II

21 2 0
                                    


Kinabukasan din nun ay nagising na ako sa ospital habang nasa tabi ko si Jane. Hindi ko alam kung paano ako nakarating doon at kung sino ang nagdala sa akin sa ospital, basta ang sinabi lang ni Jane ay tinawagan lang daw siya ng isang unknown number na nagsasabing nasa ospital ako at kailangan bantayan.

I cant explain further though. Wala kaming ideya kung sino ang tumawag sa kanya, wala na rin kaming interes, pagkatapos kasi noong nangyari ay balik na kami sa trabaho. Mula din noon ay hindi ko na mahagilap si Ganjo Ballente. Gusto ko man siyang kasuhan ay wala na ako balita sa kanya. We cant find any traces of him na kahit ang mga staff ng hotel na pinagdalhan niya sa akin ay hindi alam o kaya ay hindi raw nila kilala.

Tsss!! Napaka-imposible naman nun. Syempre may records siya doon noong araw din na iyon, diba? Bwisit lang. Ginagawa din nila akong tanga eh.

Hanggang ngayon pa rin naman ay sinusubukan kong humanap ng mga impormasyon tungkol sa kanya, kahit na sumasakit na ang ulo ko dahil kahit saan ako magtanong ay walang may alam sa mga whereabouts ng hinayupak na iyon.

"Kain na tayo. Gutom na ako eh.." tumayo na siya at lumabas na ng kwarto ko.

"Mauna ka na, busog pa ako."

"Kay," sabi niya sa labas ng pinto.

Lying to my stomach, I began to write again.

"Shit," I cursed under my breath.

Tumayo ulit ako at lumapit sa vanity mirror para kunin ang salamin. Nagsisimula na namang sumakit ang mata ko. Palibhasa, kanina pa ako nakababad sa harap ng laptop kaya sumasakit na naman ang mga ito.

Tumunog ang cellphone ko na nasa kama, kinuha ko iyon at sinagot. It is from an unknown number

"Hi, good morning! Is this... uh.. Alloie Saith Cervero?" anang babae sa kabilang linya.

"Yes, speaking... How may I help you with?"

Nakagat ko ang aking labi at hindi napigilan ang kumakawala na ngiti. Bagong client na naman 'to. Yes!

"Oh! Uhm... Your friend, Jane--is that it?"

"Uh-huh,"

"She gave me your number. Well, actually I asked for it. Nagustuhan ko kasi yung ginawa mong renovation sa bahay ko months ago, do you remember? Ingrid Gladiola.--"

"Oh! The model!?" gulat na tanong ko.

Hindi ko alam na binigay na pala ni Jane ang number ko sa kanya. Akala ko ba dalawa kami na kinuha niyang designer? I heard her soft chuckle. Kinilabutan ako. Kahit ang simpleng pagngisi niya ay napaka sexy. Swerte naman ng mapapangasawa nito.

"Yes, yes... Nakita ko rin kasi sa website mo yung iba mo pang designs, I really like it... So, pwede ba tayong magkita bukas para idiscuss ang gusto kong mangyari?"

Anong karapatan kong tumanggi!?

"Of course, Miss! Thank you! Thank you po talaga. Just text me the location kung saan tayo mag-kikita. Libre ako kahit anong oras." I eagerly said.

I lied. Marami pa akong tatapusing designs pero pwede ko naman iyong ipagaliban muna. Mas importante kaya 'to!

"Okay. See you tomorrow, then. Bye."

"Bye.."

Pagkatapos ng tawag ay tumakbo agad ako sa sala para ibalita kay Jane ang nangyari.

"Jane!"

Nabitin sa ere ang kutsara na isusubo niya sana at gulat na napatingin sa akin.

"Oh? Bakit? Anong nagyari? Nakakagulat ka naman, oh."

Niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likod. "Hindi mo sinabi sa akin na binigay mo na pala kay Miss, Ingid ang number ko." humiwalay ako at umupo sa stool na katabi niya. "Akala ko ba dalawa tayong gagawa noon?"

"Ah. I change my mind na. Ikaw na lang ang gagawa noon mag-isa.. Sorry, girl, kailangan ko kasing habulin iyong deadline nung isa ko pang project kay Mrs. Panchengco. Alam mo naman diba? Napaka demanding ng matandang iyon. Sorry talaga, Saith... Ah! Kung gusto mo, pwede mong isama si Davy doon. Oo tama! Kayong dalawa!" malisyoso siyang ngumisi sa akin.

Napangiwi ako at umiling. Like no way! I dont like that guy. He's so mayabang and... not to mention, arogante.

Sure, I don't have any past experiences about men, but this one is really getting into my nerves. Makikita ko pa lang ang ânino niya parang gusto ko nang magtago.

Alam mo 'yon? Yung feeling na parang naiilang ka sa kanya kahit wala ka namang ginagawa na kahit anong makakakuha ng atensyon niya? Basta! Naiinis ako.

Binaba niya ang kubyertos na hawak at inirapan ako.

"Alam mo, napakarte mo. Ang gwapo kaya ni Davy... Nakakaloka ka. Nerd ka na nga, choosy ka pa."

"Grabe, nakaka offend ka naman.." nakangusong sabi ko.

"Ano ba kasing ayaw mo sa kanya? Sa pag kakakilala ko sa kanya, okay naman siya. Matino naman siya. Walang bahid ng pagiging kriminal."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh, bakit? Pinopormahan ka ba at kung maka ano ka riyan... Arte neto."

"Ang sama mo," bulong ko.

May point naman rin siya. Hindi nga naman ako pinapansin ng lalaking iyon--ni hindi nga ako matingnan noon eh. Siguro nadadala lang ako ng emosyon ko kapag nakikita ko siya, pakiramdam ko kasi na aangasan ako sa kanya. Masyadong mataas ang tingin sa sarili. Ay, ewan!

Tumayo na ako pero may pahabol, pa siya.

"Try mo lang muna kasi. Malay mo naman mag click kayo.. Ayyiiee.."

"Ewan. Basta ayoko siyang magkasama sa Batangas, o Sa kahit anong project."

"Ano ba kasing iniisip mo? Bakit ilang na ilang ka sa kanya? O baka naman... hmm.."

"Ano, ha?"

"Saith, please. no feelings in-" I cut her off.

"What!? Ano bang sinasabi mo?
Of course, no feelings involve here." depensa ko.

"Bahala ka. Pero... itry mo pa rin ha? Inaalala ko lang ang safety mo. Hindi mo ako makakasama doon kaya tingin ko mas mainam kung may kasama ka. Si Davy lang ang naisip kong pwede eh." nag kibit balikat siya.

Napaisip ako sa kanyang sinabi. She's right. I shouldn't be feel confident about my safety, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nahahanap si Ballente. Anong malay namin at baka nariyan lang siya sa tabi tabi at nag mamasid. Kinilabutan ako. Baka sa susunod namin na pag kikita mas malala na ang gawin niya sa akin.

Tinalikuran ko na siya para bumalik sa kuwarto.

"Basta, Saith, itry mo lang, okay?"

Humarap ako sa kanya. I smiled and inclined my head in a mock salute.

"I'll give it some thought."

To Beast Be With Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن