SNAKE / CHAT

21 5 0
                                    

'bakit ang init?'

Nagpabaling baling ako ng higa. Hindi ako komportable na ipinagtataka ko. Mag isa lang naman ako sa kama bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko?

Ayokong imulat ang mata ko dahil baka mahirapan na naman ako sa pagtulog.  Bumaling ako sa kaliwang bahagi ng higaan at bigla akong nakaramdam ng kaba.

'Bakit may madulas?'

Nanginginig ako sa takot at biglang napabangon.

AHAS

Para lang syang laruan pero malapad at malaki. Parang tabla ito, kasinlaki na ng bata. Puti at itim ang kulay nya na guhit guhit. Gusto kong sumigaw at bumaba pero parang bumabagal ang paghinga ko at parang may humihila sa akin.

'Wag mong sabihing nananaginip na naman ako?'

Nagising ako ng bumukas ang ilaw. Agad kong hinawakan ang dibdib ko. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Sinilip ko kung sino ang nagbukas. Pinsan ko lang pala hinahanap ang charger. Umayos ako ng higa at nagpasyang matulong muli.

'Sorry, wala akong pinagsabihan. Hindi ko sasabihin pangako'

Napamulat ako ng may yumuyugyog sa paa ko.

"Ate tanghali na kakain na"

Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit nito, parang kanina lang na gusto ko pang matulog.

Hindi ako bumangon ng ilang sandali at inaalala ang panaginip ko.

'Sorry, wala akong pinagsabihan. Hindi ko sasabihin pangako'

Sa panaginip kong 'yon chinat ako ng dati kong barkada. Habang minememorya ko ang nakita ko sa panaginip ko. Hindi ko maiwasang kabahan.

Hindi na kami ganon ka-close ni Gina kaya paano ko sya napanaginipan? Yung chat nya na sabihin... Wala naman akong matandaan na ginawa o sinabi sa kanyang sekreto. Infact sya lang yung biglang lumayo sa akin. Hindi naman ako nanaginip kahapon, ngayon dalawang panaginip naman ang meron ako. 

"Ate kakain na!"

"Oo bababa na!"

Pero naniniwala pa rin ako na lahat ng panaginip na nangyayari sa isang tao kapag tulog sya ay maaaring gusto nya o may kinalaman sa kanya. Ewan ba, napakarami naman kasing dahilan kung bakit napapanaginipan ng isang tao ang isang pangyayari sa panaginip nya.

But I can't erase the image of the snake.
Nakakatakot. Pero mas natatakot ako dahil sa mga panaginip ko parang totoo sya, totoong-totoo.

Once Upon A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon