III

21 3 2
                                    

"I expect you'll start a trend." she examined my proposals, now charmed beyond recognition.

My lips protruded, surpressing a smile. Pinakita ko kasi sa kanya ang online portfolio ko at hinayaan siyang mamili ng gusto niyang designs.

It is carefully curated online space to showcase my work. And also, another way of demonstrating to clients that you know how to make a design look compelling. Kaya naman sobrang natuwa ako nang ma appreciate niya ang mga gawa ko.

"Thank you, Miss. May napili na po ba kayong design para sa bahay n'yo?"

Kanina ay nabanggit niya na gusto niya raw sana ng Beach Style. Sana! Since ang location ng magiging bahay nila ay malapit sa beach. Kaya nga lang daw, e,  baka hindi iyon magustuhan ng kanyang fiancee kaya she's up to Transistional interior design naman.

She wants it to be kind of bold but cozy at the same time. Ang sabi niya kasi ay opposite ang likes nilang mag fiancee sa mga bagay kaya hati pa sa ngayon ang desisyon niya para rito.

Pinatay niya ang iPad pagkatapos ay binalik sa akin. Humalukipkip siya at tumingin sa labas. Bumuntong hininga siya, tila may mabigat na kinikimkim sa loob. Naningkit ang mata ko, nagtataka sa kanyang inasal.

"Hmm... I think I will be needing my fiancee's opinion about this. After all, kami pa rin naman ang titira sa magiging bahay namin." she smiled softly, ni hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

Ba't ganoon? Hindi ba dapat... kapag ikakasal ka masaya ka? Pre-wedding jitters, ika nga. Pero bakit parang problemado naman ata ang isang 'to?

Hindi ko makita sa kanya ang kasiyahan ng isang soon-to-be bride. Maganda naman siya, given na 'yon kasi nga modelo siya. Ang kaso, she looks gloomy and sad. Something that shouldn't be shown to any brides-to-be.

Baka naman hindi niya gusto ang pakakasalan niya?

I mentally nodded.

Sa kultura ng mga mayayaman, hindi nalalaos sa kanila ang arrange marriage. Gusto mo man o hindi ang ia-arrange sa iyo wala ka nang magagawa. Marriage for convenience indeed.

How complicated.

Napakurap kurap ako nang bigla siyang bumaling sa akin. Umayos ako sa pagkakaupo at muling binuksan ang iPad.

"Don't get me wrong. I like your ideas and designs. They are unique and different. Kailangan ko lang talagang hingin ang opinion ng fiancee ko tungkol dito."

"I understand, Miss." agap ko.

Medyo nailang ako nang tumagal sa akin ang kanyang titig. Baka isipin niya naiintriga ako sa buhay nila ng fiancee niya.

Huminga ako ng malalim bago pinakita sa kanya ang iPad.

"Uh. Tawagan mo na lang ulit ako if may napagkasunduan na kayo ng fiancee mo. Available naman ako kahit na anong araw." marahan kong sinabi.

Tumango siya at ngumiti. Tumayo naman ako kasunod niya.

"I'm really sorry. Nasa mood talaga ako n'ong tinawagan kita para makipag meeting, but suddenly came up... kaya..."

"Naku! Ayos lang. Kahit naman papaano ay nakapag usap tayo tungkol sa mga bagay na gusto mo, kaya magagawan ko na iyon ng paraan."

Ngumisi ako at nakipag kamay na sa kanya.

"Alright then. See you again." nakangiti ngunit pormal niyang sinabi.

Tumunog ang door chime ng cafe kaya napatingin ako ro'n.

"Y-yeah... See you again."

Nanatili ang mata ko sa babaeng pumasok. Naka sports wear, matangkad at hubog na hubog ang katawan. Naka messy bun ang kulay pula niyang buhok kaya mas lalong nakadepina iyon sa malapad niyang likod. Ngunit ang mas lalong nagpatagal sa kanya ng titig ko ay ang maliit na balat niya sa likod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Beast Be With YouWhere stories live. Discover now