BLACK CAT

84 10 3
                                    

Akala ko masasanay na ako sa mga masasamang panaginip na nararanasan ko. I don't believe na magkakatotoo ito dahil napaka nonsense naman nya kung magkakatotoo. Hindi makakatotohanan kung baga.

Umuulan no'n at brownout sa amin. Pinipilit kong matulog kahit naiinitan na ako kahit umuulan naman sa labas. Double deck ang hinihigaan ko at nasa taas ako na kapag sumilip ako sa baba ay mabubungadan nito ang pinto patungo sa sala namin.

Hindi na ako nag abala pang buksan ang ilaw dahil sa isip ko'y 'magkaka-daloy din naman mamaya' kaya't nag antay ako.
Nakatagilid ako habang yakap yakap ang unan kong mahaba.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako na para bang may nakatitig sa akin. Para bang kusang kumilos ang katawan ko para tignan ang kakaibang nararamdaman ko sa may pinto at hanapin 'yon. Gayon na lamang ang gulat ko ng may itim na pusa ang nakatingin sa akin ng deretso. Dahil sa pag aakalang namamalikmata lamang ako ay umayos ako ng upo sa kama at tinitigan ito ng maayos at tama nga ako, isa itong pusang itim na may nakakatakot na mata. Bigla akong nakaramdam ng takot.

'bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko?'

Naiiyak na ako sa takot at nanginginig na ang tuhod ko pero parang walang luha ang gustong lumabas. Nanlumo ako dahil unti unting lumalaki ang pusa at binubuka nito ang kanyang bibig habang nakalutang na papalapit sa akin.

Sobra akong natatakot at sobrang lakas na ng pintig nag puso ko. Geez please somebody wake me up! This isn't real!

'mama tulong!'

Sigaw ko sa isipan ko pero bakit wala akong lakas para isigaw yan? Inisip kong panaginip lang ito pero imposible dahil wala naman akong naalala na nakatulog ako. At ang senaryo ay tunay naman. Talagang brownout sa amin at madilim.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng makaramdam ako ng sunod sunod na tapik sa pisnge ko.

"Vee! What happen? Umuungol ka d'yan na parang hinahabol ka. Ayos ka lang ba?"

Napamulat ako. Agad ko syang nakita kaya napahinga ako ng maluwag.  Bigla ko syang niyakap. Akala ko totoo but it look's like I had a bad dream. Tumingin ako sa baba at wala na ang pusa. It's just a dream?but para talagang totoo eh.

"Huy! Nilalamok ka ba?"

Umiling ako sa pinsan ko.

"Pwedeng tabi tayo matulog?"
Nakakunot ang noo nya pero tumango din naman at tumabi sa akin.

I don't get it, madasaling tao naman ako.
Hindi naman malayo ang loob ko sa Diyos.
Bakit kailangang matakot ako ng ganito?
That black cat is weird and the way it looked to me, parang napaka creepy.

Bangungot ba 'yon?

"Vee tulog na"

Napabuntong hininga ako at humarap sa pader. Maybe it's just a pure dream without a meaning.

Once Upon A DreamWhere stories live. Discover now