Another day

212 4 0
                                    

I stole a glance at you, while we chanted words of truth and stood our grounds.

"Nay, lahat yun ginawa nyo ni Mommy?" Our only daughter Tadhana asked.

"Yes, anak. Diba, mahal ko?" I said to Denise for confirmation.

"Yes, we did baby. Marami pang nangyari noong araw." Denise said.

"Sige nanay, ituloy nyo na ang kwento, excited akong malaman ang susunod na nangyari." Tadie said.

"Nasan na ba ako?" I asked her.

"Dinner po with The Family." Tadie said.

"Galing naman ng baby ko, nakikinig talaga kay Nanay." Denise said.

"Okay, eto na nga anak. This is the best part of the story. Makinig kang mabuti."

I said as I continued to tell her the story of how I came to love her mother.

August 10, 2019
Martsa Para sa Masa
UP Diliman

Mag-iisang buwan na din ang lumipas, magmula ng huli kaming nagkaroon ng mobilization, the last was during our 6th Monthsary. Today we prepared to March from UP Diliman papunta sa Bantayog ng mga Bayani, kung saan mag-aalay kami ng mga kandila para sa mga biktima ng nagdaang rehimen. Para na din ipagluksa ang balitang kahapon lamang ay natagpuan na ang bangkay ng Uncle ni Denise. Si Edwardo Jopson, matapos ang apat na dekadang paghahanap nila, natagpuan na kahapon ang skeletal remains ng Uncle niya. Batay sa ulat ng Komisyon ng Pangkarapatang Pantao, sa isang liblib na bayan ng Jalajala daw natagpuan ang skeleton ni Uncle Ed. Lahat kami, kasama ang Pamilya ni Denise ay mag-mamartsa patungo sa bantayog. Dito namin susunduin ang Uncle nya upang ilagak sa huling hantungan niya.

"Mahal ko." Tinawag ko si Denise na ngayon ay namimintana sa classroom.

"Love?" She said as she looked into my eyes.

"Tara na, iniintay na tayo sa baba." I said to her.

She walked towards me at akmang lalabas na ito ng pinto, kundi ko lamang ito pinigilan.

"Mahal ko, alam kong nalulungkot ka sa sinapit ng Tito mo. Andito lang ako mahal." I said as I hugged her.

When dealing with a loss, there isn't anything you can say to make things better. You wish you can but there isn't especially if the loss was due to one's love of his country. Bagamat hindi nakagisnan ni Denise ang kanyang uncle, buhay ito sa kanyang ala-ala, dahil na din sa kwento ng pamilya at mga dating kasamahan sa kilusan.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa pilit tinatago ni Denise. The ones for her beloved uncle. I hugged her tightly, inside an empty classroom, where we were once students. Where her uncle was once a student himself. Napuno ang tahimik na paligid ng panaghoy ni Denise, bagamat nababasag na ang tapang ko, alam kong mas kailangan nya ako ngayon. I steeled myself to tell her what I needed to stay.

"Mahal ko, hindi ko alam kung paano kita matutulungang mapagaan ang nilalaman ng iyong puso, pero sisiguraduhin kong hindi tayo titigil para sa kinabukasan ng mga anak natin, para sa atin. Tuloy ang laban para sa kinabukasan."

2103: Martial Law (Love in Dark Times)Where stories live. Discover now