Chapter 8:

102K 2.1K 110
                                    

~ Welcome Home.

That night changed everything between us. Hindi ko alam kung anong nangyari pero alam kong nagkaroon nang napakalaking pader sa pagitan naming dalawa.

Ni hindi nya ako matingnan sa mata nang walang galit. Ni ang kausapin sya ay parang nakakatakot.

"Umalis kana dyan Angel. Hindi na nakakabuti sayo si Darren." Minsa'y giit ni Jake nang muli nya akong pinuntahan sa bahay at nakita ang ilang papahilom ng mga pasa.

"Hindi pwede Jake." Buntong hininga ko. "Alam mo kung gaano kalaking kasalanan ang nagawa namin ng ate sa kanya."

"Pero hindi ka nya dapat sinasaktan." Mabining gagap nito sa braso ko at bumuntong hininga. "Hindi lang Ikaw ang may kasalanan dito. Hindi lang dapat Ikaw ang sumalo sa galit nya." Paliwanag pa nito.

"Alam ko yon." Marahan kong ngiti, at maingat na tinanggal ang kamay na nakahawak sa aking braso.

Ngumiti ako sa kanya. Assurance na okay lang talaga ako.

"Alam ko narin naman ang dapat kong gawin Jake. Sa dami nang nangyari sa amin ni Darren, madalas ko naring naisip na Iwanan sya, kaso lang." Putol ko... Umayos ako nang tayo at nanlulumong tumingin sa huli.

"Anong pinagkaiba ko sa kapatid ko kung pati mismo ako iiwan sya." Malungkot kong dugtong.

"Nakita mo kung paano masaktan si Darren. Alam mo kung gaano nya kinasusuklaman ang mga taong kaya syang lokohin. Alam natin ang dahilan kung bakit ganun nalang ang galit nya sa nagawa ko~~ Kasi niloko ko sya. Ako na kaibigan nya, at alam kung anong sugat ang meron sya, pero nagawa ko paring gawin ang Isang bagay na may trauma sya. " Paliwanag ko rito. Nagbabakasali na maintindihan nya ang punto ko.

"Kahit anong paliwanag ko naman sayo, Hindi ka Naman makikinig e." Sukong saad ni Jake. Umatras ito palayo sa akin at ngumiti.

"Pero wag mong isipin na nag-iisa ka. Nandito pa ako. Kakampi mo ako Angel." Pinal nitong saad at ngumiti.

~~

But everything falls in the wrong places.

"Fuck you whore!" Sigaw sa akin ni Darren habang kinakaladkad ako palabas ng condo ni Jake. Naiwan si Jake na duguan at hindi na makatayo sa tinamong pambubogbog galing kay Darren.

Nagpasya na akong iwanan si Darren dahil hindi ko na matiis ang pananakit n'ya sakin lalo pag nakainom. Nagkaroon na ako ng lakas at hindi na ako natakot, Gusto ko na s'yang pakawalan, Iwanan. Pero hindi ko inaasahan ang kahahatungan ng ginawa ko.

Hinintay kong makaalis si Darren bago nag-impake ng gamit. Alam kong pupuntahan ako ni Jake ng araw na iyon kaya, hindi na ako nagdalawang isip na iwanan s'ya. Siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob ay dahil hindi ko na kayang tiisin ang bawat pananakit sa akin na sa tingin ko ay sobra na. Ngunit, nagkamali ako. May mga mata palang nakamasid sa akin.

Hila hila n'ya ako at pasadlak na ibinato sa kotse. Pabalibag n'yang sinarado ang pinto at sumakay.

"Darren---"

"Shut the fuck up Gel." Mariin nitong saad. Pinahid nito ang dugo sa gilid ng labi. Magulo ang suot nitong damit, may ilang punit dala sa nangyari sa kanila ni Jake.

Angel's CryWhere stories live. Discover now