Chapter 22

3K 123 3
                                    

REALITY

Mataman na pinagmamasdan ni Constell si Rhoda habang ninanamnam nito ang paghampas ng hangin sa mukha nito. Nakaupo ito sa gitna ng nagtataasan talahib.

Doon nila naisipan mag-date dalawa.

At nasabi na rin ang katugon ng damdamin ng dalaga para sa kanya.

Ito pala talaga ang pakiramdam ng pag-ibig. Masarap sa pakiramdam at napapangiti ka sa tuwing nakikita o nakakasama mo ang taong tinitibok ng puso mo.

Kaya ba mas pinili ng mga naunang bituin ang manatili sa mundong ito dahil walang hanggan kasiyahan pala ang kapalit niyun?

Agad na natigilan si Constell sa biglaan paggitaw ng katanungan ng isang sulok ng isip niya.

Simula pa lang bago siya bumaba sa lupa ay pinanindigan niya na hindi siya tutulad sa mga naunang bituin na pinili ang manatili sa mundong ito kaysa bumalik sa starry temple at mabuhay ng walang hanggan.

Ngayon? Nasaan ka na ngayon,Constell?!

"Constell!!!"

Agad na napukaw siya ng tawagin siya ng kasintahan. Masaya itong kumakaway sa kanya.

Walang kurap na pinakatitigan niya ang dalaga.

Nabibilang na lamang ang araw na pananatili mo rito,Constell.

Agad na winaksi niya ang kaisipan iyun. Ayaw niya munang isipin ang nalalapit niyang paglisan sa mundong ito. Sa ngayon gusto niyang maging masaya sa piling ni Rhoda.

Alam mong masasaktan siya sa oras na piliin mo bumalik sa starry temple.

Sana hindi ka umibig sa kanya.

Isang mahigpit na yakap ang nagpawala sa alalahanin niyang iyun. Gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi niya na tinugon ang yakap nito.

"Thank you sa pagdala mo sakin rito!" masaya nitong saad habang nakatingala ito sa kanya.

Agad na pinatakan niya ng halik ang nuo nito.

"Anything for you,my sweet Rhoda.." anas niya.

Tumingkayad ito at inabot ang mga labi niya para halikan siya at agad naman niya sinalubong iyun.

"I love you,Constell..sana..sana bumagal ang araw para makasama pa kita ng matagal," bigla nitong saad na hindi niya inaasahan.

Napahigpit ang yakap niya rito.

"Rhoda.." anas niya at ibinaon ang sariling mukha sa leeg nito.

"Alam kong kailangan mong bumalik sa inyo..at..at hindi ko pagsisihan na isang tulad mo ang minahal ko..hindi man kita makakasama ng matagal..ng habam-buhay," may bahid ng lungkot nitong saad.

Walang salita na lumabas sa bibig niya at tanging naging reaksyon niya ay ang yakapin ito ng mahigpit.

Nahihirapan siya. Oo. Nahihirapan na siya dahiL ngayon naiisip niyang iiwan niya ito para na siyang mamatay sa kabila ng walang hanggan na buhay na meron siya.

Mas lalo niya isinobsob ang mukha sa leeg nito.

This is the reality. Ang lahat na masasayang bagay ay may katapusan,Constell. Alam mo yun simula pa lang.

Nanikip ang dibdib niya. Good heaven!

"Matagal pa yun,Rhoda.." maya-maya anas niya.

Kailangan mo ng mamili,Constell.

Pag-ibig o ang walang hanggan na buhay?

Ayaw niyang mamili.

Tuluyan na siya natalo ng kahinaan ng mga tao. Ang pag-ibig na iyun.

Hindi mo naman na kailangan pang pahirapan ang sarili mo,bituin.

Alam mo na kung saan ka sasaya. Nagpapatalo ka lang sa isang responsibilidad.

Masaya sila nagsalo sa isang hapunan ng dalaga na magkatulong nila niluto.

"Bukas na ang premiere night nila,are you ready?"untag niya sa kasintahan habang abala ito sa paghimay ng hipon na nilalagay nito sa pinggan niya.

He fount it so sweet. Spoiled na spoiled na nga ata siya nito.

Nagkibit ito ng balikat.

"Oo naman..excited na nga ako kung ano ang magiging reaksyon nilang dalawa kapag nakita na nila ko,"nakangisi nitong turan.

"Are you sure na hindi mo na itutuloy ang paghihiganti sa kanila? Alam mong matutulungan kita dyan,kaya kong pabagsakin silang dalawa ng sabay mula sa kinaroroonan nila ngayon. Babawiin lang natin ang binigay mo sa kanila,"saad niya na tinantantiya ang kasintahan.

Nakapagdesisyon na ito na hindi na ituloy ang paghihiganti nito..masaya siya roon pero hindi niya makakalimutan ang ginawa ng dalawa iyun sa kasintahan kung bakit ito nabingit sa kamatayan.

Huminto ito sa ginagawa at nakangiti na humarap sa kanya.

"Narealize ko na wala naman maganda maidudulot ang paghihiganti eh.."anito.

Tumango siya sa sinabi nito. Sang-ayon siya sa sinabi nito.

Lalo lamang niya hinahangaan ang dalaga dahil sa kabutihan ng puso nito.

"Hay..kaya na in love ako sayo kasi napakabuti mong tao dito sa lupa,"nakangiti niyang sabi.

Tumirik ang mga mata nito sa sinabi niya na kinatawa niya na tila hindi ito naniniwala sa sinabi niyang iyun.

"Talaga ba? Baka na in love ka sakin nung kiniss mo ko nun,palusot ka pa,hmp! Paproven-proven ka pa nalalaman dyan!"tugon nito sa kanya na lalo niya kinatawa.

"Baka nga ikaw yun..na love at first sight ka na sakin ng masilayan mo ang kagwapuhan ko nun,"nakangisi niyang tukso rito na sinabayan niya ng pagtaas-baba ng mga kilay niya.

Napahalakhak siya ng batuhin siya nito ng balat ng hipon.

"Ang ganda mo,my sweet Rhoda!"alo niya rito na nakabusangot na ang maganda nito mukha.

"Tsk,ayan! Ikaw na magtanggal ng balat na yan,bahala ka dyan,"maktol nito na lalo niya pang kinatawa muli.

SSL Series 1 (Completed)Where stories live. Discover now