CHAPTER VII

1.9K 30 12
                                    

MAGKAHALONG kaba at kasabikan ang nararamdamn ni Sharmagne nang hapong iyon. First shooting day ng TVC niya kasama si Gerson.

            Ang kaalaman na muli niyang makikita ang binata ay nagpadagdag ng excitement sa kanyang sistema. Nawiwirduhan man siya sa kanyang sarili ay hindi niya maitatanggi na nagkaroon na ng kaliwanagan sa isip niya na posible nga silang maging magkaibigan ng binata. Dalawang araw mula ng ito ay lagnatin at kanyang arugain sa bahay nito ay doon niya pa lamang ito muling makikita.

            Napagalaman niya mula sa kanyang manager na magaling na raw ang lalaki ng iwan niya ng kinaumagahan. Kahit hindi niya tinatanong ang kaibigan ay inimporma siya nito tungkol doon.

Nang makauwi ito galing ng probinsiya ay hindi na siya nagdalawang isip pa na ikwento rito ang lahat ng nangyari ng gabing iyon. Kailangan niya ng may mapapagsabihan niyon kundi ay baka nabaliw-baliw na siya! Hindi siya mapakali. Gusto niyang isiwalat ang buong pangyayari sa isang tao na sigurado siyang kanyang mapagkakatiwalaan. Ang pakiramdam niya ng umagang lisanin niya ang bahay ni Gerson ay isa siyang bandido na nagmamadaling makaalis doon. Iniwasan niyang makagawa ng ingay sapagkat ayaw niyang magising ang binata sa mahimbing na pagkakatulog nito. Baka abutan rin siya ng kawaksi nito kung umaaga man nagpupunta roon ang kasambahay.

Natural na ikinagulat ni Ryan ang mga sinabi niya rito. Hindi kasi niya ito naabisuhan kung nasaan siya ng gabing iyon; dala na rin ng pagiging tuliro. Sa umpisa ay hindi pa ito makapaniwala sa mga naganap ngunit kinilig na rin pagdaka, Nagbiro pa ito na kung ito lamang raw ang nasa pwesto niya ay hindi lamang raw yakap ang ibibigay nito kay Gerson. At hindi na niya nais pang malaman ang kaberdehan na naman ng utak ng kanyang manager.

                    Kahit na ayaw niyang iwan ang binata nang hindi pa siguraado kung babalik na naman ang taas ng lagnat nito ay kinailangan na niyang umalis. Mabuti na lamang ay nagtext muna ang kanyang PA na susunduin na raw siya nito kung kaya’t nagmadi na siya sa kilos at umalis na sa lugar ni Gerson upang kitain ang kanyang PA sa ibang lokasyon.

Alalang-alala ang kanyang Tita Demi ngunit naipaliwanag -o mas magandang termino ay nakapag-alibi na siya- rito maging ang PA niya kung ano ang naganap. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na ito nagusisa pa.

               Nasa sasakyan na sila papunta sa lokasyon ng shooting. Gamit nila ang Benz Spinter dahil puno ang schedule niya para sa araw na iyon.

                    Nanonood sila ng telebisyon habang nasa biyahe. Inilipat ni Ryan ang istasyon na sakto naman paglabas ng gwapong mukha ni Gerson sa screen. Guest pala ito sa isang talk show. Pasimple pa siyang sinulyapan ng manager.

“Gerson, i heard you got sick last saturday. Magaling ka na ba?” tanong rito ng host.

“Yes po. Magaling rin kasi ang nurse ko eh,” ani Gerson na ngiting-ngiti sa sinagot.

“Ohh. How good is she? Is she pretty?” malanding tumawa naman ang host.

Tumawa rin ng bahagya ang lalaki. “Definitely.”

“Ay kinikilig ka! I love it!” tukso rito ng actress-host. Siya pa yata ang tila apektado sa panunukso rito ng babae. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. Mabuti na lamang at ang tiyahin niya ay nakatutok ang tingin sa pinapanood.

            Ngumiti lamang si Gerson. Ngiting abot-tenga.

            Sa pagkakaalam niya ay taping lamang ang bawat episode na iyon ng talk show. Bihira lamang naman itong mag-live at sa ngayon nga ay walang nakainset sa itaas ng screen upang ipaalam na live nga iyon.

“Is she nice?” usisa muli rito ng babae.

Tumango lamang ang binata. Hindi pa rin naalis ang ngiti sa mga labi. “And Ms.Tina,” habol nito. “Can i take this oppurtunity to thank her?”

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon