Chapter Three (Pissed off)

17 2 0
                                    



Kimberly / Kim's POV

Matapos naming magpakilala kanina sa harap ay pinaupo na kami ni maam sa bakanteng upuan which is yung upuan don sa likod nung babae na mukhang nerd dahil may malalaking salamin. Apat silang may suot na malalaking salamin kasama na yung babae. At hindi ko alam pero feeling ko katulad namin sila. Sinubukan kong tignan ang mga aura nila ng patago pero parehas lang ng aurang nilalabas nila ang katulad ng mga mortal.

Natapos na ang klase pero hindi ko parin maalis sa isip ko ang apat na may salamin na yun lalo na yung lalaki na matangkad tapos yung babae na malapit sa may bintana. Hinintay lang namin na makalabas ang mga kaklase namin para makalabas narin kami. Nang alam kong nakalabas na sila. Tumayo nako at lumapit kila Jessica. Magsasalita na sana ako tungkol dun sa mga nakasalamin ng may narinig kaming nagsalita, kaya napatingin kami sa kanila.

"Monique, wala ka bang balak na pumunta sa canteen?" sabi nung isa sa mga lalaking may suot na malaking salamin. And So, Monique pala ang pangalan nung babae sa may bintana.

"okay ka lang ba Monique?" may pag-aalala na tanong nung lalaking matangkad na may salamin. Muhang magkakaibigan sila. Tumago naman si monique daw saka nya sinimulan ang pag-aayos ng gamit.

"tara na" aya nya. Nakalabas na yung dalawa. Nag-uumpisa na syang maglakad papalabas ng tawagin ko sya hindi naman nya ako ine-snob kasi lumingon sya.

"uhmm, kimbe—". Hindi pa ko natatapos nagpakilala ng putulin nya ko.

"kim, right?.. nagpakilala na kayo kanina tsaka kayo yung transferees dba? Monique nga pala" pagpapakilala nya at inabot nya ang kamay nya sakin kaya kinamayan ko sya.

"oo kami nga and nice to meet you monique" nakangiting sabi ko. Lumapit naman sila Lisa sakin at binate nila si Monique.

"hi" bati nila. syenpre maliban kay Jerome. Hindi naman nagsasalita yan kung hindi naman kailangan.

"hell—" sasagot na sana sya kaya lang dumating yung isang babaeng nakasalamin. Magka-kaibigan nga sila. Magkakaibigan na mahilig magsuot ng malalaking salamin.

"Monique ano na ba't ang tagal mo" inis na inis na sabi nung babae. at naiiritang tumingin samin pero bumalik din agad kay Monique.

"ano..uhmm kim?, una na nako ha! Gutom na yung kasama ko e." paalam nya at sinalubong na nya yung babae.

Natatingin lang kami sa kanila hanggang sa tuluyan na silang nakalabas sa classroom. Tumingin ako sa mga kasama ko para sana ituloy yung sasabihin ko kanina bago ko puntahan si Monique. kaya lang inunahan akong magsalita ni Jerome. Kaya napatingin kami sa kanya.

"did you feel it, right?" tanong nya sakin habang nakatingin sa pintuan. Kung saan lumabas sina Monique.

"yeah" yun nalang ang nasabi ko. At nakitingin narin sa may pintuan.

"ano yung pinag-uusapan nyo? Tsaka ano yung na feel mo Kim?" tanong sakin ni Jessica.

Ibig sabihin hindi nila yun napansin? Sabagay hindi mo naman talaga mapapansin kung hindi mo papansinin.

"wala, feel ko lang kasi na baka katulad natin sila." Sagot ko.

"...at, pano mo naman nasabi?" tanong naman ni Mathew.

"hindi ko alam."

"eehhh" react nila. syempre maliban kay Jerome na nakatingin parin sa pintuan.

"feeling ko nga lang kasi yun" sagot ko at nag-umpisa na kong maglakad palabas kasi nagugutom na ko.

"oh, san ka pupunta?" tanong sakin ni Lisa.

The Four Powerful GuardiansHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin