"S-sige ate, andyan na 'ko." Sambit ko. OMG! Ang sarap ng mga pagkain dito feeling ko tuloy ako ang artista dito.
Pumunta na kami sa lugar na pagshu-shootingan niya. Ang ganda ng lugar na 'to! Kaso puro ilaw eh. Medyo nakakasilaw. Alam ko 'tong palabas na shinu-shooting nila eh. To Love Again! Tama! Teka, diba patay na to si Miguel Rodriguez sa future? Kailangan ko siyang makausap pagkatapos ng rehearsal nila.
"Miss?"
"Ho?"
"Ay lolo! Ikaw pala! Lolo, ba't mo naman ako iniwan?! Nako, marami pa naman akong sasabihin sayo!"
"Alam ko iha, nababasa ko ang iniisip mo kaya alam nga ako umalis eh. Pero bago ang lahat, di mo dapat pakialaman ang buhay ng ibang tao maliban sa buhay ng iyong idolo." May banta sa boses na kanyang sinabi.
"Lolo, anong mangyayari pa binalaan ko siya?"
"Babalik ka sa panahon mo."
Hala. Hindi ko na matutulungan si Ate pag ganun
"Sige po lolo, di na po mauulit." Malungkot kong sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/171246917-288-k372123.jpg)
YOU ARE READING
Rewrite
Historical FictionPaano kung mabigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang kapalaran ng pinakahinahangaan mong artista? Tatanggapin mo ba ito o tatanggihan?