Treason

212 5 0
                                    

  We stood strong, we spoke words of truth they labeled treason. 

It was July 21, 2019, nasa isang Mobilization ulit kami ni Denise. I was asked to perform for the Mobilization. This time ang tema ng aming Mobilization ay musika, parang isang music festival ang ginanap. We were singing songs, some covers and some originals. I will be performing in 15 minutes. Nasa likod kami ng stage ni Denise sa ngayon, we were both wearing black polo shirts at black jeans. Before I went on stage, she hugged me tight and whispered.

"Go love, sing your heart out to these people." Denise whispered.

She pulled away from the hug, she straightened my shirt and places a quick kiss on my lips. 

"Mahal ko, please don't scare me. Parang may mangyayari na hindi maganda ha?" I said to her. 

She shakes her head and laughs at me and begins to speak to me again.

"Uy! Love! Walang mangyayaring masama. Hindi ako makakapayag na may mangyari sa atin." 

"Eh bakit kasi ganyan ka?" I said to her.

"Wala nga love." she smiled again.

"Maling, sasalang ka na in a minute!" Batchi informed me.

I smiled at Denise and gave her a quick kiss on her lips, she smiled as I did. I walked to the backstage entrance and waited a few seconds to be called. Maya-maya lamang ay tinawag na ako sa stage.

I sang them a song from the previous era of Martial Law, a pinoy folk song called Hanggang Mamatay by Noel Cabangon. I strummed my guitar and sang the whole song.

Nagulat ako at biglang sumampa sa stage si Denise, pagtapos kong kumanta. Bagamat nagtataka ako, pinagmasdan ko siya habang inabutan siya ng isang mikropono ng isa sa mga emcee.

"Magandang gabi mga kaibigan." Panimula ni Denise.

"Alam kong, hindi mahalaga sa inyo ang mga susunod kong sasabihin. Pero gusto ko lang malaman ninyo na ang babaeng ito ay mahal na mahal ko. Love, this next song I dedicate to you, medyo lihis sa tema natin ngayon, pero naniniwala ako na ang pag-ibig ay akma sa lahat ng tema. Parang ang simula natin, dito sa entabladong ito, sa lugar na ito tayo unang nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala ng mas malalim pa. Maraming salamat sa iyo love for making me the happiest woman inspite of our circumstance, anim na buwan na mula ng nabago ang ating buhay. Happy 6th Monthsary, my love and strength." Denise said as she looked at me.

She sang the song Kahit Maputi na ang Buhok ko by Rey Valera originally. Madami nang nagcover ng song na ito, but hers is my favorite. First time, nadinig ko ang singing voice nya, sa harap ng libo-libong kasama namin sa Mobilization na ito. Kalmado ang mga hanay ng mga pulis sa ngayon, pero alam naming mamaya lamang ay ididisperse na kami. Pero sa ngayon, wala akong paki-alam sa kanila, tanging si Denise at ang kantang inialay nya sa akin ang laman ng isip at puso ko sa kasalukuyan.

Being with Denise is like riding a roller coaster, madalas nakaka-kaba ang pagiging unpredictable nya. Wala siyang rules na finafollow, wala siyang paki-alam sa sasabihin ng ibang tao. Minsan sobrang bilis nya, minsan mabagal at kung minsan para kang mahuhulog sa mataas na punto ng ride o para kang ibinibitin in mid-air. But as hard as that may be, my heart always wanted to let her be the driving force in everything I do.

2103: Martial Law (Love in Dark Times)Where stories live. Discover now