Chapter 6: Rides

1.2K 38 0
                                    

(Jude's POV)

Nang sabihin niyang dalhin ko siya kahit saan ay pinili ko ang Star City. Maaga pa naman kaya dito ko siya dinala. Kahit pasaway siya at matigas ang ulo, di ko mapigilang bahagyang mapangisi. Di siya makasagot sa tanong na binato ko and I find it cute.

"Wag ka ngang ngumisi!" Inis na singhal niya at naunang lumabas ng kotse.

Wala na yung ngisi ko, napalitan na ng tawa. Umiling ako saka tinanggal ang seatbelt at lumabas na rin ng kotse. Ba't ko nga ba siya dinala dito? Maybe dahil gusto kong makita ang expression sa mukha niya... at bumawi na rin? Siguro rin dahil... good girl naman siya dahil di niya sinubukang tumakas kahapon.

Nagbayad ako para sa entrance then pumasok na kaming dalawa. Kahit di niya ipakita, ramdam kong masaya siya.

"Tornado unahin natin."

Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad palapit ng linya.

Pagkasakay namin, grabi ang sigaw niya kaya napapangiti ako. Nasuka pa siya pagkatapos pero di naman nagpaawat.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko sabay bigay sa kanya ng tubig.

Nagokay sign siya. "Syempre, ako pa. Ulit uli tayo," hinila niya at pumila uli. Natatawa na lang ako sa akto niya.

Sunod na sinakyan namin ay viking. Saktong napwesto kami sa pinakahulihan. Kaya sigaw na naman siya nang sigaw habang nakataas ang dalawang kamay.

"Wooh, hindi ko inakalang masaya to!" sigaw niya at tumawa. Napapatawa na rin ang katabi tatlong katabi namin.

Pagkatapos ng viking ay umulit na naman kaya pumila uli kami.
Anim na beses kaming nagpaulit ulit, pati na rin ang pagpila. Nung panghuli na, siya na lang ang sumakay at natatawa na lang ako sa pasaway na to. Di halatang gustong gusto niya no.

Huli naming sinakyan ay ang bumper boats. Ayun, panay bangga siya sa boat ko saka tatawa nang malakas.

Muntikan nga akong mahulog nang magpakuha siya ng picture sakin tapos binangga na naman ako. Napailing na lang ako.

"Nakakahilo, ho!" sambit niya saka hinila ako patungong food stall.

Seryosong pinagmamasdan ko ang batang nasa harapan ko. Nakangiti kasi siya. Yung ngiting ngayon ko lang din nakita. Parang di siya yung batang pasaway, matigas at mainitin ang ulo.

Ngayon, maaliwalas ang mukha niya na lalong nagpaganda sa kan--napapikit ako at nagbuga ng hangin. Ano ba tong iniisip ko. Umiling ako.

"Hoy! Okay ka lang?"

Ginalaw ko lang ang isang kilay pataas bilang sagot. Pagkatapos niyang kumain, inaya ko na siyang umuwi. Mag-aalas singko na kasi ng hapon. Mas gagabihin na kami kung magtatagal pa saka apat na oras na pala kaming nandito.

Tumingin uli ako sa kanya. Nakatingala siya at nakatitig sa matayog na ferris wheel. Napangiti ako, masaya akong malaman na ito na nga naman talaga ang unang beses. Mabilis ko siyang hinila nang maitulak siya ng grupo ng kabataan.
Bumangga siya sa dibdib ko. Nang tumingala siya, agad ko naman siyang tinanong.

"Okay ka lang?"

Napakunot ang noo ko nang di siya sumagot. Nakatitig lang siya sakin. Nasaktan ba siya?

"Hey."

"O-okay l-lang."

Tinulak naman niya ako at kung di maagap na nahawakan ang braso niya ay matutumba na naman siya.

Napakunot uli ako ng noo nang tabigin niya ang kamay ko saka mabilis na tumalikod at naglakad na. Mabilis naman akong sumunod sa kanya.

Pagkapasok ng kotse ay tahimik lang siya. Kaya di na ko nagsalita at tahimik na binuhay ang makina at pinaandar.

Kalahating oras pa lang ang lumipas nang bumuhos ang ulan. Shit. Ba't ngayon pa. Umiling ako habang kinakagat ang ibabang labi, binagalan ko ang pagpapatakbo nang biglang magsalita ang pasaway nasa back seat.

"Ihinto mo ang kotse."

Tiningnan ko siya sa rearview mirror. Nakangiti siya habang nakatingin sa labas.

"Gurang, ihinto mo muna." Inis na sabi niya kaya nagpull over ako sa gilid at inihinto ang kotse. Mabilis naman siyang lumabas.

"Miss..."

Napahilot ako sa sintido ko habang pinagmamasdan siyang nakatingala sa langit at nagpapakabasa sa ulan. Kinuha ko ang payong saka lumabas ng kotse.

"Gurang, ligo tayo!" Masayang sinabi niya at patakbo akong nilapitan.

"Magkakasakit ka niyan."

"Tsk, hindi kaya. Tara na."

Bago pa man ako makapagsalita ay hinila na niya ang kamay kong nakahawak sa payong kaya nabitawan ko. Maaliwalas ang mukha na humarap siya sakin at ngumiti. Napangiti na lang din ako. May ganitong side naman pala siya.

...

Thank you for reading!

She's My Lady BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon