Tatlumpu't Tatlo

572 14 0
                                    

A/n: Namiss ko ang POV ni Mysthy

MYSTHY's POV

I clenched my fist and gritted my teeth.

Bwiset!

"Anong plano mo?" Sandali kong sinulyapan sila Ate Mystel at Daddy

"Papatayin ko silang lahat." Mabilis kong sagot

"Pero paano si Mydel?"

Natigilan ako sa tanong ni Mystel.

Paano nga ba si Kuya Mydel?

Alam kong hindi sya ang gumagawa noon kundi ang sakit nya na pilit nyang nilalabanan.

"H-Hindi ko alam!"

"Anak, alam mo naman ang lagay ng kakambal mo, baka pwedenv iligtas mo na lang sya." Tiningnan ko sa mata si Daddy.

Alam kong gusto nyang bawiin ang mga panahon na hindi namin sya kasama kaya ganito na lang sya makiusap.

"Anak please!" Pakiusap pa nya.

Napabuntong hininga ako at napayuko.

"I'll try but I can't assure na hindi sya masasaktan." Sabi ko at tumayo

Nakita ko sa monitor ang mga kaklase ko na papasok na kaya mabuting abangan na sila sa receiving area ng taguan ko.

"Mysthy!" Salubong ni Rainer at hinalikan ako sa pisngi.

Ganun din si Gino pero ng lalapit si David ay agad syang hinila ni Rainer sa kwelyo nito.

"Ano nang plano? Nabawasan na naman tayo?" Tanong ni Brent

Tiningnan ko sila sandali at bahagyang kumunot ang noo ko.

"Kulang!" Sabi ko

"Ha? Anong kulang?" Tanong ni Gino

"Kulang kayo ng dalawa! Yung kambal wala." Sabi ko

Tiningnan din nila Gino ang mga kaklase namin.

"Oo nga, wala sila Janice at Janica." Sabi ni David

"Tatawagan ko lang sandali." Sabi ni Gino at bahagyang lumayo.

"So, ano nang plano natin?" Tanong ni Rainer at tumayo sa tabi ko.

"Kill all of them." I shortly said and get some dart from the center table.

"How?" Tanong ni Joshua. Naalala ko to. Sya yung lalaking may kahalikan sa Hell Camp habang nag-gagawa kami ng daan.

Asan na kaya yung babae nya?

"Babalik ako sa Hell Camp!" Sabi ko

"Ano?"
"Mysthy, delikado.!"
"Hindi pwede!"

Sari-sari ang reaksyon nila sa sinabi ko

"Hindi pwede, Mysthy. Parang hinarap mo na ang kamatayan mo kapag ginawa mo yun." Sabi sakin ni Rainer.

Sinabayan ko ang mga titig nya sakin. Kita ko ang pagkainis at pag-aalala doon.

"Matagal na akong handang mamatay." Sabi ko at binato ang dart sa dart board sa gilid.

Nakadikit sa center ng board ang picture ng mga taga-Hell Camp.

"P-Paano ang kapatid mo?"

Natigilan na naman ako.

Same question that my twin and Dad ask a while ago.

What about Kuya Mydel?

Hindi ako sumagot at binaba na lang ang mga dart na hawak ko. Prente akong umupo sa single sofa sa likod ko at umupo naman ang mga kaklase ko sa dalawang malaking sofa sa magkabilang gilid.

Hell Camp (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora