26.ZEE

1.4K 78 5
                                    

   ICECREAM FACTORY...Isa sa mga pangarap kong magkaroon nuon bata pa lang ako.Dahil nga sa madalas akong pasalubungan nuon ni nanay ng icecream kapag uuwi sya galing sa trabaho,Naging paborito ko ng dessert ang icecream lalo na kapag strawberry flavor.Kaya naman parang ang sarap sarap sa pakiramdam na nandito ako ngayon sa pagawaan ng paborito kong pagkain.Para akong bata na excited ng libutin ang buong factory.

"Panyero,Ayos ka lang ba?Para yatang napakasaya mo ngayon ah...Iba din talaga ang nagagawa ng iceream sayo noh,Nawawala ang pagka seryoso mo.hahahaha._Gucci.Inakbayan nya ako at sabay kaming pumasok na sa gate.Para syang theme park dahil sa magaganda nyang design at ibat ibang kulay na ilaw sa logo nya.

Para syang theme park dahil sa magaganda nyang design at ibat ibang kulay na ilaw sa logo nya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Wooooww Ate,Ang astig naman dito.Para kang nasa ibang bansa.Ang gaganda ng mga kulay ng mga ilaw.Kaya naman pala ayaw pa nila tayong papasukin kaninang maliwanag pa kasi mas maganda sya kapag sa pagabi na._Rene.

"Oo nga ate,May ganito palang icecream factory na nag i exist noh?
Iba din talaga kapag may mga kaibigan kang mayayaman,Madaming kakilala na kagaya nito.Para naman kasing exclusive lang ito sa mga mayayamang kaya maka afford na dito mag celebrate ng mga birthdays nila eh._Roma.Yun kasi ang sinabi ni Sky kanina,Na hindi nga daw ito open sa public kundi exclusive lang sa mga mayayamang makaka afford na dito magpaparty.

"Bakit,Gusto mo bang dito mag debut Roma kung sakali?Sasagutin ko na yung rental nito sa 18th birthday mo kung gusto mo._Gucci.
Bigla na lang kasi syang sumulpot sa tabi naming magkakapatid ng di ko alam.

"Wag na lang po Ate Chi,Nakakahiya naman sayo.Saka hindi naman po ako mahilig sa party at bonggang handaan.Okey na sa akin yung sa bahay lang kasama sila Ate Zee at mga kapatid ko.Mag iinvite lang po din ako ng mga kaibigan at kaklase ko._Roma.

"Naku naman,Manang mana ka dyan sa ate mo.Ayaw din sa party party.
Well,Since next month p naman yang bday mo wag na muna nating pag usapan.Enjoy na lang muna natin itong tour natin okey ba guys?_Gucci.
Alam kong nililibang nya lang ang mga kapatid ko para hindi mailang at mahiya sa kanila.Natural lang naman kasi na mahiya ang mga kapatid ko lalo pa't alam nila na puro anak mayaman ang mga kasama namin.

"Looook,Ang galing ni kuya mag serve ng icecream nya oh!Tignan nyo si Ate Maui,kanina pa gustong kunin yung icecream nya pero ayaw pa ding ibigay nung manong.hahahha._Romy.Agad silang nagpuntahan sa booth kung saan nandun din si Maui.Natatawa naman sa kanya sila Aloha at Sky dahil kanina pa sya naiinis dun sa nagtitinda ng icecream.

"Balita ko,Nagkakamabutihan na sina Maui at Baste ah! Sa palagay mo, totoo nga kayang nagbago na si Prof at seryoso na talaga dya kay Maui?_Gucci.Kaming dalawa ang magkatabi dito sa isang mesa habang  pinapanuod sila dun sa booth.

"Hindi ko alam.Mahirap mag judge kapag di kapa ganap na judge.
_AKO.Pigil ang tawa ko habang nagsasalita.

"Tado!Seryoso kaya ako.Basta talaga tungkol kay Maui ayaw na ayaw mong mainvolve.Ano bang ayaw mo sa kanya ha,Mabait naman sya at maganda,Mayaman pa.Parang madinig mo lang ang name nya gusto mo ng masuka._Gucci.

"Hindi naman sa ganun.Ayoko lang talagang magkaroon ng kaugnayan sa kanya o sa pamilya nya.Masyado silang mataas para sa akin.
Kung sa pamilya mo na nga lang,hiyang hiya na ko eh tapos idadagdag mo pa sila.Tama na yung magkakilala lang kami at walang pananagutan sa isat isa._AKO.

