CHAPTER X

1.9K 30 23
                                    

NAPARAMI man ang nainom ni Gerson ay malinaw pa rin sa kanya kung ano ang kanyang ginagawa. Psychological help lamang marahil ang alak na kanyang nainom upang magkaroon ng lakas ng loob kausapin si Sharmagne.  

            Isang oras mahigit bago nakarating ang mga ito roon. Nawawalan na siya ng pag-asa na makikita niya itong muli ng gabing iyon kaya naman anong tuwa niya ng pumasok ito sa malaking silid.

Nakikipagsiyahan man siya ay kulang iyon kung hindi ito nagpunta. Oo. Inaamin na niya sa kanyang sarili na gusto niya ang dalaga. Gustong-gusto niya ito. At hindi siya mapapakali sa gabing iyon kung hindi sila makakapagbati nito.

            Plinano na niya sa kanyang isip na kung sakaling hindi ito dumating sa selebrasyong iyon ay pupuntahan niya ang bahay nito. Para lamang mapatunayan na sinsero ang paghingi niya ng tawad rito. Naisip niya na marahil hindi pa rin siya pinatawad nito noong una ay dahil pulos text, tawag at pagpapadala lamang ng bulaklak ang ginagawa niya. Naduwag lamang naman siya na harapin ang katarayan nito. Subalit hindi na sa puntong iyon.

            Umurong siyang lalo palapit sa dalaga. Hindi na ito nakabestida. Isang maluwang na blouse at leggings na lamang ang suot nito. Napakasimple ngunit kay lakas ng dating para sa kanya. Nakapusod na rin ang buhok nito kaya’t naaamoy niya ang mabango nitong leeg sa tuwing binubulungan niya ito. Kung maari lang ay hilingin niya pa na mas lumakas ang tugtog doon upang mas makalapit pa siya sa dalaga sa tuwing kakausapin niya ito.

            Panaka-naka kung tapunan siya nito ng tingin. Kung minsan ay galit, kung minsan naman ay tila nagtataka.

Nginitian niya ito. “You smell so good. Do you know that?”

Mas lalong lumawak ang kanyang pagkakangiti ng mamula ito. Natetempt siya na nakawan ito ng halik kapag lumingon ito sa kanya. Ngunit pinipigil niya ang kanyang sarili. Paniguradong mas lalo lamang itong magagalit sa kanya.

“Babe,” tawag niya rito. He loves calling her those endearment na bigla na lamang namutawi sa kanyang bibig noon.

“Gerson, p’wede ba? Stop calling me those-“ Napahinto ito dahil ng lumingon ito sa kanya ay nakalapit na ang mukha niya rito. Kaagad nitong inilayo ang mukha sa kanya. Sayang. Hindi man lamang siya nakahirit ng halik kahit sa tungki ng ilong nito.

“Bakit ba kahit ang sungit-sungit mo sa akin, hindi ko magawang mainis sa’yo?” tanong niya rito.

            “Malay ko sa’yo.” sumulyap lamang ito sa kanya. Nakatuon ang tingin sa mga nagkakantahan. Sa tuwing kinakausap siya nito ay nilalakasan pa ang boses upang madinig niya. Mas gusto niya sana na bulungan na lamang din siya nito.

Tinungga niya ang baso ng alak na hawak-hawak. Ang isang kasama nilang crew sa TVC production ang siyang nagsasalin ng mga laman ng mga naubos na nila. Hindi naman siya madaling malasing kaya’t sumige pa rin siya ng lagyan nitong muli ang baso niya.

“Bakit ba kahit ang taray-taray mo, hindi ko magawang awayin ka, katulad ng ginagawa mo sa akin ngayon?” pangungulit niya pa rin dito. Pagkakataon na niya iyon upang maiparating rito ang lahat ng saloobin niya. Bagaman lahat iyon ay spontaneous at hindi rin niya plinano. Ang makita ang galit na mga mata nito sa kanya kanina ay nagbigay ng takot sa kanyang sistema. Hindi niya yata magugustuhan kung tuluyan na talaga siya nitong hindi kikibuin. Lalo pa at matatapos na ang kanilang ginagawang TVC.

            Sumulyap lamang itong muli sa kanya. Walang salitang lumabas sa bibig.

“Bakit ba ang ganda-ganda mo?” tanong niyang muli.

“Bakit ba ang bolero mo? Pwede ba,” umismid ito. Ganoon pala? Iniisip nito na binobola lamang niya ito. Hindi siya bolero. Hindi niya sasabihin ang lahat ng iyon kung hindi naman iyon ang nakikita at nararamdaman niya para rito.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon