Chapter Fifth teen (part 2).

12 1 0
                                    


Monique's POV

"No. kailangan nyong sumama ilalabas natin ang mga hinanakit nyo hindi yung iiyak lang kayo ng iiyak jan. walang mangyayari kung ganon ang gagawin nyo" sabi ni Jahob at tinulak kaming dalawa ni Morrie papasok sa mga kwarto namin kaya nag-ayos nalang ako ng sarili ko. Simple lang ang ayos ko dahil wala ako sa mood.

"Nique(nic),tara na?" yaya ni Jahob.

"anjan na" sana hindi nalang pala ako sumunod o sumama dahil pagsisishan ko lang sa bandang dulo. Pumunta kami sa training hall na deni-develop palang ni Dave para sa amin.

"anong ginagawa natin dito? Kasi kung mag-aayos lang tayo. Uuwi nalang ako at makikiusap kila papa n-na n-na...."hindi na nya natuloy yung sinasabi nya dahil na pahagulgul nalang sya ng iyak kaya nahawa a rin ako parehas lang kasi kami ng pinagdaraanan ngayon.

"u-uwi n-nala........." hindi ko na natapos yung sinasabi ko ng magsalita ng malamig si Jahob.

"No, walang uuwi. Kailangan nyong ilabas yang nasa loob nyo. Dahil baka pag hindi masaktan nyo pa yung pinakamamahal nyo"

"pero wa....." hindi ko nanaman natapos ng putulin nya ko.

"Isa" malamig na bilang nya. lahat sila takot pag nagbibilang na si Jahob dahil sa inis at pagsisihan mo pag umabot pa ng tatlo pero ako hindi. Hindi ko sya sinagot hanggang umabot na sya ng tatlo.

"tatlo, hindi ka talaga susunod? Para rin naman sa inyo yung gagawin nyo" hindi ko parin sya sinagot. Wala ako sa mood ngayon gusto ko lang makiusap kila papa at mama na patawarin na nila ako at magpapaliwag ako. Kahit saluhin ko lahat ng masasakit na salita nila ayos lang basta wag lang nila akong itakwil ayaw kong umabot sa ganon.

Napadaing nalang ako sa sakit ng bigla akong atakihin ni Jahob. Seryoso nga talaga sya. At dahil sa inis ko ay napatulan ko sya na sana hindi ko nalang ginawa dahil yun ang muntik ng magpahamak sa kanila. gumawa ako ng bilog na bolang gawa sa tubig at inipon lahat ng iyon hanggang sa lumaki at ikinulong ko roon si Jahob. Alam kung wala na syang kawala non pero dahil sa kapangyarihan nya ay nagawa ng makawala at muli akong inatake. Pinaulanan nya ako ng mga fireball pero agad ko rin namang naiwasan pero hindi lahat madalas ko ring nagagamit ang mga ability na noon ko lang nalaman. At napatigil lang kami sa paglalaban ng nahihirapan na akong makahinga.

"Nique, ayos ka lang ba? may Masakit ba sayo" nag-aalalang tanong ni Morrie. Hindi na akong nag-abalang tignan pa sya dahil nahihirapan na akong huminga. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko. K-kailangan k-ko ng t-tubig.

"t-tubig" nahihirapang usal ko. Ramdam kong natigilan sila dahil sa sinabi ko. Kaya kahit nahihirapan ako ay naglabas ako ng tubig mua sa kapangyarihan ko at ininom yun at doon na nagsimula ang ayaw ko na ulit mangyari.

Masarap sa pakiramdam. Nawala ang uhaw ko pero may kung ano sa katawan ko ang gusting kumawala sinubukan kong pigilan pero namilipit lang ako sa sobrang sakit at pili parin itong kumakawala kaya hinayaan ko nalang pero hindi ko sya makontrol kaya nawalan ako ng malay at paggising ko ay magulo, makalat, at nakita ko sil Morrie na walang mga malay. Hindi ko alam ang nangyari pero base sa nakita ko sa cctv at sa sinabi nila ay delikado akong tao at muntik ko na silang mapatay at ayaw kong mangyari ulit yun.

******************* END***************

Doon ko rin nalaman na ang source ng ability ko ay ang tubig ko sa katawan kaya kung madalas ko itong gagamitin ay manghihina ako. Doon ko rin nalaman na huwag na huwag iinumin ang kapangyarihan kong tubig dahil hindi ko alam kung anong mangyayari pero alam kong masama.

"prepare yourself may nag aabang sa labas" babala ni Morrie kaya napahinto sila sa paglalakad kaya napahinto rin ako at napasandal sa malapit na ding-ding. Umiikot na ang paningin ko kaya alam kong ano mang oras mula ngayon ay mawawalan na ako ng malay pag hindi pa ako nakainom ng tubig. Ipiniling ko ulo ko para kahit papaano ay mawala ang hilo ko. Ayaw kong mawalan malay dito no! mas okey kung sa labas para at least alam ung ligtas na kami. Hindi ako nagpakahirap na ibato si Jahob para masira yung kulungan tapos makukulong lang ulit kami. No way!

"sigurado ka ba?" hindi ko na alam kung sino ang nagsalita dahil umiikot parin yung paligid ko.

"yeah, at marami sila" alam kung si Morrie iyon dahil sa boses nya kaya pinilit kung maglakad palapit sa kanya pero nakakaisang hakbang palang ako ay natumba na ako.

Morisitte's /Mori POV

"yeah, at marami sila" madiin na sagot ni Morrie sa taong Jessica. Nagsimula na rin syang maginat- inat at napatigil yun ng mag parang bumagsak kaya napatingin kami sa likod kung saan nanggaling yung tunog at nakitang si monique iyon na nahihirapang tumayo kaya dinaluhan agad ni Kim na malapit lapit sa kanya. nasa unahan kasi kami banda.

"Monique ayos ka lang ba talaga kasi parang hindi kanina ko pa napapansin" nag-aalalang sabi nya habang ina-alalayang tumayo si Monique at halata ngang nahihirapan sya because she's pale. What happened?

"sabi na nga ba e" biglang sabi ni Morrie at nailing iling na lumapit ay Kim na akay si Monique.

"What happened to her?" tanong bigla ni walter.

"kailangan nya ng tubig" at kinuha na nya si Monique kay Kim at binigay kay Jahob.

"Nasaan ang mga gamit namin?" biglang tanong ni Morrie pero nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko alam kasi nung dinala sila ng mga gwardya ay wala naman silang mga dala.

"sabi ng NASAAN?" nagulat ako ng bigla nalang syang sumigaw. Kailangan talagang sumigaw. Tsaka malay ba namin wala silang dala nung kinulong sila e.

"we don't know dahil nung dinala naman kayo sa selda wala naman kayong mga dala" biglang sagot ni Mervin.

"hurry up. Monique's needs water" nagmamadaling sabi ni Jahob at nauna ng lumakad. T-teka s-sandali.

"t-teka lang s-sandali may nag a-abang daw sa labas" sabi ko ng maalala ko yung sinabi ni Morrie kanina pero hindi manlang sya huminto at tuloy tuloy lang sya. Sira mas mapapahamak lang sila dahil malamang ay naroon si Ulaxz sa labas at nagaabang. Hindi naman sa minamalit ko sila, total alam ko nga na malalakas sila pero kasi naman hindi parin ako sigurado kung kakayin ba namin si Ulaxz. Isa palang ang nakita kong nakatalo kay Ulaxz at yon ay si kuya Christian peo matagal na yon. Hindi ko nga alam kung bakit sya ang nagbabantay dito e halos kasing lakas lang nya yung mga heneral ng Hari.

Nakita kung sumunod na sila Dave at Morrie kaya sumunod na rin kami..

Hay bahala na nga.....

Sana lang talaga at wala si Ulaxz sa labas at puro gwardya lang........

The Four Powerful GuardiansDonde viven las historias. Descúbrelo ahora