Labing-tatlo

593 22 0
                                    

Labing-tatlo
+++

MYSTHY's POV

"Sirain nyo na!" Inis kong sabi sa kanila.

Pinapasira ko kasi ang dingding sa likod ng isang table dito sa kwarto namin.

Gumagawa kasi kami ng sikretong daan para makapasok sa ibang kwarto ng hindi nalalaman nila Mr. Nomed dahil napansin namin na gabi gabi silang naglalakad pabalik balik sa hallway.

"Ayoko hindi ko kaya!" Sabi ni Gino
"Masyadong makapal ang kahoy, Mysthy!" Dugtong pa ni Rainer.

Tsk! Ayaw na lang sabihing mahihina sila.

Lumapit ako sa pader na kahoy at bahagyang inusod ang lamesa. Kinatok yun ng bahagya. Tsk! Hindi naman masyado eh.

Tiningnan ko sina Gino at Rainer na nakaupo sa sahig at nakatingin sakin. Tumayo ako at sinipa ang pader na bahagya namang nasira.

"Whoah! Lakas natin ah!" Sabi ni Gino
"Tsk!"

Hindi umimik si Rainer pero halata sa mukha nya na namangha sya sa ginawa ko. Inirapan ko na lang sila at humarap sa pader. Dinukot ko ang kutsilyo sa tagiliran ko at sinumulang sirain ang pader.

Nang makagawa ako ng butas ay sumilip ako sa loob ng kabilang kwarto. Napailing na lang ako at hindi na uli sumilip.

Tsk! Nasa gitna na nga kami ng kapahamakan na gagawa pa nilang maghalikan.

"Oh bat hindi mo tinuloy?" Rainer
"Kayo na lang. Masyado pang bata ang mga mata ko!" Sabi ko sabay upo sa kama ko.

Taka naman nila akong tiningnan.

Lumapit si Gino sa butas at sumilip. Maya maya ay napailing na lang din sya at lumayo sa butas. Umupo na lang din sya sa kama ko pero sa kabilang gilid.

Tumayo si Rainer at sya naman ang sumilip sa butas.

"Ano ba kasi nakita nyo at gan----F*CK!" Lihim naman akong napatawa sa reaksyon nya. 

"B-Bat hindi nyo sinabi na may ganon? Hindi na tuloy virgin ang mata ko!" Nakangusong sabi nya.

"Tsk! Ako pa niloko mo!" Sabi ko ng maupo sya sa tabi ko.

"Bakit? Ano---"
"I've seen nudes on your phone!" Cold kong sabi sabay higa.

"Ba--" Hindi na nya natapos ng sasabihin nya ng may kumatok sa pinto.

Agad kaming nagsikilos at inayos ang mga ginagawa namin kanina.

Tinakpan ni Gino ng lamesa yung butas at si Rainer naman ay nagiimis ng mga ginamit namin.

Ako naman ang nagpunta sa pinto at binuksan. Napangisi ako ng makita kung sino ang nasa pinto.

"Anong ginagawa nyo dito, Sir?" Tanong ni Gino na nasa likod ko

Yes, si Sir Uston ang kumatok sa pinto. Ang walang hiya naming adviser na nagdala samin sa impyernong ito

"A-Anak!" Sabi nya habang nakatingin sakin.

Inismidan ko lang sya at iniwan ang pinto. Baka kasi si Gino ang sinasabihan nya. Nasa likod ko lang ito at baka kay Gino talaga sya nakatingin.

"Anak!" Sabi nito sabay hawak sa braso ko.

Hindi ako agad lumingon. S-Sya ang daddy ko? Namuo ang galit sa dibdib ko.

After 16 years of existence in this world I never dream to know my father. He left us. He left my mother.

Dahan dahan akong lumingon sa kanya at winaksi ang kamay nya. Kahit nagpupuyos na ako sa galit ay pinanatili ko ang malamig kong aura.

"Hindi kita kilala at hindi kita ama. Now let go of my hand... SIR!" sabi ko sa malamig na tinig.

Hell Camp (COMPLETED)Where stories live. Discover now