

"Same impression here tatay" aniya at tumitig pa sa akin ng matagal.

Inirapan ko naman. Naikinangisi niya

"mahirap nga lang magalit tay nang iitak eh" sabay tawa niya ng mahina.

They all laughed at what he said marahil kinuwento niya kay tatay ang ginawa ko kay karina o di kaya ang madaldal na si bebang tss.

Pagkalagay ko ng meryenda nagpaalam na kaagad ako sa kanila baka kasi pagtumagal pa ako, tutuksuhin na naman nila ako ng walang katapusan

Naglalakad na ako ng marinig kong nagpaalam ito kay tatay at nagmamadaling sumunod sa akin.

"what will you do next?"

Huminto ako at nag isip kung may gagawin pa ba ako o wala na inisip ko at inisa isa lahat. Napapitlag lang ako ng maramdaman kong hawak niya na ako.

"what's wrong baby?"

"uhm...iniisip ko lang kung may gagawin ako gaya ng tanong mo pero parang nagawa ko naman na lahat".

"that's good then, Grandma is asking our presence today" he said excitedly.

Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya. Wah! What a trap De Mercedez ngayon wala kang lusot Georgia! Pero baka pwede pa naman makalusot masubukan nga

"Talaga bang ngayon tayo pupunta? Sigurado ka?" ilang beses kong tanong sa kaniya hindi kasi ako mapalagay eh, hindi ako handa.

"yes baby she wants to meet you and I say yes already to her"

"pero sila tatay?"

"pinaalam na kita I told them sasamahan mo ako and they said already yes"

Walanjo! Wala na talaga wala ka ng choice Georgia! Mapapasubo na naman ako nito grabe na ngang kaba ko sa nanay niya tapos ngayon sa Lola naman niya ang makikilala ko.

The HOT BARRISTER (LION HEART SERIES #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें