Chapter twelve (untittled).

14 1 0
                                    

Monique's Pov

Nakakainis!!! Ganito ba talaga ang itsura dito? Eh mas malala pa to sa kulungan ng pilipias.

Yeah! Tama kayo ng nariig KULUNGAN!

Kung sa kulungan ng pilipinas ay masikip at maraming tao dito naman ay maluwag kaya lang mabaho at maraming mga buto-buto.

Take note buto ng mga tao. Kaya mas gugustuhin ko pa dun kesa dito.

Buong akala ko pa naman maganda at magical yung sasalubong samin pag hinawi yung baging na harang. Ganon kase ang kadalasang nangyayari sa mga binabasa kong fantasy pero 'pack' lang kasi ibang-iba ang nangyari. Dahil nung hinawi ni Kim yung mga baging na nakaharang ay bumulaga samin yung limang nakahood at nakatutok samin yung mga sandata nila. mukhang nagulat nga sila kim lalo na nung atakihin nila kami. Lalabanan na sana namin kaya lang bigla akong nanghina at bumagsak sa lupa at nawalan ng malay tapos pag-gising ko ay nandito na kami sa mabahong kulungan nato.

Tsaka nga pala kumpleto na yung grupo nila Kim. Pag-gising ko kasi kanina nandito na sila, ngalang.. nasa ibang kulungan sila, ang naghihiwalay lang ay yung makapal na bakal sa pagitan ng kulungan nila at ng saamin.

Nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Morrie palapit kila Jahob Pagkatapos ay may sinipa sya sa may bandang likod ko. Nakarinig naman ako ng pag-ngiwi kaya napatingin ako kay Morrie.

"what's your problem dude" biglang sabi ni Dave at tumabi kay Morrie. Malawak naman tong kulungan kaya okey lang kung maglaban sila dito. bali nasa kanan sila Jerome tas nasa may bandang kaliwa kaming apat at nasa likuran kami ni Jahob nila Dave tas yung likuran namin ay bato na.

Hindi yun sinagot ni Jerome at bigla na lang nyang sinugod si Morrie at bibigyan sana ng suntok pero mabilis lang iyong naiwasan ni Morrie. Pero itong si Jerome ayaw paawat, at inaatake parin si Morrie kahit na hindi naman nya natatamaan.

Tsk.tsk.tsk. Hindi naman sa pagmamayabang pero kung mano-mano ang labanan walang sinabi yung si Jerome kay Morrie. Napa buntong hininga nalang ako sa mga nangyayari. Dapat kasi ay tutulungan namin sila pero anong nangyayari ngayon? Nag-aaway away kami hayyyyy.

"Dave" tawag ko kay Dave na nanonood kila Morrie-ing naglalaban o laban pa bang matatawag dahil puro iwas lang naman ang gingawa ni Morrie at hindi gumaganti. Medyo nakakapagtaka nga kasi yung dating Morrie sa earth, pag nakipag-away o may nang-aaway sa kanya hindi nya pinapatagal dahil sayang lang daw sa oras. Kaya ang ending instant check-up sa hospital dahil sa kagagawan ni Morrie. Amazona yang babaeng yan

Mukha namang nakuha ni Dave yung pinapahiwatig ko kaya lumapit na sya kila Morrie at pinatigil ito kahit mukhang walang balak tumigil itong si Jerome. Tumingin ako kila Kim at ang masasabi ko lang ay kulang nalang dapuan ng langaw yung mga bibig nila. Mga nakabukas kasi at halatang gulat na gulat.

Saan naman sila nagulat? Hay hayaan na nga. Kailangan na naming makaisip ng paraan para makalabas dito. Hindi na kenekere ng ilong ko yung baho dito.

"guys kailangan na nating umisip ng paraan para makalabas na tayo dito hindi na kere ng ilong ko baho dito" sabi ko kaya napatingin silang lahat sa akin. Oh! Oh! Oh! Wala akong ginagawang masama. Nagsasabi lang.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa kaya napatingin ako doon. Si Jerome lang pala pero halata naman sa tono na sarkastiko iyon. Ano ba ang gustong ipahiwatig nitong mokong nato. Simula nung sumulpot ako bigla sa apartment nila lagi na syang naiinis sa amin lalo na saakin. Kaya ano ba talagang problema mo ha! Jerome. Pero syempre hindi ko yun sinabi, ayaw ko ng dumagdag pa yung sa problema kahit na isa yun sa... problema?ha? nalito kayo no! ako rin e.hehehe

"ano bang problema mo ha!" bigla akong napatingin kay Morrie ng bigla itong sumigaw.

"you and you're circle of friends" malamig nyang sabi. Pero t-teka ano daw? K-kami? Kami ang problema nya? paano eh wala naman kaming ginagawa sa kanya. tinutulungan pa nga namin sila eh tapos kami pa ang problema? Hayss, buhay parang life.

"what do you mean?" tanong naman ni dave. Manonood nalang muna ako. Mamaya na ako makikisali sa kanila.

"you're all traitor" bintang saamin ni Jerome. Seriously! Pagbibintangan nya kaming traydor e pare-pareho lang naman kaming nakakakulong dito. Tsaka kung traydor kami wala sana kami ngayon dito at nasa labas kami.

"nag-iisip kaba ha!? Kung traydor kami e'di dapat nasa labas kami at wala dito" inis na bulyaw naman ni Morrie. Yan nga yung sabi ko kanina.hehehe

"kaya nga Jerome. Tsaka remember niligtas din nila ako" sabi naman ni Kim. Why you're so bait ba, Kim?

"and remember it's their fault too kaya nangyari yun" malamig naman na sabi ni Jerome.

"Hindi naman nila sinasadya yun tsaka nagpaliwanag naman na sila diba" sagot naman ni Kim. Go Kim! Kausapin mo yang Jerome na yan.

"pwede ba monique wag mo nang sabayan. Ang ingay" biglang sabi ni Jahob. Kaya napatingin sa amin sila sa amin..... Ganon ba kalakas yung pag-cheer ko kay Kim at narinig nya? pero ang alam ko sa utak ko lang sinabi yun e.

"I can hear your thoughts, remember?" ay oo nga pala nakalimutan ko yun ah.

"sor--- hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng may nagsalita sa labas ng kulungan namin at swear nakakagulat sya. Bigla-bigla nalang kasing lilitaw nang walang pasabi.

"ano namang kailangan nyo ha?"


********************

----Edited

The Four Powerful GuardiansWhere stories live. Discover now