Chapter 23

6.7K 143 2
                                    

Chapter 23



4 weeks ago...

Kringg!Kringg!Kringg!

"Hi,Baby!"

Napangiti ako sa boses nya.Nanliligaw pa rin sya.Araw araw nga akong may bulaklak,eh.Pati si Mommy meron din.Lagi syang ganyan sa tuwing bibigyan nya ako ng chocolates at flowers,tatawagan nya ako.

"Hi,Triton.I miss you."

Blaaaggg!

"Hey,Triton!What happened?!"
Alalang tanong ko.

Ano ba kasing ginagawa nya?

"I-I can't believe this!Pwede bang paulit,Baby?"

Naparolled-eyes na lang ako.

"I miss you,Triton.So much."
Paguulit ko sa sinabi ko kanina at napakagat labi.

Hinintay ko syang magsalita pero narinig ko na lang na may kinakausap na sya.Pinakinggan ko yon.

"Cn!Where's Mom and Dad?!Kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas!"
Masayang sabi nya kay Lucas.

Yeah,magkakasama silang magpi-pinsan sa Canada.Nagbakasyon kasi sila at bukas pa ang balik nila.Sakto pa sa b-day ni Triton.

-Flashback-

"Saan ba kasi tayo pupunta,Triton?"
Tanong ko sa kanya.

Nakapiring ako habang inaalalayan ni Triton.Ang dami talagang pakulo nito.

"Just wait,Baby.I love you."
Sabi nya na syang ikinabuntong hininga ko na lang.

Yan ang laging sagot nya.'Just wait,Baby.I love you.'
Hindi ko na nga alam kung ilang beses ko nang narinig yan sa kanya.

"Ok,Baby.I will removed your blind fold but you will close your eyes."
Sabi nya at unti-unting tinanggal ang blind fold.

Nakapikit ako habang hawak hawak ang kamay nya.

"Open your eyes,Baby."
Sabi nya na syang sinunod ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Oh,my..."
Nasabi ko na lamang habang inililibot ang mga mata.

Takte,ang ganda!Nasa rooftop kami ng bahay nya at lahat ng mga bagay na makikita mo ay kulay pula.Kasabay ng paglapit ng napakagwapong lalaki sa harapan ko ngayon ang pagtugtog ng kantang 'Destiny'.

"Pwede bang isayaw ulit kita?"

Hindi na ako sumagot pa dahil agad akong lumapit sa kanya.

"Baby,promise me na hindi ka didikit sa ibang lalaki."
Nakangusong sabi nya sa akin na syang ikinatawa ko.

Kala mo talaga,boyfriend ko na,eh.Bago pa man nya ako dalhin dito ay alam ko na aalis sila.

"Aye,aye captain!"
Tatawa tawang sigaw ko at sumaludo.

"Mamimiss kita,Baby."
Bulong nya sa akin na syang ikimangiti ko.

Mamimiss din kita,Baby ko.Tsaka ko na sasabihin yan kapag bumalik ka na.

"I love you.Mahal na mahal kita."

-End of flashback-

"Ano ba,Cn!Ang sakit mo sa tenga!Pag ako nagsabi nun nasusuka ka samantalang pinsan mo ako tapos kapag sya nagsabi natataranta ka!Ang sakit,Cn!"
Rinig kong sabi ni Lucas na parang nasasaktan.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa.Sa tatlong mga pinsan ni Triton,si Lucas ang paborito nya.Ganun din si Lucas.

"What the f*ck,Lucas!Get out of my room!Naririnig ng Baby ko ang mga sinasabi mo!"
Iritadong sigaw ni Triton kay Lucas.

"Baby,still there?"
Tanong ni Triton.

"Yes po."
Tatawa tawang sagot ko.

"Sabi na nga ba,eh.Baby,don't laugh!"
Inis na sabi nya.

"Ang pikon mo kahit kailan."
Tatawa tawang sabi ko.

"Yan---!"
Hindi nya na naituloy ang sasabihin nya ng magsalita ako.

"I miss you,Baby...so much."

That Possessive ManWhere stories live. Discover now