Chapter 16

255 8 0
                                    

"Fck. No way.." di kapanipaniwala ang sinabi ni Yam para sa magkambal.

Imposible naman iyon!

"Pero diba.. nasa Spain sila?" tanong ni Ten.

"Yeah, we saw them before they went to Spain, so baka ibang babae ang kasama niya— you know this is why ayaw namin munang sabihin sainyo kasi ayaw namin na magkagulo.." ani Yam na naintindihan naman ng kambal.

Bigla namang may tumunog na tila ba'y may tumatawag at agad naman itong sinagot ni Yam.

"Hello?... yeah.. ok.. sige," at binaba niya rin ang tawag.

"My mom's calling me already, I'll better go ahead, please wag niyo munang ikalat, okay? Nakakamatay ang maling akala," aniya bago umalis.

Nagkatinginan naman ang kambal.

There's no way..

Pagkatapos pumunta sa bahay ng pamilya ni Chase sa Espanya, agad naman silang dumeretsyo sa hotel kung saan sila mamamalagi muna.

"Sorry wala dun si Abuelo, he's kind of a busy man, you know, work and such," pagpapatay ni Chase sa katahimikan.

"Oh, it's fine, maybe some other time then," ngiti naman ni Ara.

Habang si Chase ang nagmamaneho tumingin naman si Ara sakanyang telepono na tila ba'y may binabasa.

"Who's that?" tanong ni Chase noong nakompirmang text message nga ang binabasa ng dalaga.

"Oh, just Devon, she asked me kung nakarating na ba raw ako," sabi ni Ara sa mahina na tono at kalaunay tumingin sa bintana.

Tumango tango lang naman si Chase.

**

Pagkatapos mag check in ay settled na lahat, magkatabi ang kanilang hotel room.

"Uhm Chase.. pwede bang dito muna ako sa room? Medyo jet lag kasi ako, if you want to go ulit sa family mo, you can,"

"You sure?" tanong ni Chase at dinaanan ng tingin si Ara. Mukhang pagod nga siya.

Tumango naman ang dalaga at ngumiti.

"Ok, call me when you need me, alright?" ani Chase habang hawak ang makabilang balikat ng dalaga. Tumango ulit ito at bago pa umalis si Chase ay hinalikan muna ito sa noo.

Pumasok na si Ara sa loob ng kwarto at bumagsak ang kanyang katawan sa kama.

She needs to organize her mind. Ang dami niyang iniisip. Nalilito na siya.

———————

At tila ba parang sa isang iglap, natapos na ang bakasyon sa Espanya.

Nauna ng isang araw si Ara at ang kanyang ama na umuwi sa Pilipinas.

At dalawang araw nalang ay kasal na ng kapatid nila Ten ay Five.

Pagpunta niya sa bahay ay nakasalubong niya si Devon.

"So, kamusta ang bakasyon?" tanong nito agad pagpasok na pagpasok sa loob ng kuwarto.

Texting My Babe (TTGN Book 2)Where stories live. Discover now