Kabanata 26

85 9 4
                                    

CHAEBI’s POV

Naghahanda na ako dahil ipapasiyal daw ako ngayon ni Hans ngayon para sumaya naman daw kaya pumayag ako. Habang nagaayos ako ng hair ko biglang kumatok si manang.

*tok tok tok*

"Mam, may naghahanap po sayo sa baba, girlfriend daw po siya ni sir Glenn" sabi ni Manang , nagulat ako dahil di ko sure kung sino ba talaga girlfriend ni Glenn.

"Sige manang bababa na ako" sabi ko at bumaba na ako sa may living room

Pagdating ko dun nakita kong nakaupo ang isang babae na naka maroon dress, pamilyar siya sa akin. Maganda siya na parang model din.

"Hi I'm Rashell, ako gf ni Glenn, you need to know something" sabi niya at nakipagshake hands, sa malapitan ko napagtanto na siya ang nahuli kong kahalikan ni Glenn sa Orange Place 3years ago.

"Hi I'm Chaebi, so ano yun?" Sabi ko at nagtatakang tumingin sa kanya, nakataas ang kilay niya sa akin

"I'm pregnant and this is Glenn's Son" sabi niya at ngumisi. Parang may kung ano sa puso ko na gusto sumabog, napahawak ako sa dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko. Naluluha ako ang sakit sakit.

"Ganun ba I'm happy for both of you" sabi ko at tumayo na ako para iwanan siya dun sa sala pero hinawakan niya ang braso ko at hinawakan ako ng mahigpit

"Sana matanggap mo Chaebi na di ka naman talaga minahal ni Glenn, so umalis ka na " sabi niya with evil laugh tsaka siya umalis ng bahay namin

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko, ang sakit na pinamuka pa lalo ni Rashell sa akin na di ako mahal ni Glenn. Parang gusto ko na matunaw at mawala ngayon. Di niya ba talaga ako minahal?

Tama si Rashell. Kelangan ko na umalis para di na ako magulo sa kanila at para maging masaya sila.

Aalis na ako at di na ulit magpapakita kay Glenn.

Nagimpake na ako agad at dumiretso sa airport kahit lutang pa din ako sa mga nangyare kanina, eto lang ang naiisip ko ang lumayo. Lumayo na sa kanila. Kahit di ako sigurado kung ito ba talaga ang tama haay

GLENN’s POV

Kinabukasan nagtake ako ng first flight papunta sa Canada para sundan si Chaebi. Di ko na sasayangin ang pagkakataon na to.

Bago ako umalis patungo sa airport pumunta muna ako sa Lovely Haven

"Ron, ikaw muna bahala dito" sabi ko kay Ron

"Oo pare, sana mahanap mo siya. Ingat ka pare" sabi niya at sumakay na ako sa sasakyan ko, may driver ako ngayon dahil syempre iiwan ko muna ang sasakyan ko dito sa Pinas. 

Tinatahak na namin ang daan papunta sa Airport, we are in the highway, I'm just staring outside, I'm thinking about Chaebi. Iniisip ko kung paano ko siya kakausapin para bumalik siya sa akin. All I wanted is her. I want her back.

Inalis ko ang pagkakatingin sa labas at tumingin ako sa harap at nakita kong may pasalubong na truck sa amin, pinilit iiwas ng driver ko ang sasakyan namin pero sa bilis ng mga nangyare.

Everything just went black.

ORANGE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon