II

44 4 31
                                    

TRACING the letters with my index finger brought me back to that day. Dalawang buwan na pala ang nakalipas simula 'nong sinulat ko ang entry na 'to, nong maging sila ng bago niyang girlfriend at ma-brokenheart ako dahil sa kaniya.

'Di kalaunan ay naging gripo ang aking luha at kapos-hiningang tumataas-baba ang likod. Kinagat ko ang lower lip ko upang, 'di marinig ng kung sinong tao sa labas ng kwarto ang mga hikbi ko. Ikatlong araw na 'to ngayong linggo, ang hindi ko pagkain ng hapunan.

Kung 'di ko sinamahan si Azi sa pag-stalk do'n sa crush niyang volleyball player- which happened to be a close friend of Klifford, 'di ko sana nakita yung public surprise ni Klifford kay Lisa sa field kung saan dinumog sila ng mga tao. Maging sa bleachers, ang dami nilang tagahangang humihiyaw para lang i-congratulate yung dalawa sa second monthsary nila. Kung umuwi lang ako agad pagkatapos ng klase, eh 'di sana, 'di ako ngayon tangang umiiyak dahil sa mababaw na rason na 'yon. Paano ba naman kasi ang loyal kong kaibigan kay Azi.

Napasinok ako dahil sa ingay ng dahan-dahang pagdamba sa hagdan. Ganiyan maglakad si ate 'pag busog na busog, mabagal at inaabutan ng minu-minuto ang lakad!

Nanlaki ang mga mata ko't kumurap ng ilang beses sa realisasiyong papasok na siya sa kwarto. Si ate ang kahati ko dito sa kwarto, pero magkaiba kami ng higaan. Nasa kaliwang kama ako, samantalang siya sa kanan. Tinaas ko ang kanang balikat ko at pinunas lahat ng luha at sipon sa manggas ng t-shirt.

"Oh my gosh, oh my gosh!"

Pagkatapos, mabilis kong inayos ang ponytail ko, choppy bangs, at salamin. Saka ko namang kinuha ang journal, tinago sa ilalim ng unan, at humiga paharap sa pader. Kinalma ko muna ang sarili ko, hanggang sa tuluyang naging normal ang paghinga ko. 

Pinikit ko saglit ang aking mga mata, "Sige magpakatanga ka pa, Enne." kunot-noong sambit ko sa sarili. Dahil nakalimutan kong patayin yung ilaw, mabilis na makikita ni ate na kakaiyak ko lang. Ugh.

Hinintay kong bumukas yung pinto at pumasok si ate, pero hindi ko na narinig pang muli yung paglakad niya. Hinintay ko siya hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Dahil naubos siguro ang lakas ko sa pag-iyak kanina.

Basta ang alam ko bago tuluyang makatulog, ay ang pagtawag ni Klifford sa pangalan ko.

•———•

Naalimpungatan ako dahil sa biglaang dagundong na umalingawngaw sa kristal na sliding door sa balkonahe.

'Di ko muna binuksan ang mga mata ko at kinapa ang magkabilang gilid ng unan, nagbabakasakaling masagi ko man lang ang phone ko.

"Ilang oras na ba akong tulog?" tanong ko sa sarili. Subalit wala akong maramdamang phone sa higaan. Binuksan ko ang kanan kong mata at agad naman akong binati ng madilim na kisame.

Binaling ko yung atensiyon sa kanang bahagi ng paanan ko- sa sliding door, at napansing wala namang presensiya ng tao. Nakita ko mula sa balikat na nakataas ang isang paa ni ate sa pader, at ang kaniyang mga bisig ay malawak na nakabukas sa higaan.

Napangiwi ako sa nakita. "Hay, ang himbing ng tulog. Siya lang yata ang komportable sa sleeping position na yan."

I gathered my upper body strength para makaupo. Bumaba ako ng kama saka naglakad papunta sa study table ko, kung saan ilang inches lang ang layo sa sliding door. Samantala, yung study table ni ate nasa upper left corner ng kama niya, malapit sa mismong pinto ng kwarto.

Kasalukuyang 2nd year student si Ate Athena sa kursong BA in Psychology. Si Amery- ang bunso namin, ay nasa last year ng kaniyang junior high school. At si Kuya Asmund naman ang pinakamatanda sa apat na magkakapatid, graduating na siya sa kursong Civil Engineering. Malapit sa dalawang taon ang agwat namin sa isa't-isa.

Ex-BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon