Chapter 27

189 7 0
                                    

Umuwi naman agad si Ara sakanilang bahay pagkaumaga, dahil weekends ngayon, ang plano niya ang mag mukmok na lamang sa bahay.

Ayaw niyang makausap ang kahit sino mang tao ngayon, gusto niya makapagisip, magisa.

Hindi niya alam anong ginawa niya, o kung may nagawa man siya, pero dumagdag sa iniisip niya ang sinabi sakanya ni Devon kagabi, na andun raw siya sa reception noong nakaraan buwan.

Ang pagkaalala niya, tinext siya ay pinuntahan iyon, at di na siya nakatuloy sa reception.

May nagpapanggap ba na siya? Kung meron man, magkamukhang magkamukha pa talaga sila para di makilala ng lahat?

Sino nga ba iyon? May kambal ba ako?

——

Andito na si Gina sa bahay ni Maris.

Pagbaba niya sa kotse ibinilin niya sakanyang driver na pumaroon muna sa labas ng gate.

Kinatok niya ito at agad na may nagbukas.

"P-paano.. p-paano niyo ako nahanap?," nauutal na tanong ni Maris.

"Gusto lang kitang makausap, hija. Ako si Gina de Guzman, kapatid ako ng ina mo,"

"Wala akong ina, wala akong tita, wala akong pamilya, si Ninang lang ang pamilya ko, kaya pwede bang umalis ka na?" malamig na tono ni Maris.

"Ayaw mo ba malaman ang totoo?,"

"Alam ko na at mas lalo akong nagalit sainyo, sainyong lahat,"

"Maari mo ba akong pakinggan muna? Ginagawa ko to dahil sa kapatid ko, dahil bago pa man siya mamatay, inutusan na niya akong hanapin ka,"

"A-anong sabi mo.. n-namatay na siya?,"

"Akala ko ba alam mo na lahat? Bakit di mo alam iyon? Matagal na siyang wala, dahil sa sakit," ani Gina.

Halata parin ang gulat sa mukha ni Maris.

"So ngayon, pwede mo na ba akong papasukin?,"

Pinapasok niya ito agad at pinaupo sakanilang salas.

"Madali lang ako dito, gusto ko lang sabihin sayo lahat, kaya magsisimula na ako, ang iyong ina, ang kambal ko, pumanaw na siya, ang nanay niyo ni Ara, pero bago pa siya pumanaw, nahanap ni Ara ang kanyang tunay na ama,"

"P-pero ang sabi sakin, ibinigay daw si Ara sa tatay namin at ang nanay namin ay lumayo na,"

"Kung sino man ang nagsabi niyan, pinapaikot ka lang nun," ani Gina.

"Hindi ka iniwan o pinabayaan ng iyong ina, noong pinanganak kayo, Ikaw yung sakitin sa unang linggo, kaya natakot si Gretchen na kunin ka dahil inisip niya na di ka niya maalagaan at kulang din ang pera niya kaya nagsikap siya magtrabaho para makuha ka at matustusan ang pangangailangan niyong dalawa, pero nung kukunin ka na niya, wala ka na dun, kinuha ka na pala ng ninang mo,"

"Eh bakit di ako hinanap? Yung tatay namin, bakit di niya ako hinanap?," tanong naman sakanya ni Maris na halatang madami pang gustong itanong sakanya.

"Hindi alam ng tatay niyo na kambal kayo, kaya nga andito ako ngayon dahil gusto kitang makausap ng masinsinan para handa ka ng makita ang tunay mong pamilya.."

"Ang pangalan mo ay si Yra Deanelle, sinabi sakin ni Gretchen iyon bago siya mamatay, may ipinakita na mga papeles, sinubukan niyang hanapin ka pero dun na rin pala lumabas ang iniinda niyang sakit na huli na naming nalaman," dagdag pa ni Gina.

Dahil sa sinabi ng kanyang tita, madaming pumapasok sa isip ni Maris ngayon.

Pero isa lang ang tumitingkad sa lahat.

Siya. Isa siyang manloloko. Manggagamit.

"S-salamat nga po pala," ani Maris.

"Walang ano man, kung gusto mo bisitahin ang libingan ng iyong ina, heto ang address," ani Gina tsaka may binigay na papel kay Maris.

"Noong reception palang, alam ko na hindi ikaw si Ara.." dagdag nito na mas lalong ikinagulat ni Maris.

"A-ano po?," natawa naman ng kaunti si Gina dahil sa nauutal na tanong ni Maris.

"Oo, naaninag ko, siya nga pala, bibisitahin kita dito para mahanda kang makilala ang pamilya mo, lalo na ang kambal mo,"

"Mukhang di ako tatanggapin nun," biglang sinabi ni Maris.

"Bakit mo naman iyon nasabi?," tanong naman ni Gina.

"W-wala po," anito.

"Sige, mauuna na ako,"

"Salamat po ulit.... tita," naiilang na sabi ni Maris.

"Walang ano man, Yra,"

——

Bago pa man komprotahin ni Maris ang babaeng iyon, pinuntahan niya muna ang kanyang ninang.

"Ninang!," masiglang bati niya dito pagpasok ng kuwarto.

"Oh, Maris, mukhang masaya ka ngayon ah,"

"Nakilala ko na po ang tita ko, at ang totoong istorya ko,"

"Nakilala mo na si Ma'am Gina?," tanong sakanya ng kanyang ninang.

"Paano niyo po siya nakilala?," tanong nito.

"Bago ka pa niya pinuntahan, pinuntahan niya na ako rito upang sabihin sakin lahat-lahat," sabi ng kanyang Ninang.

"G-ganun po ba?,"

"Oo, eh parang May lakad ka ata," anang kanyang ninang noong tinignan nito ang kanyang pananamit.

"May pupuntahan lang po at aasikasuhin," anito.

"Sige po mauna na ako,"

"Sige magingat ka,"

Bago pa lumabas ng ospital si Maris plano niyang bayaran na ang natitirang utang nila sa ospital.

"Fully paid na po kayo,"

Nagulat si Maris sa sinabi ng babae.

"Ano po? Wala ko pa po nababayaran yun ah?"

"May nagbayad na po para sainyo, nag-ngangalang Gina de Guzman," nagulat si Maris sa sinabi nito.

"S-Sige po, salamat,"

Umalis na ito tsaka pumunta na sa bahay ng babaeng iyon.

Pagkatapos na nito niyang pasasalamatan ang tita para sa ginawa nito para sakanyang ninang.

Ang kailangan niyang gawin ngayon ay komprotahin ang manlolokong iyon.

Texting My Babe (TTGN Book 2)Where stories live. Discover now