Chapter 12: Emergency

1K 29 0
                                    

(Marie's POV)

Ilang araw ko nang di pinapansin si Gurang. Naiinis pa rin ako sa ginawa niyang pagpapalabas sakin. Langya, nasaktan ako dun ha. Sinaktan niya ko ng ilang beses at hindi lang ako, dalawa kami. Nasaktan at naapakan ang pride ko at yung isa ay ayokong isipin dahil langya, ayoko talaga ng ganito.

Naiinis talaga ako sa sarili ko. Aish. Ginulo ko ang buhok ko habang naglalakad palapit ng parking lot. Tapos na ang mahabang boring na panghapung klase ko at syempre di nawala ang makulit na lalaking yun. Isa pa yun nakakasar.

"Last one, please."

Kunot noo akong napahinto saka tumitig sa malanding Gurang na akala mo kung sinong gwapo, kung makangiti wagas. Inis akong naglakad uli.

"Gosh, ang gwapo talaga."

"Kyaah, grabe Bess, buti talaga pumayag siya."

Sinamaan ko ng tingin ang dalawang babaeng lumagpas sakin.

"Gurang, tara na." Inis na sabi ko sabay pasok sa loob ng kotse.

Narinig ko pang sinabi nung dalawang babae na swerte raw ako. What the hell. Anong swerte, ang malas ko nga eh. Kaasar.

Inis na bumaling ako sa labas. Langyang Gurang, di ako sinunod. Padabog na binaba ko ang bintana ng kotse.

"Ano ba, aalis ba tayo o hindi? Sabihin mo lang nang mauna na ko," asar na sinabi ko.

Tumahimik naman yung mga babaeng nakikipag-picture at nakikipag-usap sa kanya nang marinig ako.

"Kung mauna ka na lang kaya," ani nung isang nasa harap niya.

"Eh, kung batuhin kaya kita ng kung anong mapulot ko rito?"

"Ha! Inggit ka lang yata eh."

Ah, ganun. Sinamaan ko ng tingin si Gurang bago mabilis na umupo sa driver seat at pinaandar ang makina. Tingnan nating Gurang ka. Alam mo namang inis na inis pa ko sayo, dinagdagan mo pa. Kaasar ka talagang Gurang ka! Aish.

Umirap ako nang tumingin ako sa side mirror. Manigas ka. Akala mo di ko totohanin ha. Ngumisi ako. Sa wakas, makakatakas uli ako. May advantage naman pala ako sa pagiging malandi ni Gurang.

Napasimangot ako nang maalala ang eksena kanina. Ba't pag sa ibang babae, ang bait niya tapos ngumingiti pa siya. Eh pag ako? Lokong Gurang yun, ang landi! Magsama sila nung girlfriend niya.

Huminga ako nang malalim bago nagpull over at hininto ang sasakyan sa gilid. Lumingon ako sa likod. Walang nakasunod. Di niya ko sinundan. Mapakla akong ngumiti saka umiling. Ano naman ngayon kung di siya sumunod. La kong paki, bahala siya! Tsk.

La akong ibang ginawa kundi magdrive. Nilibot ko lang ang buong lugar, strolling lang. Maganda sana kung gabi eh pero ngayon lang naman ako nakatyempo. Di naman na kasi ako nakakatakas pag gabi. Kasi naman ang higpit na ng bantay sa bahay dagdagan pa na may Gurang na laging nakasunod. Kaasar lang.

Ginalaw ko ang kambyo saka nag-U turn. Makalabas nga ng syudad. Geez, exciting to.

Binuksan ko ang rooftop ng kotse saka pinatugtog ang stereo. Playing Lost In Stereo by All Time Low.

"Lost in Stereo... Lost in Stereo... Lost in stereo sound..."

Sinabay ko ang paggalaw ng ulo ko sa beat ng tugtog.

Hating gabi nang umuwi ako kagabi and as usual napagalitan ako. Hindi dahil sa ginabi ako kundi dahil tinakasan ko si Gurang. Ulol nun, di ba magaling yun maghanap, ba't di niya ko nasundan. Tsk.

"Hi."

Hell. Inis na kinagat ko ang burger na inorder ko habang masama ang titig sa lalaking nasa harap ko. Siya na naman, kaasar. Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.

She's My Lady BossWhere stories live. Discover now