Dalawampu't Lima

544 19 0
                                    

Dalawampu't Lima
+++

MYDEL's POV 

I watch my twin walked away. She's right. It is my fault. I walk towards my office and roam my eyes inside.

Napunta ang tingin ko sa isang crystal trophy sa ibabaw ng side table.

Of all of my trophies, ito ang pinakakakaiba. It was a sharp-knife shaped. Ang gilid nito ay inaagusan ng dugo.

Nakaukit din ang buong pangalan ko na dinadaluyan din ng dugo.

Mydel Augustin Antonio

Lumapit ako doon at hinaplos iyon. This trophy is awarded by myself. For 6 years of killing people, I should give myself an award.

Napunta naman ang mata ko sa isang wall, kung saan nakadikit ang mga picture ng mga napatay na namin. I laughed but a tear scape from my eyes.

Sunod kong nakita ang picture frame na may tatlong batang magkakamukha. Mystell on the right side, me on the middle and Mysthy on the left side. Hindi kami nakangiti doon dahil kagagaling lang ni Mysthy sa pag-iyak na kagagawan ko.

Napahawak ako ng ulo ko ng bigla itong tumibok. Ang sakit.

Pikit mata akong tumakbo sa lamesa at kinuha sa drawer ang isang botelya. It was my medicine given by my grandfather.

I took three pieces of it and place it on my mouth. I hardly closed my eyes to ease the pain.

Pagmulat ng mga mata ko napunta ang tingin ko sa isang malaking salamin. Napaatras ako at napayuko. Niyakap ko ang sarili kong tuhod. 

"No! I don't want to see my face. Babalik na naman sya." Bulong ko

3RD PERSON's POV

Ilang sandali lang ay biglang nagbago ang kinikilos ni Mydel. Wala sa sarili syang tumayo at humarap sa salamin. Ngumisi sya ng makita ang sarili.

"Mydel, kailangan na nating pumatay."

Umamo muli ang kanyang mukha

"Augustin, please. Ayoko na, n-nasakatan natin si Mysthy. Ayoko n---"

Bumangis muli ang itsura nya.

"Shut up, Mydel. Mysthy deserve that. Hindi ka dapat naaawa. Kailangan nating pumatay."

"Parang awa mo na, Augustin. H-Hindi ko na kaya."

"Anong iniiyak-iyak mo dyan? Matapang ka, Mydel. Matapang dapat tayo."

Tinitigan niya ang sarili sa salamin. Kitang kita sa isa nyang mata ang pagiging mabangis at ang isa ay maluha-luha na.

"Augustin, anak!"

ANGELITA's POV

Nang makita ko ang kambal na kaklase ay naalala ko ang dalawa pang kakambal ni Mysthy na iniwan ko muna kina Papa sa ibang bansa 2 years ago. Hindi ko pa uli sila nadadalaw dahil naging tutok ako kay Mysthy at sa mga pinag-gagagawa nya.

Alam kong hindi nya naalala ang nangyari sa kanya after that accident na kahit kakambal at ang lolo at lola nya ay hindi nya maalala, kaya mas pinili kong ilayo muna si Mysthy.

Napatingin ako sa bungad ng tunnel. Isa-isa nang lumabas ang mga kaklase ni Mysthy na pumasok uli sa loob ng Hell Camp para iligtas si Mysthy.

Halos mahimatay ako ng makita ko si Mysthy na karga ng kasamahan nyang si Rainer. Kita ko pa ang kutsilyong nakabaon sa likod nya. Putla ang buo nyang mukha, tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo sa bibig nya, mulat pa naman ang mga mata nya pero may mga luha na. Luha na 6 na taon ko nang hindi nakikita.

Kasunod nila si Rolly na inaalalayan ni Gino. Maputla din ito at umiiyak.

"A-Anong nangyari? Bakit ganyan ang anak ko?"

"Y-Yung mga kakambal po ni Mysthy." Sabi ng isa sa mga kaklase nya

Kakambal? Nandito si Mystell at Mydel? Maya-maya pa ay may isang babae ang lumabas din sa tunnel.

"M-Mystell, anak?"

Agad nya akong sinunggaban ng yakap at umiyak.

"M-Mommy, mamaya na tayo mag-usap. Si Mydel nasa loob, b-baka bumalik na naman ang kondisyon nya."

Sa sinabing iyon ni Mystell ay agad akong napahiwalay ng yakap.

"Pumunta na kayo sa hospital. Papasok ako sa loob."

"Pero Ma'am. Kailangan po kayo ni Mysthy." Sabi nung Gino.

"Please kayo na muna ang bahala sa sarili nyo at kay Mysthy kailangan ko lang puntahan ang isa ko pang anak."

Hindi ko na sila inintay sumagot at nagtatakbo na papasok. Kailangan nya ako. Kailangan ako ng isa ko pang anak lalo na sa kondisyon nya.

Naabutan ko ang apat na tauhan dito sa Hell Camp na walang malay at nakatali. Sunod kong nakita ay ang isang pintong nakabukas. Sinilip ko iyon at tama nga, andito si Mydel.

"Augustin, anak." Tawag ko sa kanya.

Dahan-dahan syang lumingon sa akin, mabangis ang itsura ng mukha nya. Pero alam kong nandun parin ang anak ko.

"Anong sabi mo? Tinawag mo akong anak?" Nakangisi nyang sabi "Wala akong magulang, tandaan mo yan." Dugtong pa nya.

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Humarap uli sya sa salamin.

"M-Mommy, tulungan mo ko." Dinig kong sabi nya

"Pwede ba Mydel tumahimik ka. Wala lang Mommy."

Napahawak na lang ako sa bibig ko. Bumabalik na naman ang sakit nya.

"Mydel, lumaban ka. Laban mo yan, andito si Mommy." Sabi ko

"Mommy tulungan mo ko. Gusto nya uli akong pumatay."
"Mydel tumigil ka na."

Napapailing ako habang umiiyak at tinatakpan ang bibig ko. Y-yung sakit nya nag-uumpisa na naman.

"Augustin please, tama na."

Mabagsik ang mukha nyang nilingon ako. Pumunta sa sa drawer at may kinuha bago itinago sa likod ko.

"Mommy, tumakbo ka na." 

"No, Mydel Augustin. Mommy won't leave you." Umiiling kong sabi

"Wala ka sabing Mommy, Mydel. Papatayin ko na ang babaeng ito." Nanlisik muli ang mga mata nya.

Kitang kita ko ang isa nyang mata na pilit nilalabanan ang mabagsik nyang katauhan.

"M-Mommy umalis ka na habang nakakaya ko pa sya."

"No! No!"

Bigla nya akong sinunggaban kaya napa-ibabawan nya ako. Nakita kong inilabas nya sa likod ang isang kutsilyo.

"Woman like you should be killed." Nakangisi nyang sabi.

Nilapit nya ang kutsilyo sa mukha ko at idiniin ang dulo noon sa pisngi ko. Agad kong naramdaman ang kirot at dugong umaagos mula doon.

"Anak, tama na please."

Nanlaki na lang ang mata ko ng saksakin nya ako sa tyan.

"A-Anak"
...

Hi, mylabss, thanks sa pagbabasa.

We are now Rank #9 in Kills, thank you!

Hell Camp (COMPLETED)Where stories live. Discover now