Kabanata 19

89 10 0
                                    

RON’s POV

Flight na ngayong araw ni Chaebi papunta ng Canada. Masaya kami na okay na siya at di sobrang nagdepress sa nangyare. Sa panahon na to nakatulong talaga ang pagiging positive ni Chaebi sa buhay. Di ko alam kung kelan siya babalik pero na nangako siyang babalik kaya magaantay pa din ako. Inuupdate ko pa din si Glenn sa mga nangyare na kay Chaebi kahit ni isa sa text ko di niya ako nirereplyan. Di ko maintindihan si Glenn na sinuko niya si Chaebi.

"Paalam Ron, babalik ako para hanapin siya huh. Antayin nyo ako" sabi ni Chaebi habang yakap niya ako. Kumirot ang puso ko, Oo si Glenn pa din ang mahal niya at alam kong kahit kailan di magiging ako.

"Oo cha basta babalik ka huh" sabi ko at hinalikan ang buhok niya, kumalas na si Cha sa pagkakayakap sa akin at naglakad na sila papunta sa loob, tinapik naman ako ni Chad bago sila maglakad. Ako lang naghatid sa kanila dahil di na nakapunta si Hans at Charlie.

 

GLENN’s POV

Ilang months na din ang nakakalipas ng umalis si Chaebi, nalalaman ko mga nangyayare sa kanya dahil kay Ron. Madalas ko pa din silang nakakasama dahil magkakabarkada kami pinakausap ko na lang sa kanila na wag sabihin kay Chaebi yun. Di ko pa din pinabayaan yung Lovely Haven,ako na mismo nagmamanage ng lugar na iyon, at sinusigurado ko na ang Orange Place sa lugar na yun ay maganda pa din. Mas naging focus ako sa pagaaral ko at sa mga ibang bagay pero di ko maiwasang isipin si Chaebi. Sana nandito siya kasama ko.

Nasa Lovely Haven ako ngayon, pupuntahan ko yung Orange Place para makita ang mga paboritong flowers ni Chaebi.

Naupo lang ako dito sa swing chair na nakaharap sa magandang garden.

"Sir Glenn, excuse po may naghahanap po sayo" sabi ni Kara, isa sa mga crew ko dito sa Lovely Haven

"Sino?" Sabi ko pero bago pa niya masagot may biglang humatak na sa kanya sa loob at nakita kong si Rashell yun, yung babaeng nakita ni Chaebi na kahalikan ko. Di naman siya special sa akin, nadampot ko lang siya sa bar kung saan ako naglasing. Hanggang ngayon ayaw niya ako tigilan at patay na patay siya sa akin. Tss

"Hey baby, I missed you" sabi ni Rashell at akmang hahalikan ako sa labi, pero di niya nagawa yun dahil tinulak ko siya

"Stay away from me!" Sabi ko , I know babae siya pero I'm rude to girls like her

"Bakit di mo na lang kase ako mahalin Glenn?" Sabi niya at ngumisi siya, tumabi siya sa akin at hinimas himas niya braso ko.

"May mahal na ako, kaya get the hell out of here!" Sabi ko habang marahas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko, hinawakan ko yun ng mahigpit at kinaladkad ko siya palabas ng Lovely Haven, wala akong paki kahit nakadress at heels siya, maganda siya pero I never been attracted to her dahil lang siguro sa kalasingan ko kaya ko siya napansin.

"Pare easy babae yan" sabi ni Ron nakahawak sa braso kaya binitawan ko na si Rashell

"Let me help you" sabi ni Charlie kay Rashell at tinayo niya ito

"Thanks, glenn why so rude? I just want to say missed him so much" sabi ni Rashell at tumingin sa akin

"Just stay fucking away from me Rashell!" Sabi ko at tinalikuran ko sila pumasok na ako sa loob ng Lovely Haven

Nakita ko naman na sumunod na si Ron, Hans at Charlie pagtapos nilang kausapin si Rashell.

Bumalik na lang ako Orange Place para mahimasmasan utak ko, sumunod din sila sa akin dun.

"Pare sino ba talaga yun? Bakit ayaw ka lubayan?" Sabi ni Ron at seryosong nagaantay siya sa sagot ko

"Siya yung babaeng kahalikan ko dito. Nakita yun ni Chaebi kaya umalis siya bigla , kaya naaksidente siya." Sabi ko at yumuko, ngayon ko lang sinabi yun sa kanila, lumong lumo pa din ako sa mga nangyare, kung di ko ginawa yun sana kasama ko pa mahal ko

"Sh*t that's the reason why you chose to stay away from Chaebi?" Sabi ni Hans at napailing siya

"Oo pare, kasalanan ko lahat kung bakit napunta siya sa sitwasyon na yun" sabi ko habang nakatingin sa mga orange flowers

"Fucksh*t Glenn! Di ka naman niloko ni Chaebi, wala siyang alam na ako ang hinahanap niya, hindi naman ako pumasok sa buhay niya ulit para sirain kayo, dapat di mo siya sinaktan" sigaw ni Ron sa akin, nakikita kong galit siya at gusto niya akong sapakin pero hinahawakan ni Hans at Charlie ang braso niya para umatras.

"Mali nga ang ginawa ko Ron! Alam ko nasaktan ko siya kaya nga para di na siya masaktan umalis na lang ako sa buhay niya." Sabi ko habang nakatingin sa nanlilisik na mata ni Ron

"Sa ginawa mo mas sinaktan mo siya, dahil pinabayaan mo siya Glenn! Wala kang kwenta!" Sabi niya at di ko na mapigilan sarili ko, lumapit ako sa kanya sa sinuntok ko siya sa muka. Inaawat kami ni Hans at Charlie dahil magsasapakan na talaga kami.

"Sh*t kumalma nga kayo, kung nandito si Cha, siguradong iiyak siya pagnakita niyang nagkakaganyan kayo" sabi ni Hans kaya napatigil kaming dalawa ni Ron

"Pagusapan natin to ng maayos wala kayong ganyan" sabi ni Charlie

"Glenn, tandaan mo to, mahal ko si Chaebi. Pero ikaw mahal niya kaya tinanggap ko yun pero kahit kailan di ko matatanggap na sinaktan mo siya" sabi ni Ron at tinalikuran kaming lahat.

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon