Kabanata 4

218K 3.2K 75
                                    

"Sila ba ang mga anak mo?" naputol ang tingin ko sa babae nang marinig ang tanong ni lalaki kay Dad. Nasa likuran ako nila Ate Sheena at Kuya Marco.

"Yes. This is my son, Marco with his lovely wife Sheena." nakita kong nakipagkamay at bumati ang dalawa sakanila. Humakbang ako ng isang beses para makita din nila ako. "Uhm.. and my daughter Mariev Leigh."

"Good evening po. It's my pleasure to meet you." I smiled as I greeted them. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nakita kong reaksyon sakanila.

Mataman lang nila akong tinitigan na parang ngayon lang nakakita ng.. I don't know.. like something rare maybe. Nagulat ako ng dahan-dahang lumapit sakin si magandang ginang saka hinaplos ang mukha ko at tumitig sa mga mata.

"T-Tita Betinna nalang, hija." Hindi ko magawang tanggalin ang tingin ko sakanya. I can see something in her eyes, is it.. longing? but for what? Nasa ilang segundo kaming ganoong posisyon hanggang sa niyakap niya ako.

Nararamdaman kong parang yumugyog ang balikat niya pero hindi ako sigurado. Napatingin ako sa babaeng tumititig sakin kanina, may luha na din ang dumadaloy sa maganda niyang mukha. What's going on?!

"Betinna.." tawag ng matandang lalaki saka hinawakan ang magkabilang balikat niya. Umalis siya sa pagkakayakap sakin at natulala ako dahil pinupunasan niya ang luha sa mata. Anong nangyayari? Bakit siya umiiyak?

"Tito Thed nalang, hija. It's nice to finally meet you." pakilala din niya bago din ako yakapin at tinitigan din. What the hell is happening? "Anyway, this is our daughter Claire." I looked at the girl who still looking at me. Seriously? Hindi ko maintindihan ang pamilya nila. They're so weird!

"Hi Claire. How are you?" tanong ko saka kiming ngumiti sakanya.

"H-Hi.. I'm fine." Lumapit pa siya na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sakin. Maya maya pa niyakap din niya ako tulad ng ginawa ng mga magulang niya.

Tumikhim si daddy. "Let's have our sits everyone. I'm starving." sabi niya na sinabayan pa ng mahinang tawa.

Bumitaw si Claire sa pagkakayakap sakin pero hindi parin inaalis ang tingin sakin. Ako na mismo ang umiwas para umupo na sa upuaan katabi ni Ate Sheena.

"I want to congratulate you Mariella for your new shop." si Tita Betinna nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. Ang tinutukoy niya ay ang bagong bukas na flower shop ni Mommy na makikita sa isang mall, my Mom loves flowers, she has a garden in our mansion.

Nagpasalamat naman si Mommy at napunta na sa kung saan ang mg naging usapan nila, mostly about business. Napabuntong hininga na lang ako at nanatili lang ang tingin sa kinakain.

Lumipas pa ang ilang mahabang minuto ay nanatili lang ang usapan nila, nasasali ako kapag kailangan o may tinatanong. Pero dahil negosyo naman ang karamihan ay tahimik lang halos.

Their conversation is still going on but I decided to raised my head and speak.

"Hmm can I excuse myself to the restroom?" paalam ko. Sandaling natigil ang usapan nila dahil dito.

May ilang segundong tumingin pa si Mommy sakin, tinitimbang ang katotohanan. Ang alaala niya noong huli akong ganito ay hindi maganda kaya napataas siya ng kilay sakin. I smiled at her. This time, I really need to use the restroom.

"Okay, sweetheart. Hurry back here, okay?" paalala niya na tinanguan ko agad.

"Excuse me." ngiti kong palam sandali sakanila bago tinahak na ang daan papunta sa restroom bitbit ang clutch purse.

I thought this night will be a great! Knowing that Ate Sheena is pregnant and they're going to announce it tonight but.. but those people, there is something off about them.

He's Possessive and Selfish Jerk!Where stories live. Discover now