Chapter 3: Home

434 16 2
                                    


"Uy, Eu!" Tinanggal ni Eunice ang itim na earphones mula sa kanyang kaliwang tenga nang tawagin siya ni Abby.

"Why?" 

Nasanay na sila sa monotone nitong boses. Hindi na bago sa kanila ang blankong ekspresyon ng mukha niya. Kung ngumiti man ito ay paniguradong dahil lang sa kalokohan. Sa katunayan, grin o smirk lang ito at hindi ngiti.

"Hmm.." Nilapag ni Yoomi ang puting sobre sa desk ni Eunice. Tinignan muna iyon ni Eunice bago buksan.

Unang bumungad sa kanyam ang seal nh Siren High at ang pangalan ng eskwelahan na ito. Sunod niyang nakita ang letter tungkol sa pagkaka-expel nila sa Siren, kasama na ang laging nabubully na nerd na si Barbie. At mukhang nagpakasaya na sa isang milyon ang apat na miyembro ng ACES. Wala na siyang pakialam doon.

"Ano na ang plano natin?" Tanong agad ni Juls matapos makaupo sa teacher's table ng walang laman na Room 3C, na naging tambayan na nila.

"Girl, grabe. Unang week pa lang natin sa Grade 12 tinanggal na agad tayo dito. Mga tatanga tanga kasi, eh! Sino ba talaga sumira ng sasakyan ng mga iyon?! What the hell! I won't even notice their stupid car even if it was right in front of me!" Halos mapatakip silang lahat sa matining na boses ni Abby.

"Ye-yeah, Eunice. Hindi din worth it ang gumastos ng isang milyon para sa bagay na hindi natin ginawa." Ngayon ay malumanay nalang ang boses nito at hindi katulad nang nasa tapat sila ng Principal. Naging masarap muli sa tenga ang boses ni Yoomi na para bang gusto mo nalang matulog habang nagsasalita siya. 

Tahimik na lumingon si Eunice saq bintana ng classroom kaya nama't lahat ay napatingin. 

Nakita nila doong naglalakad na umiiyak si Barbie Gomez.

"Hay. Kawawa naman si Barbie. Siya na nga yung nabully, siya pa yung nasama sa na-expel." Naka-crossed arms ngayon ang nakapout na si Abby habang sinusundan ng tingin ang babae. Ngunit tumigin ito pabaliki na mukhang galit. 

"Kayo!" Sumugod ito sa apat kaya naman naging alerto ang lahat maliban sa nakatitig lang na Eunice. 

"Kayo ang dahilan kung bakit expelled na ako ngayon!" 

Hinarang agad ni Juls ng akmang sasampalin nito si Eunice. 

"Seryoso ka bang mag-isa mo kaming kakalabanin?" Nakakunot ang noong tanong ni Abby, "And Eunice? Si Eunice ang sasaktan mo? You must be out of your mind, Barbie."

"Ano naman ang ginawa namin sayo?" Ngayon ang nakakunot na din ang noo ni Juls habang mas hinigpitan ang kapit sa wrist ni Barbie.

"Pakialamera kasi kayo!" Mas lumakas ang pagngawa at nakangiti lamang si Eunice habang pinapanood siya. 

Pathetic. She thought.

"Prinoprotektahan ka lang namin mula sa ACES. Why can't you just thank us?" Disappointed na disappointed na sagot ni Yoomi sa kanya at tinanggal ang salaming kaanina pa nakalagay sa kanyang mata. 

"Thank you?! Mae-expel ako at madudungisan ang records ko dahil dito at ine-expect niyo na mag thank you ako?! You heartless monsters! Sana kasi hindi nalang kayo nanggulo dito sa Siren!"

Patakbo itong lumabas at wala nang nagawa ang F4 para pigilan siya. Kung pigilan man siya ng isa sa kanila, hindi si Eunice ang pipigil sa kanya. 

"Eu?" Malumanay na sabi ni Yoomi matapos ang mahabang katahimikan, "Hmm.. Okay lang sayo? I mean, ikaw ang usually nagagalit kapag nabubully si Barbie. Okay lang sayo? Hindi ka ba galit?"

Nginitian ito ni Eunice at saka nagsalita.

"Let that girl be. Karma's our ace."


Our Twisted Fate (GVB Sequel)Where stories live. Discover now