Chapter 4:

114K 2.3K 119
                                    

Key

"Are you coming with us Angel?" Mahinahong tanong ni Darren sa akin. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench ng quadrangle sa loob ng Campus namin. Napalingon ako sa kanya at binigyan s'ya ng masayang ngiti sabay iling.

Darren Yue Venitez. The only son of business tycoon Dementio Miguel Venitez. Isa sa pinakamayaman at kinikilalang tao sa pilipinas. Kilala ito sa pagiging istrikto at tinatawag na halimaw pagdating sa mga business mapa ibang bansa man o dito mismoKagaya ng kanyang ama, si Darren ang pinakasikat na estudyante sa university namin dahil sa taglay nitong kagwapuhan, kakisigan, at katalinuhan. Kahit na sinong babae ay humahanga rito dahil sobrang gwapo nito. Idagdag pa na s'ya ang team captain ng basketball. Ngunit sa dami ng babaeng nagpakita ng motibo dito tanging ang kakambal kong si Angeline ang nakabihag ng pihikan n'yang puso.

Si Darren ang matatawag kong bestfriend maliban kay Jake at Allyssa. S'ya kasi ang palagi kong kasama sa twing wala si ate pati na rin si Ally. Kahit hindi kami classmate since ahead sila sa akin, hindi 'yon naging hadlang para hindi ko s'ya makasundo.

"Hindi muna, may gagawin pa kami ni Jake." sagot ko naman matapos kong kuhanin 'yong libro ko sa bag. Iniiwas kong mapatingin sa kanya baka kasi malaman n'yang higit sa pagkakaibigan 'yong nararamdaman ko. 

Oo. Gusto ko s'ya. Gustong-gusto ko s'ya, pero para s'ya sa ate ko. Sila ang bagay.

"Nanliligaw ba sayo si Jake?" nakangiti nitong tanong. Umupo s'ya sa tabi ko sabay akbay sa akin. Napakislot ako ng bahagya. Madalas naman n'ya akong akbayan at yakapin, pero iba pa rin ang dating sa akin ng presens'ya n'ya.

Angel's CryМесто, где живут истории. Откройте их для себя