Chapter 6:

8.3K 184 7
                                    


Her's pov

Magkaharap parin kami sa isat isa. Walang nag papatalo sa aming dalawa.

Titig na titig sya sa akin at ganon din ako sa kanya.

Tinitigan ko ang labi nya, It was a kissable lips. Parang inaakit ako na halikan ko ang labing ito.

Bago ko pa siya mahalikan nag salita siya "enjoying the view?" Namulat ako sa katotohanan at nabigla sa malapitan naming mga mukha. Naitulak ko siya at sa hindi inaasahan tumilapon sya sa sahig.

"Ouch. " daing nya, masyado sigurong malakas ang pagtulak ko sa kanya kaya nilapitan ko siya.

"I-i'm sorry. A-are you okay" panic na tanong ko sa kanya. Tiningnan ko siya sa mukha at pinag-aralan ang kanyang katawan kung mayrong mga gasgas.

"Hey, what are you doing? Don't--" pigil nya sa akin bago ko pa mahawakan ang kanyang legs to check if mayrong bale.

But he stop me, hindi ko alam kung bakit ako nag-aalala sa kanya na dapat galit ako sa kanya, pero bakit ako magagalit sa kanya eh wala naman siyang nagawang mali sa akin.

"A-ahm I'm sorry" hinging paumanhin ko sa kanya. Dahan dahan siyang tumayo at napa igik sa sakit na natamo niya sa pagtulak ko sa kanya.

"A-are you okay?" Gosh ano naman ang ginawa mo Samantha. Tinulungan ko siyang makatayo at maiupo sa isang silya.

" Nathan I-i'm sorry, ikaw kasi ang lapit lapit ng mukha mo sa akin"

"So kasalan ko pa? Wow ha" sabay iling pa nya. Napa pikit na lang si Nathan sa sobrang sakit siguro ng balakang nya.

So ano na Samantha, ano na ang gagawin mo?

"Tara dadalhin na kita sa clinic" hinawakan ko ang kaliwa nyang kamay at inalalayan siya upang makatayo na hindi sya nasasaktan.

Ang kaliwang kamay ni Nathan ay naka akbay sa akin para maalalayan sya ng maayos. Kung sino man ang makakita sa posisyon naming ito ay malamang aakalain nilang mayrong namamagitan sa amin.

Patuloy lang kami sa paglalakad at dahan dahan ang aming paglakad sa kadahilanang baka masaktan sya.

Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway ng makita ko sina Chloe papunta sa direksyon namin siguro pupunta na sila sa classroom.

Bago pa kami makita ng mga kaibigan ko pinihit ko sya papaliko sa kabilang pasilyo.

"Bakit tayo lumiko, eh sa clinic tayo pupunta" tumigil sya sa paglalakad at tiningnan ako at ang kanyang mga kilay ay naka kulubot sa pagtataka.

"Ahmm.. ano kasi ahm may pupuntahan pa ako. Tama, pupunta ako sa Library" tiningnan nya ako ng mabuti kung nagsasabi ako ng totoo. Hindi pa naman ako magaling sa pagsusunungaling.

Samantha wag kang magpapahalata kaya mo yan. Lumingon ako sa aking likuran para tingnan kung wala na doon sina Chloe at sa kamalas malasang nga naman dito din palang direksyon ang pupuntahan nila. Ano ba namang kamalasan yan Samantha.

At bago pa kami makaalis sa pwesto namin ni Nathan upang magtago nakita na kami Cathy.

"Hey, Sam!" Sigaw ni Cathy. Napalingon nalang ako sa kanila. Binitawan ko si Nathan at pinalis ang kanyang kaliwang kamay.

Inayos ko ang aking pagkakatayo at lumayo ng kunti kay Nathan.

"Hi. San kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila upang maiwasan ang kanilang mga pangangambang magtanong sa akin.

"Obvious naman diba? Sa library ano sama ka--"

"Sa akin siya sasama mag de-date kami" arghh Nathan naman oh. Tiningnan ko ang mga mukha ng mga kaibigan kong natulala na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Nathan.

"Sige mauna na kami sa inyo" nginitian nya pa ang mga kaibigan. Nilingon ko sila pero hindi parin sila nakagalaw sa kanilang kinatatayuan. Marami rami na naman itong diskasyon.

Naiinis na talaga ako sa lalaking ito argh. "ano ba Nathan bitawan mo nga ako. Bakit mo yun sinabi sa kanila, ha?" ngisi lang ang sinukli nya sa akin. Pinipigilan nya ang mapangiti sa reaksyon.

"jan kana nga. Naiinis ako sa pagmumuka mo" mukhang wala na naman masakit sa katawan nya.Loko talagang lalaking iyon.

Hahanapin ko nalang sina Chloe ay wag na pala baka maintriga pa ako. Argh san kaya ako tatambay nito.

Naisip ko nalang na pumunta sa canteen para bumili ng makakain baka magutom pa ako mamaya habang nag didiscuss yung prof namin mahirap na.

Ilang metro pa ang nilakad at naka ratinh rin sa wakas. I open the door at pumasok na akon. Maraming tao sa canteen dahil siguro ang mga student ay hindi rin mahilig mag almusal sa kanilang bahay. Pumila ako at nag hihintay sa time ko na. I waited a minute ng biglang may lumapit sa akin.

"Hi!" ngiting ngiti naman sa akin ang lalaki sa aking harapan. I was shock sa kanyang paglapit. He have a good boy look but mysterious. Gwapo rin sya pero para sa akin mas gwapo si----
What the.. Ano ba naman Samantha na babaliw ka na naman.

"Ahm, Do I know you?" tanong ko sa kanya.

"actually not, by the way I'm Kris. You are?? Linahad nya ang kanyang kamay para makipagkamay sa akin.

"ahh, I'm Sam--" tatanggapin ko na sana ang kanyang kamay para maki pag shake hands may biglang dumaan sa gitna namin. Wala bang good manners and right conduct ang lalaking ito? Basta basta nalang dadaan sa gitna namin. Ang lawak ng daan wala talagang modo.

"hey ang basto--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sana sa lalaki ng makilala ko kung sino ito. Walang iba kundi si Nathan ang bastos talaga.

Tiningnan ako ni Nathan na parang mayron akong ginawang masama "kung magloloko ka sa akin wag harap harap baka anong magawa ko" binaling nya ang kanya atensyon kay Kris "at wag mong hahawakan ang girlfriend ko" hinila nya ako palapit sa kanya at tiningnan nya ng masama si Kris.

Seryoso lang si Kris na nilalabanan ang masasamang tingin ni Nathan. Nag tagal ang kanyang pagtitigan na parang gusto ng bugbugin ni Nathan si Kris. Ang unang bumitaw ng kanilang pagtitigan ay si Kris dahil binaling nya ang kanyang paningin sa akin at nginitian nya ako sabay kindat nya sa akin.

****

Sorry sa late update at sa typos and wrong grammar.
Btw, hindi na pasama si bebeKris sa characters nag bago kasi ang isip ko eh 😅 at thank yOu Ngapala kay jaydinDain dahil ikaw ang kaunaunahang nag komento ng storyang ito thank you po talaga💜
#SaWakasNakaUpdate

FALLING IN LOVE WITH A STRANGERWhere stories live. Discover now