Kabanata 2

364K 4.3K 56
                                    

Nalaman ni Kuya ang ginawa kong pagtakas kagabe. Sa totoo lang mas kinakatakutan ko siya kaysa sa mga magulang namin. Mas seryoso at istrikto siya pagdating sa ganitong mga bagay.

"Paano kung may nangyaring masama sayo, huh?" mababaw pero madiin niyang asik sakin habang nasa hapang kami para sa tanghalian.

"We already talked about it, Marco. Nangako naman siya na hindi na mauulit pa." si Dad pagkatapos na uminom. Si Mommy tahimik lang nakikinig.

"Kahit na, Dad. Paano kung may nangyari sakanya?" patuloy pa din ni Kuya. Kung hindi pa siya hinawakan ni Ate Sheena, his wife, ay hindi matitigil ang pag-aalburoto niya.

"Babe relax, alright? Hindi naman na niya uulitin pa." his wife softly caress his forearm. Mabilis nabaling ang atensyon ni Kuya doon at umamo ang mukha niya kaya kinuha ko ang pagkakataon na magsalita na.

"Sorry, Kuya. Hindi na mamaulit talaga. I'm really sorry." sa huli isang malalim na hininga nalang ang isinagot ni Kuya Marco.

You got it bad, huh? My brother is so soft when it comes to his wife. Napangiti nalang ako nang kindatan ako ni Ate Sheena, we're ally.

Matapos ng tanghalian ay nanatili pa ng ilang oras sila Kuya. Hindi na sila sa mansyon nakatira simula ng ikasal silang dalawa kaya naman pagbisita nalang ang nagagawa nila kadalasan.

Bago sila umalis ay pinaalala sakanila ni Dad ang magiging dinner namin kasama ang kaibigan ng pamilya namin. Hindi na rin naman bago ito sa akin kaya hindi na ako nagsalita at tumango nalang din.

"Behave, alright? I love you." napangiti ako kay Kuya nang makahalik na siya sa pisngi ko bilang pagpapaalam.

"Yes, Kuya. I love you too." I know how much he loves me. He's just really strict. Maingat siya lalo pa sa naging kundisyon ko noon.

Nagpaalam at humalik din si Ate Sheena sa akin. "See you soon, sweetie. Love you."

"Thank you, Ate. Love you always." nakangiti kong paalam din sakanya. The only and the best sister-in-law.

Nang makaalis na sila ay naging abala din sila Mom at Dad. Dahil wala naman akong ginagawa at medyo pagod pa ay nagpahinga nalang ako sa sariling silid.

Ang pagpapahinga ko ay nagambala dahil nang sumapit ang hapon isang tawag ang natanggap ko mula kay Elaina. Kaagad akong naaligaga dahil sa pagkakarinig ng mga hikbi niya sa kabilang linya.

"Wait for me, Elaina! Papunta na ako!" sa sobrang pagmamadali ko hindi ko na alam kung paano ako nakapag-ayos, nakapagpaalam at nakapagmaneho papunta sa kinaroroonan niya.

Halos patakbo ang ginawa ko nang pumasok sa loob ng isang kilala cafe. Sa may pribadong parte at walang masyadong tao ko siya nakita. Kaagad kong sinalubong ng yakap si Elaina nang makita ang pamamaga ng kanyang mga mata.

Kaagad siyang umiyak sa bisig ko nang yumakap siya sakin. "A-Anong nangyari? Tell me, Elaina."

Nanatili lang siyang umiyak sa balikat ko. Nakuha pang dumating din nila Tamara ay hindi pa rin siya nagsasalita. Nang makalma siya ng kaunti doon niya nilahad ang lahat.

"Elaina please hush now." pilit ko siyang pinakalma sa pag-iyak pagkatapos niyang sabihin samin ang nangyari.

"God! I never thought Nick will do that to you!" I looked at Tamara and she's livid. Nasa tabi niya si Francis na isa din sa mga kaibigan namin. Halos isang oras ang binyahe nila mula sa location ng photoshoot nila para makabalik.

"I-I hate him! I really hate him." Hirap na sabi ni Elaina habang patuloy lang sa pag-iyak. Hindi ko inaasahan na ganito kabigat ang problema niya at ng pamilya niya.

He's Possessive and Selfish Jerk!Where stories live. Discover now