CHAPTER TEN

3.8K 254 41
                                    

"GOOD morning."

Iyon ang pambungad sa akin ni Raeken pagdating ko sa klase nang maabutan ko siyang nakaupo sa tabi ng bago kong kinauupuan. Magmula kasi noong naupo sa tabi niya si Jasmine ay iba na ang naging seatmate ko.

"Hindi ka naman dito nakaupo, 'di ba? Katabi mo si Jasmine," tugon ko habang nilalagay ang bag ko sa upuan.

"Naging katabi ko lang naman siya dahil umalis ka," untag ni Raeken habang komportableng ipinatong ang paa niya sa upuan sa harap niya.

"Bumalik ka na nga sa pwesto mo. Hindi mo gugustuhing maupo dito. Mahuhuli ka ng prof kapag hindi ka nakikinig, sige ka. At tsaka maiinis yun si Jasmine. Alam mo namang tantrums yun na naging tao."

"Pakialam ko naman sa kanya? At tsaka eh ano naman kung madali akong makikita ng prof dito? I'd always choose the seatmate over the seat. Kaya dito na lang ako sa tabi mo," tugon niya sabay ngiti sa akin.

Napailing na lamang ako bago naupo. "Bahala ka na nga."

Hinayaan ko na lamang siya sa tabi ko. Kapag dumating naman si Jasmine, paniguradong hihilahin siya nun pabalik sa tabi niya.

Hindi kasi ako komportableng katabi siya. Hindi naman ako galit, pero naiilang na kasi ako sa atensyong nakukuha ko sa mga tao dahil lang kasama ko siya. Dati na nila akong pinagtitinginan at pinag-uusapan dahil nga sa kawirduhan ko, pero ibang kwento na ngayon dahil sa presence ni Raeken.

Gustong-gusto nilang lahat si Raeken, at hindi nila maintindihan kung bakit mas pinipili niyang kasama ako.

Mas gusto ko nang maging invisible na lang kaysa nakikilala nila ako dahil kasama ko lagi si Raeken. Mas panatag ang loob ko kapag invisible ako. Dapat siguro, sabihan ko na rin si Raeken na bawas-bawasan ang paglapit at pagdikit sa akin kapag nakikita kami ng iba naming schoolmates.

Hindi naman sa ayaw kong katabi si Raeken.

Pero hindi ko rin sinasabing gusto ko siyang katabi ha.

Maya-maya ay dumating na si Jasmine. Nang makita niyang katabi ko ulit si Raeken ay agad nagsalubong ang mga kilay niya.

"Raeken, 'di ba tayo ang magkatabi sa upuan?" tanong ni Jasmine habang binibigyan niya ako ng masamang titig.

"Kasi ayaw kitang katabi. Ang gulo mo na nga, ang arte mo pa." Iyon ang maikli pero prangkang tugon sa kanya ni Raeken. Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat. Talagang gagalitin niya si Jasmine sa ginagawa niya.

"So mas gugustuhin mo pang makatabi ang weirdo na yan kaysa sa akin?" naiiritang tugon ni Jasmine habang pinandidilatan kaming dalawa. "What's wrong with you, Raeken?"

Tumayo si Raeken mula sa pagkakaupo at nakangising tinitigan nang direkta sa mga mata si Jasmine. "The only thing wrong with me is the fact that I am talking to you. Umalis ka nga dyan. Ang aga-aga nambubulahaw ka na."

Dahil pinagtitinginan na sila ng iba naming mga kaklase, napaatras na lamang si Jasmine at wala nang nagawa pa. Hindi na siya nakasagot, at mas pinili na lamang na maupo sa dati kong upuan kahit hindi niya na magiging katabi si Raeken sa pwestong iyon.

Umiiling-iling si Raeken habang bumabalik sa pagkakaupo sa tabi ko. Kahit kailan talaga ay napaka-stubborn ng ungas na 'to.

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Dapat hindi mo na ginawa iyon."

"Nah. In fact, I should have done that a long time ago," he replied. "Lagi ka na lang nilang pinag-uusapan kahit wala ka namang ginagawa. They always make fun of you because you just let them do that."

Isang matipid na ngiti ang lumitaw sa mukha ko. "Hindi naman nila alam yung kondisyon ko eh kaya naiintindihan ko naman kung pinagtitripan o hinuhusgahan nila ako. Hindi ko rin naman iyon basta mapapaliwanag sa kanila kasi baka hindi nila maintindihan."

Touching You, Touching Me [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon