Chapter 12

156 4 0
                                    


Third Person’s POV:

Tahimik at tila tulalang nagaabang si Lea sa isang waiting area sa labas ng isang Super Market habang ang bawat dumadaang mga tao ay tinitingnan ang suot niya. Talagang nagpakalayo-layo sya sa bagong address dahil kapag may ibang taong makakita sa kaniya na kakilala ng mama niya ay siguradong katakot-takot na sermon ang bubulaga sa kaniya. Ang malala pa don, ay kapag nalaman ng mama niyang kasama nya si Mateo. Her mom seemed to dislike him sa di malamang rason.

Ilang minuto na rin syang naghihintay magmula nang mai-send ang kaniyang location address kay Mateo, at hindi na rin maiwasang makaramdam sya ng pagkabagot.

“Aish! Bakit ba kasi kailangan ganito ang bilhin nyang damit!” naiinis na bulong niya sa sarili habang pinaglalaruan ang nakapatay niyang phone na kunwari ay may ka-text pa pero wala naman talaga. Napalingon ulit sya sa kaliwa at kanang bahagi ng malawak na kalsada. “Ang tagal naman non. Umalis na kaya ako?”

Peep! Peep!

Nabaling ang atensyon nya sa humintong kotse sa tabi ng shed, ilang saglit pa ay dumungaw si Mateo mula sa bintana ng driver’s seat tsaka binigyan sya ng senyas na sumakay. Tumayo naman si Lea sa kinauupuan nya sabay naglakad papunta sa sasakyan.

“Not there.” saway ni Mateo nang tangkang buksan ni Lea ang pinto papunta sa back seat.

“Eh saan? Sabubong?” naiinis na sambit ni Lea. Humagalpak naman ng tawa si Mateo na Maslalong kinainis niya. “Anong nakaka-tawa don?!”

Halos hindi na naman makapagsalita si Mateo sa hindi nya mapigil na pagtawa. Hindi nakatiis si Lea at binatukan si Mateo ng malakas.

“Hey! What was that for?!” ulalas na tanong ni Mateo habang hawak ang likod ng ulo.

“Nang-iinsulto ka ba?! Kanina pa akong naiinis sayo ah!” bulyaw sa kaniya ni Lea.

“OK Fine! Titigil na ako kaya naman ay pumasok ka na sa loob ng sasakyan baka madagdagan yung mga audience natin.”

Napatingin ulit si Lea sa paligid. May ilang mga matang biglang umiwas sa tingin niya. At ilang saglit pa ay umikot siya papuntang kabilang bahagi ng sasakyan para sumakay sa may passenger seat. Habang inaayos pa lang ang kaniyang sarili sa pagkaka-upo ay bigla namang nag-lean sa kaniyang direksyon si Mateo at nilagyan sya ng seat bealt.

“Safety first.” nakangiting sabi nito sa di makakibong si Lea na natulala habang pinanood niyang i-start ni Mateo yung kotse at magmaneho paalis.

After a few minutes of awkwardness inside the car…

“Stop smiling. You’re freaking me out.” utos ni Lea kay Mateo na noon ay para bang ewan na panay ang ngiti na di naman nya alam ang dahilan.

“Wae? Hindi ka rin ba masaya na makakasama mo ‘ko ngayong isang buong araw?”

“Nagtanong ka pa.” sagot ni Lea habang inayos nalang niya nag pagkakaupo sa may passenger seat. “Saan ba tayo pupunta? Hoy! Baka kung saan-saan mo ako dalhin ha!”

“Don’t worry! You’ll love the place.” kampanteng sagot ni Mateo sa kaniya. “But before that, let me take you to my workplace.”

“Huh?”




Samantala…

Sa isang malaki at napakataas na gusali dumating sunod-sunod ang mga mamahaling sasakyan. Sa may bandang huli ng mga ito, huling huminto ang isang Mercedes na puti at mula don ay bumaba ang may-ari ng gusali. Sa may di kalayuan ay nagsitakbuhan ang mga reporters na nag-aabang ng ilang oras sa harap ng gusali para lamang makakuha ng panayam mula sa sikat na business man. Agad namang pumalibot ang mga security sa kaniya nang makalapit ang sandamakmak na mga reporters.

“Sir, How long will you stay here in the Philippines?”

“Is there any reason, aside from your business that you decide to travel back here?”

“We heard you had a Filipina wife?”

“Sir! Is it true that you’re here to look for your family?”

Hindi sya sumagot ng kaihit isa sa mga hindi magkandaugagang mga reporters na pilit lumalapit sa kaniya hanggang sa makapasok siya ng gusali. Tahimik lang siyang naglakad papunta sa elevator at paakyat sa kaniyang opisina. Kasama niya ang kaniyang sekretarya at tatlong lalaking naka business attire din. Ilang saglit lang ay nagbukas ang elevator ay agad silang naglakad papunta sa opisina ng may-ari. Nang makapasok ay naupo agad siya sa malapit sa kaniyang desk sabay nilapag ng kaniyang sekretarya ang mga files na dala nito tsaka umalis.

“Do you have any news?” seryosong tanong niya sa tatlong lalaking nakatayo sa harapan niya habang nasa mga papeles ang tingin at abala sa pagbabasa.

“As for now, the search is still the same. It seemed like they’ve just moved from another location that we are uncertain about. But we have some lists of the possible places they could be residing.” sabay binaba niya ang isang envelope na naglalaman ng mga lugar na kung saan nila pinaghihinalaang lumipat ang mga taong hinahanap. “All the background information about them are limited, it seemed like she cleared out her name from both public and private years back. But we’re still continuing to dig further hoping to find a valuable information, until we came across this boy…” sabay nilapag niya ang isang larawan sa mesa. Napahinto sa pagbabasa ang lalaki at kinuha ang larawan.

“Who’s this?” tanong niya.

“We’ve seen that boy stopping his car several times at the front of the house they used to live in. We think that he is somewhat connected to the person we are looking for. His name is Park Min So, here he is Mateo Park, the son and sole heir to a big Korean company business, have been living in the Philippines for eleven years with her filipina mom, currently studying at Norin High Academy, a school that is also owned by his father.” paliwanag nung isang lalaking kaharap nya.

“Keep a close watch to this boy, as well as get more background information about the school, especially the student list, I believe we can find more valuable information there.” utos niya sabay bumalik sa pagbabasa. Umallis na rin naman pagkatapos magpaalam ang tatlong lalaking kausap.

White Lies (ON HOLD)Where stories live. Discover now