Chapter 9: The Mad Judge

4.4K 129 123
                                    



a/n:UNEDITED happy Reading

Acts:16:31 "Believe on the Lord Jesus Christ, and thou Shalt be saved. And thy house."

Chapter 9: The Mad Judge

MABILIS niya lang akong inihatid sa bahay at umalis siya ni hindi man lang kami nakapag-usap ng mabuti natatakot tuloy ako baka may gawin siyang masama o di kaya baka mapahamak siya.Umalis pa naman siyang galit at Hindi ako mapakali ng tumutong na ang alas onse ng gabi na wala pa rin siya pabiling biling ako sa higaan pipikit-pikit ako at pagnakakarinig ng kahit mahinang kaluskos ay mabilis na nagigising talo ko pa ang isang legawl wife na hinihintay ang asawa nito galing sa trabaho.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto nagtimpla ako ng kape lumabas ako ng bahay at naupo sa papag sa labas. Tama dito ko na lang siya hihintayin. Kailangan din naming makapag usap ng masinsinan hindi iyong ganito na basta basta na lang siyang gumagawa ng mga kilos na hindi naman dapat.

Naubos ko na ang iniinom na kape at pasado alas tres na rin ng madaling araw pero wala pa rin siya. At tinatamaan na rin ako ng antok nahiga na lang ako papag at doon tuloy-tuloy na ang pagkakatulog ko.

Naalimpungatan ako ng mahihinang tapik sa braso mga bandang alasingko trenta ng ng madaling araw.

"anak Gia.,?"

"T-tay?" malat pa ang boses kong sagot kay tatay.

"Malamig dito sa labas bat dito ka na tutulog?"

"ah- gusto ko lang pong mag pahangin hindi ko namalayang nakatulog na pala ako" rason ko na lang

"ganun ba, o siya pumasok ka na sa loob doon ka na matulog"

"pupunta ka na sa taniman tay?"

"Oo titingnan ko doon baka kung anon g nangyari kay Hamilton"

Hamilton?

"bakit tay ano namang kinalaman nung Hamilton doon?"

"kahapon kasi sabi niya siya na daw ang magbabantay doon kaya yun dun ko pinatulog sa kubo ni Tasyo"

Napanganga ako sa sinabi ni Tatay hindi ako makapaniwala.. kailangan ko ng ebidensya kung nandoon nga siya

"samahan na po kita Tay"

"o sige bahala ka, magpaalam ka muna sa nanay mo"

"opo"

Nakasunod ako kay Tatay habang naglalakad ito papunta sa taniman namin. Kinakabahan ako sa pwede kong Makita hindi pa rin ako makapaniwala kung totoo mang dun nga siya natulog bukod sa maraming lamok doon naku.. magulo pa doon.

Tanaw ko na mula sa malayo ang kubo ni Mang Tasyo may munting liwanag na nanggagaling doon.

"naku! Mukhang nilinisan nga ng batang iyon" rinig ko sabi ni Tatay.

Ng makarating na kami doon dahan dahan ni tatay binuksan ang kawayang pintuan noon, mabilis naman ako sumilip at nagulantang ako sa nakita.

Nakahiga lang naman ito sa kawayang sofa doon lagpas lagpas pa ang paa. Hindi ko alam kung tatawa ako o maaawa sa sitwasyon niya. napakagat labi ako ng makitang malinis na nga ang paligid. Nakonsensya naman ako dahil alam ko namang hindi ito komportable at sanay sa mga ganitong bagay.

"aba'y pagod na pagod ang batang ine, Gia anak bumalik ka sa bahay sabihin mo sa nanay mo na magluto ng agahan at ikaw na ang magahatid dito"

"a-ah sige po tay"

Ni sa pagkaing hinanda ni Nanay gusto kong lumubog hindi naman kasi iyon sanay kumain ng tuyo, daig o itlog na maalat paniguirado ang almusal noon mga toasted bread, bacon , hotdog o di kaya ay cereal oatmeal mga ganyan.

The HOT BARRISTER (LION HEART SERIES #2)Where stories live. Discover now