Kabanata 3

239K 3.5K 14
                                    

Napabuntong hininga ako na napatitig kay Elaina. She's spacing out. Kanina pa kami magkasama pero napapansin ko ang pagkakatulala niya madalas.

Ang pamilyar na galit kay Nick ay gumapang sa sistema ko. Paano niya naatim na magdusa ang isang tao para lang sa kagustuhan niya? Paano niya matatawag na pagmamahal ang mayroon siya kay Elaina? Nakikita ba niya ang naging epekto nito sakanya? Damn him!

"Elaina.." mababaw kong tawag sakanya pero nanatiling nakatulala siya sa hawak na straw at wala sa sariling hinahalo ang iniinom. "Elaina.." ulit ko na mas malakas ang boses.

"H-Huh?" siya at doon palang siya tumingin sakin. "U-Uhm.. Sorry. You were saying?" panibagong buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Are you alright?" Obviously she's not! Damn!

"Ah.. Sorry, Mav. May iniisip lang ako." paumanhin niya.

After that day in cafe, heto nalang ulit ang muling pagkikita namin. Nang yayain niya akong lumabas kanina ay kaagad akong sumama. Ang sabi niya ay kinausap niya ang abogado ng kanilang pamilya kanina tungkol sa iilang bagay. Pagkatapos ay doon niya ako niyayang mamasyal. I feel like she doesn't want to go home yet so I agreed to her

Tamara wanted to join us too but she's still doing her photo shot. Kaya naman mamayang gabi nalang namin ulit pinagpasyahan na magkita ulit para makauwi siya at makasama.

"Hindi ba may dinner pala kayo mamayang gabe?" tanong ni Elaina at nakatuon na ang atensyon sa akin.

"Oo, pero pupuntahan ko pa rin kayo." ngiti kong sagot sakanya. Ngumiti din siya sa akin kaya kahit paano ay naging maagan din ang pakiramdam ko.

"Okay, Mav. And sorry if I keep on bugging you." What? This girl seriously!

"Are you kidding me now, Elaina? You're not bugging me! I love spending my time with you and Tamara. Don't ever think that again. That's what best friends are for." sagot ko na nagpatawa sakanya.

Matapos namin sa cafe na iyon ay kumain na din kami ng tanghalian sa malapit na restaurant. We choose restaurant that serves asian cuisines, and we both enjoyed it

Matapos kumain nagyaya naman siyang na magpatreatment. We had our manicures and pedicures. Also, some hair services like cutting, styling and coloring. Tamang tama ito dahil may lakad din kami mamaya.

Sa natitirang oras ay nagawa pa namin magshopping ng mga damit at ilang nagugustuhang gamit. Nang napansin namin na dumidilim na ay doon palang kami nagpasyang lumabas na.

"Thank you, Mav. I'll see you again later." paalam na niya nang dumating na ang sundo niya. Dala ko ang kotse ko kaya hindi na ako mahihirapan pang magpasundo para umuwi.

"You're welcome, Elaina. See you. Take care." isang halik sa pisngi ang ginawad namin sa isa't isa bago siya tuluyang sumakay ng kotse at umalis.

Nang tuluyang mawala na sa paningin ko ang kotse nila ay saka na ako nagpasyang pumunta sa parking lot. Hindi namn ganoon kalayo sa pinagsunduan kay Elaina at sa parking kung saan ang kotse ko. I'm a bit tired but I can still attend our family dinner and our night out later.

Dahil papalubog na ang araw ay medyo dumilim ang sa parking lot kaya binilisan ko ang pagpunta sa lugar ng kotse ko. Medyo natigilan pa ako dahil hindi kalayuan sa sasakyan ko ay may dalawang lalaking abalang naglalagay din ng pinamili din sa likod ng isang kotseng kaharap nila.

Nakatinginan kami ng isa sakanila pero agad ko din inalis dahil nasa tapat na ako ng kotse ko. Pinatunog ko ito at binuksan ang pinto sa may backseat para ilagay ang pinamili. Pagtapos ay agad ko din sinara saka pumunta na sa pinto ng driver seat at binuksan pero hindi ko ito mahila.

He's Possessive and Selfish Jerk!Where stories live. Discover now