"Bakit ba naman kasi parang galit ka sa mayayaman ha?Dahil ba sa nangyari sa inyo nuon?Pero hindi mo pa naman alam ang totoong nangyari.Im sure may dahilan ang nanay mo kaya nya ginawa yun._Gucci.

"Ano pa ba ang dahilan nya bukod sa pera?Ilang taon na ang nakalipas pero hindi pa din sya nagparamdam sa amin.Kung totoong mahalaga ako sa kanya,Hindi nya sana kami iniwan ng mga kapatid ko hindi ba?
Pero ayoko ng alalahanin pa yun ngayon.Ang mahalaga,maayos kami ng mga kapatid ko._AKO.

"Bakit ba natin naungkat pa yun,Bigla ka tuloy naging SAD dyan.
Lets go,Sumama na lang tayo sa kanila maglibot.Mas masaya kapag sama sama eh,Mas maingay saka mas okey lalo kapag may icecream na hawak hawak.hahahah._Gucci.Kanya kanya kaming hawak ng icecream na iba iba ang flavor depende sa gusto namin.

Kanya kanya kaming hawak ng icecream na iba iba ang flavor depende sa gusto namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Baka naman ubuhin ka nyan sa dami ng flavors na hawak mo ha Ria! Hahahaha.Hindi naman halatang mahilig ka sa icecream nyan._Rona.
Natawa kaming lahat dahil pati pala si Maui ay ibat ibang flavor din ang dala dala.

"Ipopost ko kasi to sa IG story ko ate.Saka sabi dun ni kuyang sorbetero,Wala na daw balikan kapag nakakuha na eh kaya dinamihan ko na._Ria.
Natawa sa kanya si Maui dahil pareho silang nag picture dun sa icecream at nag IG story.

"Pati naman itong si Maui,Para ding bata.hahahaha.As if naman now ka lang nakapunta sa ganitong place?Remember nung nasa States tayo, Meron ding ganito diba?_Aloha.

"Ohhhh nooo! Muntik ko ng malimutan...Icecream factory din ang name nung place diba?Ibig sabihin,Hindi lang dito sa PH meron nito,Pati sa abroad.Bigtime talaga si SIR Montenegro._Maui.
Bahagya akong napatitig kay Maui habang nagsasalita sya.Sa totoo lang naman,Hindi nakaka turn off si Maui Villareal.Infact habang tumatagal na nakakasalamuha ko sya,napapansin ko na hindi naman talaga sya ganun ka SPOILED.

"Guys,Ito na ang last destination natin.Dito na yung talagang pagawaan ng icecream.Then after this,exit door na sya at babalik na tayo sa hotel para kunin yung mga gamit natin._Aloha.May nag tour naman sa amin sa loob at saka nya ipinaliliwanag ang proseso ng pag gawa ng mga icecream.

After ng tour ay dumiretso na kaming lahat sa hotel na tinutuluyan namin para kunin yung mga gamit namin.Sa Van na nagsundo sa amin kami muling sumakay at saka kami dumiretso na sa bahay.
Sinalubong kami ng galit na galit na si tatay sa labas pa lang kaya sinabihan ko ang mga kapatid ko na pumasok na sa loob.

"Walang hiya ka talaga,Pati mga kapatid mo sinasali mo pa dyan sa mga kalokohan mo!!!Isinama mo pa sa mga mayayabang mong kaibigan!
Mga walang kwenta! Mga taong mukhang mga pera! Ano sa tingin mo,porke mayaman yang mga kaibigan mo kaya nagmamalaki kana ha?
Pareho lang kayo ng nanay mong mukhang pera!Pwe!_Tatay.
Dahil nakainum na naman kaya kung ano ano na naamn ang sinasabi.
Gusto ko sanang gantihan sya ng sigaw din kaya lang ay nasa kalsada kami kaya nagtitimpi ako.

"Tay,Hindi ako mukhang pera at lalong hindi mayayabang ang mga kaibigan ko.Mabubuti silang tao kahit pa mga anak mayayaman sila.Hindi lahat kagaya ng iniisip nyo.Hindi lahat ng mayayaman,mayabang._AKO.
Iniwan ko na sya at pumasok ako sa loob.Ayoko lang kasi na nasa kalsada kami at pinag uusapan at pinagtitinginan ng mga tao habang nagtatalo.

"KINIDNAP NA PANGARAP"   (MAUI AND ZOILA) G2GWhere stories live. Discover now