Chapter 3

17.4K 337 3
                                    

Chapter 3



Natigilan ako sa sinabi ni Triton.Hindi ko inaasahang makakapagsabi sya ng ganyan.Totoo nga yung sinabi nila Tito Zekiel at Tita Trinity.Talaga ngang kung ano yung nasa isip nya sasabihin nya ng diretso yun sayo.

"What do you mean?"
Takang tanong ni Ivan.

Tumingin ako kay Triton na ngayon ay nakapikit na at pinaglalaruan ang keychain nya.Pansin ko na araw araw iba iba ang dala dala nyang keychain.Hilig talaga neto sa keychain,eh.

"Bahala ka ng hulaan kung anong ibig kong sabihin..."
Putol nya sa sinabi nya at nagmulat tsaka lumakad palapit kay Ivan.

Hinawakan ko ang laylayan ng damit nya.

"Triton..."
Tawag ko sa pangalan nya.

Hindi ko na narinig ang mga sinabi ni Triton kay Ivan dahil ibinulong nya yon.

"Let's go,Yanna."
Nakangiting anyaya nya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.Ngumiti na lang ako kay Ivan at nagwave ganun din ang ginawa nya.

"Triton...Ano yung ibinulong mo kay Ivan?"
Ngusong tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo nya at hinigpitan ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Stop pouting,Yanna.Hindi bagay sayo."
Kunot noong sabi nito sa akin at nag-iwas ng tingin.

Aha!Hindi daw bagay,ah!

"Hindi bagay?Eh,bakit di ka makatingin ng deretso sa akin,huh?"
Ngising tanong ko sa kanya.

Kita ko ang pamumula ng mga tenga nya sa tanong ko.Amin na,Triton.

"Yan ka na naman,Yanna.Binabaliktad mo na yung sitwasyon naten.Ako dapat yung nangbubully sayo."
Ngusong sabi nya na ikinapula ng pisngi ko.

Ako naman yung napaiwas ng tingin.Bakit ang cute nya kapag ginagawa nya yon?Hinawakan ko ang pisngi ko.God,namumula na naman ako!

"May namumula..."
Pangaasar nya sa akin na syang mas lalong ikinapula ng pisngi ko.

Inapakan ko yung paa nya.

"Aray,Yanna!"
Daing nya kaya nabitawan nya ang kamay ko.

Hawak hawak nya ang paa nya habang nakaupo.Poor,Triton.

"Wawa naman si Triton ko."
Pangaasar ko sa kanya at nagkunwaring malungkot.

"Yanna!"
Inis na tawag nya sa akin.

I stucked my tounged out to tease him.

"Blehhh!"
Pangaasar ko pa sa kanya at sabay takbo.

Lumingon ako sa likuran ko.Haha,buti at nakatatakbo pa sya.

"Humanda ka sa akin,Yanna kapag naabutan kita!"
Sigaw nya sa akin.

"Kung maaabutan mo!"
Sigaw ko pabalik.

Napagod na ako sa kakatakbo kaya medyo binagalan ko hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakasandal sa pader at hawak hawak ni Triton ang dalawang braso ko.

"Gotya!"
Ngising sabi nya.

Pumikit ako dahil alam ko namang pipitikin nya yung noo ko pero iba yung naramdaman ko sa noo ko.Napaangat ako ng tingin kay Triton.He k-kiss me on my forehead.

"Triton..."
Tawag ko sa kanya.

Ngumiti lang sya at binitawan na ang dalawang braso ko tsaka iniharang nya ang dalawang kamay nya sa pader.

"Ayaw kitang nakikitang nasasaktan,Yanna...Kaya sana wag mong saktan ang sarili mo kung alam mo nang ayaw nya sayo.Nandito pa ako,Yanna.Nandito pa si Ezekiel Triton Alferez mo."
Nakangiting sabi nya sa akin.

"Triton,a-an---"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng inilapit nya ang labi nya sa tenga ko.

"Bestfriend mo ako,Yanna.Mahal kita higit pa sa pagmamahal mo dyan kay Ivan..."

That Possessive ManWhere stories live. Discover now