Chapter 1: First day

7 0 0
                                    

Eanna's POV
*****************

Andito ako ngayon kasalukuyang  nakahiga dito sa kama ko. Di kami mayaman kaya double deck ang peg namin dito. Ako yung nasa taas habang si ate yung nasa baba. Maganda naman sa itaas lalo na kapag summer na kase kapag gabi ay hindi maiinit at malamig. Lalo na dito sa lugar namin na bukirin. Hindi naman talaga kami dito nakatira nung una. Kaso nga lang dahil sa family alitan nila papa at tito. Ayun damay ang lola niyo, lumipat kami ng bahay. Buti nga may isang bahay na pinagawa si papa dito. Maganda naman ang nalilipat namin ngunit ang pangalawang importate sa cycle ng buhay ko ay wala! WALA SIGNAL DITO kase sa bukid nga a kami lumipat dba!!!! Kakaloka! Umaasa na nga ang tao sa free data at kapit-wifi nawala pa! Huhuhu! Che! Tama na nga tong kadramahan na itech.

So ayun nga dito ako sa kama ko nakatungagna 5 am pa lang naman. First day of school ko kase as a highschool student. Medyo kinakabahan ako dahil may bago na naman akong makakasalamuha. Feel ko magiging busy ako for 6 years eh pano ba kase naiimbento yang k-12 na yan! Yan tuloy humaba ang aral-days namin mga estudyante! Bwisit! Kaloka!

Napadesisyunan ko ng bumango baka kase malate ako sa school first day na first day pa naman. Naligo muna ako alangan naman di ako maligo. Mangangamoy patay ako pagpinagpapawisan ako noh! Sayang ang beauty kung mabaho naman. Syempre sinuot ko na ang uniform ko. Bagong bago pang tahi toh kaya napakanakakainis pagplinaplantsa kase dapat pang ulit-ulitiin. Pinatuyo ko muna ang buhok ko. Mamaya ko na aayusin yung buhok na yan. Naglotion ako. Aba kahit di kami mayaman ay alagang alaga ko ang physical na anyo ko noh. Pero di ako nagko-koji. Ok na ako sa kayumanggi kong balat. Atsaka, bawal daw gumamit nun sabi ni mama.

Nagpulbos din ako para fresh. Nagperfume din ako. Sosyal din si mama kahit ganito antas ng buhay namin ay may pa chanel-chanel pangnalalaman. Atsaka, yung gamit ko na lotion ay nivea pa. Suki kase si mama sa avon eh kaya ganern. Naglagay din ako sa kili-kili ko ng tawas. Kase dahil nasa puberty stage na ako. Yung mangangamoy na yung mga sulok mo. Atsaka, tawas muna tayo bawal pa ang magdeo  baka umitim kili-kili ko. Imaginine mo nakasleeve-less ka tapos itataas mo kamay mo tas makikita nila yung itim mong kili-kili. Ewww right!?

Lumabas na ako sa lungga namin ni ate. At dumiretso na ako sa hapagkainan para kumain. Habang kumakain kami ay panay habilin sila mama at papa sa amin. Kesyo magbabarkada lang daw ako, kesyo baka di ko aayusin ang pagaaral ko. Loko talaga tung sila mama at papa nagiisip ng ganun. Prinipressure pa kami sa studies. Baka daw di kami makakakuha ng scholarship pagmakokolehiyo na daw kami. Advance magisip talaga sila oh! Pati pagkokolehiyo  ko nadadamay na. Lilipas muna ang 5 years bago mangyayari yun! Kalerky!

Nung natapos na akong kumain ay nagsipilyo muna ako baka magkakabadbreath ako noh! Atsaka, humarap na ako sa salamin para ayusin ang buhok ko. Giniwa ko lang itong messy bun para cool. Yun kase yung nakita ko sa youtube nung bimisita ako sa auntie ka na may wifi. Pagkatapos kung magayos ay chineck ko muna ang bag ko baka may kulang. Tapos, humingi na kami ni ate ng baon. Di ko keri ang walang snack no. Kahit hindi halata dahil sa height at weight ko ay mahilig talaga akong kumain. Di naman ako ganito noon pero sabi ni mama. It's also a part of puberty daw. Tong si mama umeenglish porket teacher at major niya ang science at english. Hmmp. Science lang ang beshie ko. Kaaway ko sa english at filipino. Madami man ang hate si math ay favorite ko din siya kase challenging. Nu bayan daldal ko talaga umabot pa ako sa mga subjects.

Nung tapos na lahat ay nagsuot na akong puti medyas at rubber shoes na black. Nung ready na kami ni ate ay nagpahatid na kami ni papa. Habang nasa byahe kami ay di mawala sa systema ko ang kaba at takot.
Baka wala akong makakaibigan? Baka di ako mahohonor student? Baka mabully ako? Nako uso na yang bully-bully na yan! Yang mga bully na yan mga pasikat lang yan. Mga napapapansin lang yan sa mga target nila ayun sa mga nabasa ko wattpad. Tss.

LOVE PALWhere stories live. Discover now