Unang Kabanata (1)

33 2 0
                                    

"Shock bes! Ayan na siyaaa! Omg ang galing galing niya kumanta! Sobra!" Papuri ko sa babaeng iniidolo ko. Siya lamang ang unang artista na hinangaan ko ng sobra. Kung may "Age doesn't matter" Sa pag-iibigan, tiyak na meron ding kasabihan na ganito pagdating sa pag-iidolo.

Bat di ako pinapansin nito?

Busy siguro to sa paglalandi. Mahadera!

Niyugyog ko si Ayen. "Hoy! Bumangon ka nga! Andyan na si Sharon o, Ang galing ng high note niya OMG walang pinagbagooo!"

Bumangon siya at biglang nagalit "HOY AMANDA BAT MOKO GINISING?! MAGHAPON AKONG NAG-ARAL  DITO! DI AKO INTERISADO DIYAN SA SHARON MO! PATULUGIN MO NGA AKO. HINAAN MO YAN!"

Grabe bes nahurt ako dun.

Pinanood ko nalang siya at napatingin ako sa mga mata niya. Ang ganda-ganda niya. Siguro sa personal mala-diyosa ang ganda nito.

Ay oo nga pala, may interview siya mamaya sa TWBA! Makapagalarm nga nang magising mamaya.

Pinanood ko ang buong episode ng TWBA. Di ko maiwasang maluha dahil nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot habang kinukuwento ang unang lalaking kanyang minahal.

"Sana may magbigay ng babala sakanya noon pa man para hindi siya nagkamali sa mga desisyon niya." Naiiyak kong sabi.

Nakatulog nako dahil may pasok ako bukas.

Saan ito? Parang pamilyar itong lugar na ito? Nilakad ko ang restaurant palabas at nagulat ako sa nakita ko.

"Babe, baka mahuli tayo dito" sabi nung babae na sa tingin ko ay makaluma manamit.

"Bayaan mo sila, we own this place so we can do anything we want" sabi niya sabay kindat.

Bakit ako nandito? Di ko dapat nakikita ang tagpong ito dahil hindi pako pinapanganak sa panahon na ito.       Kilala ko ang lalaking nakikita ko pero di ako makapaniwala. Totoo ba ito?

May nakita akong matanda na nakatingin sakin. "Ineng, alam ko ang bagay na tumatakbo sa iyong isipan. Maging ako ay kilala ang lalaking iyan at alam ko na kilala mo ang kaniyang nobya."

Napatulala ako. OMG. Panaginip ito 'diba?

RewriteWhere stories live. Discover now