Kabanata 9

153 10 0
                                    

HANS’s POV

Di ko alam kung bakit biglang nagbago si Glenn, siraulo siya eh tapos ngayon biglang gusto niya na si Cha? Tss anong kalokohan ba naiisip niya? Hahayaan namin siya pero wag siyang magkakamali kay Cha kundi kami mismo  magtutumba sa kanya kahit kaibigan pa namin siya tss

Inaamin ko concern ako sobra kay Cha dahil sa kalagayan niya at sinabi ng kuya niya na alagaan namin siya dahil bumalik na ulit yun sa Canada Kasama niya ding umalis si Van for business at studies.

Every weekend namamasiyal kami magtotropa sa rest house nila Cha sa tagaytay, laging parang linta si Glenn kay Cha, at si Ron at Charlie naman laging may mga kadate na kasama , ako naman walang kadate dahil loyal ako kay Shaza na nasa Canada ngayon, next year may balak na din ako sumunod sa kanya next year, kung paguusapan ang matatag na relasyon , meron ako nun , 3 years na kami ni Shaza, at mahal na mahal ko pa din siya, every end of the month nandito siya sa Pinas kaya may nagkikita pa din kami at nanatili kaming matatag.

Habang nakatingin ako sa labas ng window dito sa tree house nila Cha, lumapit siya sa akin

 

"Hans? Okay ka lang ba?" Tanong ni Cha, medyo nagulat ako dahil bigla na lang siya sumulpot

"Ah oo naman bakit?"

"Buti naman :) gusto mo Jelly Ace oh?" Sabi niya at nagaabot ng isang balot ng jelly Ace sa akin, ewan ko ba dito sobrang hilig sa Jelly Ace, haha syempre di ko tinanggihan at kinuha ko sa kanya

"Salamat :) hehe" sabi ko at bigla siyang niyakap ni Glenn

 

"Akin lang si Cha! " Sabi ni Glenn na parang baliw kala mo aagawin sa kanya si Cha haha

"Oo na Glenn, kanina ka pa, dun na nga kayo haha" sabi ko

" Haha ang kulit mo naman Glenn eh tara na nga kuha pa tayo jelly Ace sa Ref." Sabi ni Cha na tawa ng tawa kay Glenn,

" Okay po :) tara na baby ko" sabi ni Glenn, masasabi kong nagiba na nga talaga siya simula nang mahalin niya si Cha, iba nga naman talaga nagagawa ng pagibig at masaya ako para sa kanila.

CHAEBI’s POV

Sobrang bilis ng mga pangyayare parang dati lang ayaw na ayaw sa akin ni Glenn , ngayon mahal na mahal niya na ako, sguro nga minsan yung mga taong di mo akalain na mamahalin ka , sila pa ang lubos na magmamahal sayo, hindi ko kinuwestyon ang pagmamahal ni Glenn, ayoko na mag aksaya pa ng oras para sa pagdududa , ang importante masaya ako at masaya siya at masaya ang mga taong nagmamahal din sa akin. Ang importante Masaya ako ngayon.

Every week bago kami pumunta sa rest house, dumadaan muna ako sa doctor ko, sa ngayon mas mabuti na ang kalagayan ko. Mas nagiging okay na daw ako ngayon, basta lagi lang daw ako magiingat at wag magpapaka pagod.

"Baby Cha ko, sorry sa lahat ng nagawa ko sayo dati huh" sabi ni Glenn, habang nandito kami sa Orange Place, mas malalago na ang mga flowers na inaalagaan namin , at mas maganda na ang lugar na to dahil binili ni Glenn yung lugar na to, yung lumang building ginawa niyang Pastry Shop, maraming nabago at mas nagpaganda ito sa pinakagusto kong lugar

ORANGE LOVEWhere stories live. Discover now