Chapter 19

2.8K 112 0
                                    

TOUCH

Tila hindi sila napagod sa maghapon na pamamasyal nila ni Constell.

Nagmovie marathon pa sila pagkarating nila ng bahay at ito nga kasulukuyan sila nakasalampak sa carpeted floor at nakakulong sya sa pagitan ng mga hita nito at hindi niya talaga mapigilan na hindi makaramdam ng kakaibang sensasyon,err,pag-iinit sa pagkakadikit ng kanilang mga katawan.

Hay,Rhoda! Corrupted na yang utak mo ng kahalayan!

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi iyun ng isip niya.

Hindi na nga niya maalala kung kailan niya huli naramdaman na madikit sa katawan isang lalaki. Tanging hawak lang sa kamay ang ginagawa ni Jason sa kanya kung hindi pa siya ang unang kikilos kung magkakayakapan man sila segundo lang ang tinatagal tila ba ilang na ilang sa kanya ang lalaki at iniisip niya baka nagiging gentleman lamang sa kanya ito pero ngayon pagkatapos ng mga nalaman niya at isang pagpapanggap lamang lang pala ang mga iyun kaya pala hindi niya ramdam o walang feelings.

Masyado lang siya naniwala sa pagmamahal niya rito pero nagkamali siya.

"Bakit?"pukaw nito sa kanya.

Biglang nagtaasan ang balahibo niya sa batok ng bumulong sa tainga niya si Constell.

Nahigit niya ang hininga ng yakapin siya nito at bahagya siyang ipitin ng mga binti nito.

Fire alert!

"Ahm,wala naman.."tugon niya habang kinakalma ang sarili. Hindi na siya makapokus sa pinapanuod nila dahil mas aware siya nararamdaman niya habang nakakulong sa mga bisig at hita ng binata.

" Hindi mo sinabi na may ganyan palang kasama sa eksena,"bulong pa rin nito saad.

Agad na napatingin siya sa screen ng plasma T.V nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang eksena.

Mainit na nagla-love making ang mga bida. Lalo lamang siya nakaramdam ng kakaibang sensasyon at pagkapahiya.

Ganyan yung gusto mong isipin eh!

Napaawang ang mga labi niya sa pang-aakusa ng isip niya! Nababaliw na ata siya!

Napahigit siya ng hininga ng maramdaman ang paglapat ng mainit na bibig ni Constell sa ilalim ng tainga niya.

Napakuyom siya ng mahigpit. Noon sila pa ni Jason hindi niya hinayaan ito na lumapat man lang ang bibig nito sa balat niya maliban sa mga labi niya dahil hindi pa niya kayang ibigay ang sarili rito pero...pero bakit ngayon. Tila nanabik siya.

Kapag lumalim iyun agad siya bibigay rito?

Napalunok siya ng gumapang ang bibig nito sa may panga niya. Magaan lang ang pagdampi ng mga labi nito pero mabigat na ang paghinga niya. Mas lalo siya nag-init at may kung anong kuryente na gumuhit sa may puson niya pababa sa pagitan ng mga hita niya.

Napasinghap siya ng maramdaman iyun. Hindi niya naranasan iyun kailanman!

Mariin siyang napapikit ng bumaba sa leeg niya ang mga labi ni Constell at gumapang muli paakyat hanggang sa bumulong muli ito sa tainga niya.

"Patawad.." anito sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Biglang may kung anong mainit na humaplos sa puso niya sa sinabi nito. He sorry because what he did awhile ago. He's so gentleman! Imbes na madismaya siya mas lalo lang niya hinangaan ang binata.

Iyan ang gentleman sincere at ramdam na ramdam hindi tulad ng hinayupak na ex mo!

Ipinaling niya ang mukha para magtama ang kanilang mga mata. Nagdidilim ang mga mata nito..puno ng intesidad iyun. Nang pagnanasa!

You old enough,Rhoda..

Kinuha niya ang kamay nito na nakapalibot sa beywang niya at dinala niya iyun sa kanyang dibdib na kinaawang ng mga labi ng binata. Nahigit nito ang hininga sa ginawa niyang iyun. Hindi niya inalis ang pagkakatitig sa mga mata nito na lalong dumilim dahiL sa kapangahasan niya.

"Touch me.."buong tapang niyang sabi rito.

Nakita niya ang paglunok ng binata at ang pagbaba ng mga mata nito kung nasaan ang kamay nito na hawak niya.

Hindi siya aatras. Ito ang gusto niya.

Napapikit siya ng marahan na pumisil roon ang kamay nito na hawak pa rin niya.

Gusto niya. Ito ang gusto niya mangyari..dahil mahal niya ito. Ibibigay niya ang lahat dahiL mahal niya ito...na hindi niya ibinigay noon sa dating kasintahan.

Hindi siya nakaramdam ng takot o pangamba habang marahan na pinipisil ni Constell ang isa niyang dibdib.

Pakiramdam niya nakalutang ang utak niya dahil sa sensasyon na gumagapang sa buo niyang katawan.

Namumungay ang mga mata niya ng magmulat siya at makita na namumungay din ang mga mata ng binata.

Nakaawang ang mga labi nito.

"Touch me...I'm all yours,Constell.."paanas niyang saad.

Hindi na nakapagpigil pa ang binata at hinablot nito ang batok niya at siniil siya ng mainit at naglalagablab na halik.

Mapaghanap na halik humihingi ng tugon mula sa kanya na agad naman niya binigay rito.

Sabik na sabik ang kanilang mga labi. Tila ba wala ng bukas kung hindi nila matitikman ang halik na iyun.

Hot.

Intense.

Humihingal na nagparte ang mga labi nila ng binata.

"I want you.."halos pabulong na usal ng binata.

Kumapit siya sa batok ng binata at mariin niya ito hinalikan sa mga labi.

"I want you,too.."saad niya sa tapat ng mga labi nito.

Hindi na sila nagpigil pang dalawa.

Ito ang alaala na hindi malilimutan ni Rhoda. Ang ibigay ang pagkababae niya sa taong alam niyang totoo ang pagmamahal na pinaparamdam niya rito.

SSL Series 1 (Completed)Where stories live. Discover now