Chapter 5

3 0 0
                                    

Eanna's POV

Manhid lang ang hindi nakakaramdam sa pinagagawa ni MJ. Pero ayoko magassume. Masakit ang magassume. At baka maturingan akong assumera noh! Hindi ako yung tipong hindi updated sa lahat ng nangyayari sa school. Pati nga pagtransfer ni Nathalie ng grade 10 alam ko ito pa kayang si MJ. Eh sa sikat siya sa school eh! Kahit freshman pa ay naging school heartthrob na agad. Edi siya na ang pinagpala!

Napabalik ako sa wisyo nang batukan ako ni Bianca. Kaloka tong babaeng to! Nambabatok! Eh kani-kani ko pa lang naman naging close.

"Hoy! Eanna, wag kang magdaydream dyan.! Turn mo na!" Pabulong na sigaw ni Bianca sa akin. Nasa likod ko kase siya nakaupo kaya nabatukan niya ako.

Napakamot na lang ako sa ulo. Nu ba yan! Di pa ako nakapagpractice nang sasabihin ko! Kalokang apilyedo! Bat ba kase A ang initial nang apilyedo ko!

Tumayo na lang ako sa harap. Bahala na si batman. Kung ano ang sasabihin ko ay si Lord na ang bahala. "Eiffel Tower ng Paris, France. Isa ito sa pinakagusto kong mapuntahan sa buong mundo. Paris, ito ay tinaguriang City of Love. Yan ang pinaniwalaan ng karamihan sa atin. At isa na ako dun. Kung saan nagbabasakaling dun makita ang THE ONE ko. Kung saan ko matatagpuan ang kapares ko. Kung saan ko makikita ang future ko." Lumbas na lang nang parang tubig sa gripo ang mga salitang iyon sa bibig ko. Kaloka! Isip ko ba yun o pinahiram ako ni Lord ng utak ng mga adik sa love na yan!?

"Di naman kailangan pumunta sa Paris ah! May MJ ka naman ah!" Pangaalaska ni Maui sa akin. Nasabi ko na ba sa inyo na naging ko na rin siya. Kung hindi pa ay nasabi ko na ngayon.

"Oo nga! May pa backhug-backhug pa kayong nalalaman!" Singit naman ni Reymar.

Namula ako sa sinabi nila. Grabe ang init! Feeling ko ay mukha na akong kamatis nito. "Yieeehh! May MJ namam pala eh! Kay haba naman ng buhok!" Pangaasar naman ni Ms. Filipino sa akin. Aba pati ikaw Ms.?

Napatungo na lang ako sa desk ko sa kahihiyan. 'Bat ba kase Paris ang drinawing ko?! Ay oo nga pala. Isa akong dakilang tamad.

Di kalaunay natapos na rin kami sa pagprepresent namin. Pero hanggang ngayon ay may halong pangaasar pa rin ang tingin ni Miss sa akin kayo nahihiya ako. Nung matapos ayaw agad din kaming lumipat sa last subject namin. Math!

Kaso agad na bumagsak ang balikat ko nang mabasa ang nakasulat sa board nung pagpasok namin.

'Get a one whole sheet of paoer and answer the window cards in the table. I will not be there for a personal reason.'

-Mrs. Waniwan

Nakakalungkot. Wala lecture sa Math. Kung iba diyab ay nagpipiyesta ay sa akin naman ay kabaligtaran. Para akong namatayan dahil sa itsura ko. No choice. Kumuha na lang ako ng one whole at sinagutan agad ang window card sa table. Pero hindi pa nangangalahati ang oras ay natapos ka na agad ang pinapasagot ni Ma'am.

Inilapag ko na sana ito ng hiramin ito nila Bianca at Heart. Pinahiram ko na lang sa kanila. Agad din akong umalis sa room at nagtungo sa Science Park. Medyo tago kase dun at tahimik kaya matutulog ako dun.

Nagising ako ng maramdaman ko na may tumitingin sa akin. Agad bumungad sa akin ang matang kay ganda na pagmamayari sa taong nagustuhan ko. Oo, tama ang nabasa niyo. And I think I'm starting to like him. Look, he's almost perfect. Magaling sa larangan ng pagsasayaw at musika. Top notch student din. Gwapo at mabait pa. Pero hindi ko alam kung ganito din ba siya sa iba.


"Hey." Maikling bati niya sa akin na may kasamang matamis na ngiti. Yung ngiti niya hindi na halos makita ang singkit niyang mga mata. "Ohh, hi! What are doing here?" Tanong ko kay MJ. Umiling lang siya at ngumiti. Tumabi siya sa akin at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.



"Hey." Inalog-alog ko siya. "Wala ka bang klase?" Tanong ko nito. "Wala." Tanging imik nito. Tumatango na lang ako. Kinain kami ng katahimikan. Hindi naman awkward, medyo komportable rin naman akong kasama siya.



Biglang niyang isinuot sa akin ang isang earphones niya. Ang ganda ng tugtog. Habang nakikinig ako ay napapikit na lang ako. Dinadalaw na ako ng antok.

-------

Someone's POV

Ang sakit. Sobrang sakit talaga. Yung nakikita mo ang taong mahal mo na may mahal ng iba. Yun nakikita mong hindi ikaw ang mahal ng mahal mo. Ang manhid mo naman di mo man lang naramdaman na may gusto ako sayo. MJ, may kulang pa ba sa akin? Bakit hindi na lang ako? Bakit siya pa? Mayaman naman ako. Maganda. At lalong matalino naman ako. Anong nakita mo kay Eanna na wala sa akin.


Pinapanuod ko lang sila dalawa. Ang sweet nilang tignan. Pero masakit sa akin ang scenario na yan. Sino bang hindi masasaktan kung ang taong mahal mo ay may kasamang iba. Paalis na ako ng may nahagip ang mata ko. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Miles na nakatingin din sa dalawa. Mukha hindi lang ata ako nagiisa.


Pero balita ko ay may girlfriend na si Miles. Si Heart na kaibigan ni Eanna. This story is so interesting. May dalawang taong nagmahalan at may dalwang taong nagpapakatanga sa dalawang taong iyon.


To be continue...



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE PALWhere stories live. Discover now