Chapter 25

2.9K 98 1
                                    

THANK YOU

Naisipan nila mag-camping ni Constell sa isang kilalang bundok dahil maganda ang panahon at sa susunod pang mga araw ay naenjoy ni Rhoda ang pag-akyat sa bundok kahit makaubos ng lakas pero nandyan palagi si Constell na nakaalalay sa kanya kapag nakikita nitong hinihingal na siya walang hirap na bubuhatin siya nito sa likod. Kung hindi lang niya alam ang tunay na pagkatao nito mapagkakamalan niyang isa itong robot.

Napangiti siya ng makita ang paglabas ni Constell mula sa mga nagtataasan puno na may bitbit na tuyong kahoy.

Bonfire!

Naeexcite na siya umupo sa harapan ng bonfire habang yakap-yakap siya ng binata mula sa likuran niya. Agad na nag-init ang pakiramdam niya sa sumunod na eksena na lumitaw sa isip niya. Napaigtad siya ng may lumapat na mainit na bagay sa nuo niya at ang mga labi pala nito iyun.

"Gutom ka na ba?" nakangisi nitong tanong sa kanya.

"K-kakain lang kaya natin," naiilang niyang saad.

Natawa ito. "Para kasing gutom na gutom ka habang nakatitig sakin," nakangisi nitong tudyo sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Ikaw talaga!"napapahiyang saad niya sabay hampas sa braso nito.

Natatawang na nilapag na nito ang bitbit na mga kahoy at sinimulan na ang pagpapaapoy nito roon. Tahimik na pinanuod niya ang binata.

" Wow..mabuti naman hindi mo ginamit ang magic mo?"nakangisi niyang panunudyo niya rito. Payback time!

Natawa ito habang sinisindahan ang posporo na dala nila.

"Hindi naman kita maimpress dun kaya bakit pa?"ganti tugon nito. Sabay ngisi nito sa kanya.

Siya naman ang natawa. Hindi na niya napigilan ang sarili at pumwesto siya sa likuran nito at niyakap ito habang nakasquat ito ng upo.

Nakangiti na sinulyapan siya nito na agad naman niya sinamantala para patakan ng halik ang bahagyang nakaawang nitong mga labi.

"Thank you..pinaranas mo sakin ang mga bagay na hindi ko naranasan noong unang buhay ko..ngayon ko lang din naranasan na maging masaya,kuntento at mahalin ng totoo.." madamdamin niyang saad habang nakapagkit ang kanilang mga mata.

Masuyong pinakatitigan siya ng binata at hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Ang lahat ng ito na ginagawa ko ay para talaga sayo,my sweet Rhoda.."madamdamin nitong tugon sa kanya.

Matamis na gumuhit ang ngiti sa mga labi niya at muli niyang inabot ang bibig ng binata at nagtagal ang halikan nila hanggang sa maubusan sila ng hininga.

"Tama na..dumidilim na wala pang apoy!" awat na niya rito ng tangkain muli nitong abutin ang bibig niya. Nginisihan niya ito ng samaan siya nito ng tingin.

"Tukso ka!" angil nito sa kanya na kinatawa niya. Nanatili siyang nakayakap sa likuran nito ng ipagpatuloy na nito ang pagpapaliyab sa mga kahoy.

She's so happy to be with him. Sana matagal yun o di naman kaya panghabam-buhay pero alam niyang limitado lang iyun.

Hindi niya maloloko ang sarili ang tungkol sa katotohanan iyun. Ang katotohanan na panandalian lamang lahat ng ito sa kanila ni Constell.

Sa oras na kailangan na nitong magpaalam sa kanya baka..hindi niya kayanin.

Maybe...

She will die..again.

Pero sa pagkakataon iyun. Mamatay siya na alam niyang nagmahal siya ng tunay at minahal siya ng totoo.

Nang walang pagkukunwari.

Ang pag-ibig na hindi niya aakalain na ipaparamdam niya sa isang nilalang na hindi naman niya kauri.

Na iibig siya sa isang tulad ni Constell.

Pero bakit kung kailan nagmamahal na siya ng totoo at minamahal siya ng totoo...bakit iyun pa ang walang hanggan?

Iyun pa ang nagwawakas.

At iyun ang mas pinakamasakit.

Magkatabi sila ni Constell habang nasa harapan nila ang naglalagablab na apoy.

"Isa ito sa magandang naranasan ko dito sa lupa,"maya-maya saad ni Constell.

Ibinaling niya ang mga mata rito at nakatutok naman ang paningin nito sa apoy.

"Marami magagandang karanasan ka mararanasan dito sa lupa bukod dito,Constell,"saad niya.

Bumaling ang paningin nito sa kanya. Nasa mga mata nila ang reflection ng apoy na animo'y nagsasayaw.

"Gusto ko maranasan ang lahat na yun..kasama ka,"saad nito.

Nang matanto niya ang isang bagay tila may dumakot sa puso niya.

Pero imposible ata mangyari yun.

Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Malungkot na ngiti at ibinaling niya ang atensyon sa apoy.

"Pero limitado sa sitwasyon natin dahil magkaiba ang mundo na pinagmulan natin,"anas niya.

Binalot na siya ng lungkot na maisip iyun.

Napasulyap siya sa binata ng abutin nito ang kamay niya.

"Kaya...sinusulit ko ang bawat araw na dumadaan na kasama ka,Rhoda.."matiim nitong sabi.

Tila mas nakaramdam siya ng lungkot sa sinabi nitong iyun.

Imposible ba na piliin siya nito?

Pinilit niya pasiyahin ang ngiti niya. Ayaw niya makita nito na hindi siya masaya sa kinahahantungan ng lahat na ito sa pagitan nila ng binata.

"Okay! Gusto ko din yan. Saka..para naman hindi mo masabi ang boring dito noh!"pagbibiro niya rito.

Tumawa ang binata.

"Hindi naman basta ikaw ang kasama ko,"nakangisi nitong saad sabay kindat sa kanya.

Inirapan niya ito upang ikubli ang kilig sa sinabi nito.

"Lame,"pagtirik niya ng mata rito na kinatawa nito ng malakas.

Hinila siya nito hanggang sa makaupo siya sa kandungan nito. Patagilid siya nakaupo rito.

"Thank you for loving me,Rhoda.."madamdamin nitong sabi sa kanya.

Puno ng pagmamahal na hinaplos niya ang pisngi nito.

"Thank you din dahil sayo natutunan ko kung paano magmahal ng totoo,"madamdamin din niyang tugon sa binata.

Kapwa may ngiti sa mga labi nila ng magtagpo ang kanila mga labi para sa isang matamis na halik.

Isang halik na isa sa pinakamagandang karanasan na hindi malilimutan ni Constell.

Isang halik na palaging alalahanin ni Rhoda sa oras na mag-isa na lamang siya.

SSL Series 1 (Completed)Where stories live. Discover now