CHAPTER XVIII

1.8K 30 6
                                    

NARIRINDI na si Sharmagne sa muli na naman na pangungulit ni Gerson sa kanya. Simula ng dumating siya sa location ng kanyang bagong tvc ay naroon na ang lalaki. Ang akala niya ay hindi na naman siya inimporma ni Ryan na makakapareha niya ang lalaki. Subalit hindi naman pala talaga ito kasama roon. Sinadya lamang pala talaga siya.

            Kung sa ibang sirkumstansiya nito ginawa iyon –na hindi masamang-masama ang loob niya rito- ay baka kinilig pa siya ng husto. Pero iba na ang lagay nila ngayon.

            Kahit noong isang araw lang ay ipinatawag sila nina Mr. Perez dahil nakarating na sa mga ito ang alitan nila. Pinipilit silang pagayusin ng mga ito. Syempre nagkunwari siya na ayos na sila ng binata at hindi na magkakaproblema. Pero hindi kapag wala na sila sa harap ng mga ito. Kahit na kailan ay hindi na niya kakausapin pa si Gerson! Maliban na lamang kung dahil sa trabaho; gagawin niya kahit na ayaw niya.

            Ilang araw na rin ang nagdaan simula nang gabi na kamuntikan ng may maganap sa kanila ng binata. At imbes na mapaamo siya sa panunuyo nito ay mas lalo lamang siyang nabwisit rito! Sukat ba naman itanong sa kanya na kaya raw ba siya galit ay dahil binitin siya nito! Ang kapal ng mukha! Ano ang akala nito sa kanya? Babaeng sabik?! Sa halip na magpaliwanang ito kung bakit ganoon na lamang siya trinato nang gabing iyon ay panay lamang naman ito hingi ng sorry. Aanhin niya ang sorry nito? Ipiprito?

Sa sobrang panggigigil niya sa tanong nitong iyon ay pasimpleng tinapunan niya ng wine ang tuxedo na suot nito. Ito pa naman ang susunod na bibigyang parangal para sa selebrasyon ng anibersaryo ng ABSAMTV. Tuloy ay nanghiram na lamang ito ng damit sa ibang artista. Hindi siya naawa rito. Dapat lang dito iyon.

            Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na inamin niya sa sarili niya na mahal niya si Gerson. Pero marahil ay hindi talaga love iyon! Ayaw na niyang tanggapin na ang lalaking minamahal niya ay tinatrato lamang pala siya na tulad lang ng ibang mga babae nito! Masakit sa ego niya. Masakit sa puso niya.

            At ngayon nga na kahit ilang beses na itong napahiya dahil sa kagagawan niya ay patuloy pa rin ito sa pakikipagayos sa kanya. At patuloy pa rin siya sa pambabalewala rito.

“Sharmagne, can we talk now?” Lumapit ito sa kanya ng mapagsolo siya sa kanyang kinauupuan habang naghihintay ng take.

            Tulad ng nakaraan ay hindi niya ito kinibo.

Bumuntong hininga ito. Nakatayo lamang sa tabi niya at nakamasid sa kanya na animo ito kanyang bodyguard. Maya-maya ay tumunog ang telepono nito. “Excuse me, i’ll just take this call.” paalam nito sa kanya.

Umismid siya. Who cares?

Ilang hakbang lamang ang inilayo nito kaya’t kahit paano ay dinig niya pa ang sinasabi nito sa kausap. “Yes nanay. Uminom na po ba kayo ng mga gamot n’yo?” Pumalatak ito.

Nakuha nito ang atensiyon niya ng madinig niya na ang nanay pala nito ang kausap. Bahagya siyang umusod upang mas madinig pa ang sinasabi ng binata.

“Nanay! Aren’t you the most stubborn old lady in the whole world! Opo, opo.” sandali itong huminto sa pagsasalita at nakinig lamang sa kausap. “Nay naman. Basta magpagaling po kayo. Opo, sa makalawa pupunta po ako diyan.” Muli itong pumalatak. “I’m not sure ‘Nay. Basta ipangako mo, iinumin mo mga gamot mo.” Mapakla itong tumawa. “Opo. See you. I love you.”

            Hindi maiwasang may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi. Alam niya na isa sa mga minahal niya kay Gerson ay ang pagiging mapagmahal nitong anak sa ina nito.

            Nang pumihit na ito paharap ay nagkunwari ulit siya na tila hindi ito nakikita. Poker face na naman siya hanggang sa manawa ito na kausapin siya.

IT MIGHT BE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon