Chapter 6:

102K 2.1K 192
                                    

WARNING

"Saan ka galing?" Nanggigil na tanong ni Darren matapos nitong pigain ang pisngi ko gamit ang kanyang kamay. Napahawak ako sa braso n'ya dahil nararamdaman ko na ang sakit mula sa pagkakahawak n'ya sa mukha ko.

"Answer me Bitch! Where. Have. You. Been." dahan-dahan n'ya pang tanong. Matalim itong nakatingin sa akin na parang wala akong karapatang magsinungaling.

Hinawakan ko ang kamay nyang mahigpit na nakapiga sa pisngi ko.

"D--Darren, masakit.." Hikbi ko ngunit para bang hindi iyon alintana ng huli.

"A--Ano kasi--" magsasalita pa sana ako ngunit, bigla nalang akong napatigil nang dahil masakit na binitawan ang mukha ko, dahilan para mapabiling ako sa kabila at maapatras.

"S--si... Aaahh!" Hindi ko pa man nasabi Ang gusto kong sabihin ay malakas akong napahiyaw nang hinila naman n'ya ang buhok ko at pabalyang tinulak sa sofa na naroon.

"D--Darren.." hikbi kong pakiusap sa kanya. Hindi ko alintana ang malakas na pagtama ng likod ko sa sofa. At kahit malambot iyong sumalo sa akin ay ramdam ko parin ang sakit sa lakas nang pagbagsak ko doon.

Kitang kiya ko ang madilim na ekpresyon ng kanyang mga mata nang magtama ang aming tingin.

Ang mga labi nito ay mahigpit na nakaikom na tila nagtitimpi sa ano pang kaya nitong gawin. Nakakuyom ang mga palad nito na animo kaya akong saktan sa paraang gusto nito.

"I told you not to leave this fucking house. Fuck!" Frustrated nitong sigaw. Tila hindi ito makapaniwalang umalis ako kung saan nya ako iniwan.

Hindi pa man nakakabawi ay agad s'yang lumapit sa akin at hinawakan ang buhok ko paitaas.

"D--Darren, tama na. Masakit." Pakiusap ko dito, ngunit hindi n'ya ako pinapakinggan. Patuloy lang ang pagmumura n'ya habang pahigpit nang pahigpit ang hawak n'ya sa buhok ko. Walang tigil ang pag iyak ko dahil sa takot at sakit na ginagawa sakin ni Darren. Ni hindi ko masagot ang simpleng tanong n'ya.

Ano ba kasi ang dapat isagot? Na magkasama kami ni Jake?. Na ito ang dahilan kaya ako wala nang umuwi sya?

"Where have you been!?" Muling sigaw nito na lalong nagpanginig sa katawan ko. Ibinalya n'ya ako at isang sampal pa ulit ang pinatama n'ya sa akin.

"Answer me you bitch!" Hinila na naman n'ya 'yong buhok ko ng hindi ako sumagot. Nagpapatianod lang ako sa ginagawa n'ya. Pakiramdam ko nanghihina na ang katawan ko sa pagod at sakit.

"D--Darren tama na. M--Masakit" Hikbing pakiusap ko ulit sa kanya.

"Masakit? Talagang masasaktan ka sa akin, malandi ka!" Bulyaw n'ya at iniangat ako gamit ang kamay na nakahawak sa buhok ko at hinila ako paakyat sa k'warto n'ya.

Nagpatianod ang katawan ko sa paghila n'ya para 'di ko maramdaman ang sakit ng pagkakahawak n'ya. Ang iyak ko ang ingay na nagpupuno sa bawat sulok ng kabahayan.

Ni hindi ako makalaban.
Ayokong lumaban.

Nang makarating kami sa k'warto n'ya ay marahas n'ya akong ibinalya sa kama.

'"Tang ina! Simpleng tanong lang na kung saan ka galing ay hindi mo masagot! Bakit? dahil ang kasama mo ay ang gagong Jake na 'yon huh?" Bulyaw muli nito. "Ngayong nagkita na kayo, malakas ka ng iwan ako huh, ganoon ba?" Sunod-sunod nitong paghiyaw.

"Ano! Sumagot ka punyeta!" Muli nitong hiyaw. Ginulo nito ang kanyang buhok na tila hindi nito kayang kontrolin ang galit na mayroon sya.

"Akala mo ba hindi ko malalaman huh!"
Dugtong pa nito.

Angel's CryWhere stories live. Discover now