Chapter 4

81.3K 2.5K 3.1K
                                    

Enjoy reading!

***Chapter 4***

NANGINGINIG ANG MGA KAMAY na inabot ko ang isang basong tubig na iniabot ni Edsel sa akin. Nakaupo ako sa sofa sa salas ng apartment ko.

Napabuntong hininga ito at lumuhod sa harap ko. Hinawakan nito ang mga kamay ko at pinagsiklop nito iyon sa basong hawak ko.

"Relax." Masuyong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Napalunok ako. How can his presence can make me calm? Anong meron sa lalaking ito?

"There. Good girl." Nakangiting sambit nito nang maramdaman na paunti-unting nawawala ang panginginig ko. "Inumin mo na." Masuyong utos nito.

Kaagad naman akong tumalima at inubos ang laman ng baso. Kaagad nitong kinuha ang baso at ipinatong iyon sa maliit na mesa malapit sa amin.

"H-Hindi ka dapat tumawag ng police." Kapagkuwan ay sambit ko habang nakatingin sa nakabukas na pinto ng kuwarto kung nasaan may isang magandang babaeng naka-upirmado na police doon.

May mga kasamahan pa itong tatlong police na puro kalalakihan habang kinukunan ng litrato ang mga nakahandusay at duguang katawan ng mga kalalakihang pumasok kanina sa apartment ko.

"Do you trust me?" Muling bumalik ang tingin ko kay Edsel.

Sandali akong hindi nakaimik sa tanong nito at tinitigan lang ito.

"Kung hindi mo ako pinagkakatiwalaan, hindi dapat ako ang tinawagan mo." Seryosong sabi nito.

Mabilis akong umiling.

"I trust you. It's just..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. "You're a stranger to me. Naiintindihan mo naman siguro ako? At wala talaga akong tiwala sa mga police. I'm sorry." Nakikiusap ang boses ko.

Nakita kong dahan-dahan itong tumango.

"I understand. But just trust me on this. Hindi kita ipapahamak. I know them personally." Anito habang nakatingin sa mga police na naroroon.

Ramdam ko ang sinseredad sa boses nito.

"Salamat." Muli itong tumingin sa akin sa sinabi ko.

"For what?"

"Ito ang pangalawang beses na tinulungan mo ako. Maraming salamat." Usal ko.

Ngumiti ito.

"I'm glad you called me in times like this. Why me? Why not your boyfriend?" He asked, frowning.

Napakurap-kurap ako ng marealized ang tanong nito.

"Boyfriend?" Kunot-noong balik tanong ko dito.

"Uh-huh. Bakit hindi siya ang tinawagan mo at-"

"Wala akong boyfriend." Agaw ko sa sasabihin nito. Natigilan naman ito sa sinabi ko.

"Wala kang boyfriend?" Parang hindi makapaniwalang tanong ulit nito.

Mabilis naman akong umiling.

Phoenix Series #2: My Heart Did Choose You(COMPLETED)Where stories live. Discover now